Era's P.O.V
2 days na lang papasok na ako sa university. Kaya mga gamit ko ay nakahanda na.
Wala naman akong gagawin sa dito sa bahay kaya naisipan ko na maglaro ng basketball sa tapat ng bahay namin. Kinuha ko yung bola ni kuya at pumunta na ako sa tapat ng bahay namin.
Habang naglalaro ako ng basketball, pagbato ko ng bola ay napunta sa sa ibang direksyon.
Napunta sa katapat namin na bahay na walang naman nakatira doon.
Kinuha ko yung bola. Napansin ko na meron nakaparadang itim na van sa tapat ng bahay na ito.Aalis na sana ako ng biglang may narinig akong nagsasalita sa bandang itaas.
Hindi ako nag dalawang isip na pumasok sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay pumunta ako sa sala. May nakita kong 7 maleta sa sala. Napatingin ako sa mga kisame na puro alikabok. Sobrang dumi ng paligid. Madilim at ang araw lang ang tanging nagbibigay liwanag neto.
Natatakot ako kasi parang may nararamdaman akong nasa likuran ko.
Dahil may naririnig ako mga yapak ng mga paa.
Kinakabahan ako. Kaya nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko.
Lilingon sana ako at may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo dito?!"
Sa sobrang takot ko nahagis ko yung bola na hawak-hawak ko patalikod at tumakbo ako at nagtago sa isang lamaking sofa.
Napatingin ako at nakita ko ang isang lalaki na hindi katangkaran na nakaupo at nakahawak sa ulo nya.
Natamaan sya ng bola ko..
Agad naman akong lumapit sa kanya.
"O-okay ka lang?" Tanong ko.
"Sa tingin mo ba okay ako?!" Galit na pagkasabi nya.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya kala ko kasi walang tao kaya ako pumasok dito. Staka may narinig din kasi ako kaninang nagsasalita sa itaas." Paliwanag ko.
"Bakit ka ba pumasok dito sa bahay ko? Ng walang paalam man lang?!" Sabi nya.
"Kailangan ko pang ulitin? May narinig kasi akong nagsasalita sa itaas kaya ako pumasok rito." Sabi ko at kinuha ko yung bola ko.
"Umalis ka dito ngayon na." Sabi nya at tinignan nya ako ng masama.
"Oo na oo na aalis na ako dito. Sorry talaga." Sabi ko at umalis na ako.
Tumakbo ako pauwi sa bahay namin. Umakyat ako sa kwarto ko.
Hinanap ko yung binoculars ko at pumunta ako sa bintana ko.
Tumingin ako sa bandang itaas ng katapat naming bahay. May mga lalake na nag k-kwentuhan. At napatigil sila nang dumating yung natamaan ko ng bola. Nakatahawak parin sa ulo nya.
"Tss. Bakla ata tong lalake to eh. Para bola lang tss." Sabi ko at ginamit ko ulit yung binoculars ko para makita kung ano yung ginagawa nila.
Pagka-kita ko ulit. Yung lalaki kanina na natamaan ko ng bola ay nakatingin sa akin ulit ng masama.
Nagulat ako at nahulog ako sa upuan.
"Aray.." sabi ko at napahawak ako sa pwetan ko.
"Era! Kain na!" Sigaw ni nanay che sa ibaba.
"Opo! Bababa na ho ako." Sagot ko at bumaba na ako.
Pagkababa ko ay kumain na kaming dalawa.
"Oh bakit ganyan hitsura mo era?" Tanong sa akin ni nanay che at parang binabasa ang isip ko.
"Po? May dumi ba yung mukha ko?" Tanong ko.
"Hmmm. Kilala kita era. Sabihin mo, may kasalanan kang nagawa no?" Tanong nya.
Alam talaga lahat ni nanay che yung mga kilos ko.
"Opo. E kasi may natamaan ako na bola dyan sa katapat natin na bahay." Paliwanag ko.
"Meron na pala dyan nakatira?" Tanong ko.
"Oo. Meron na dyan nakatira yung apo ng may ari ng bahay staka yung mga kaibigan ng apo nya. May bigay ka ng peace offering era." Sabi nya.
"P-po? S-sige mamaya." Sabi ko.
Pagtapos namin kumain ay umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Bibili ako ng pang-peace offering dun daw sa natamaan ko ng bola.
Tss. Grabe naman yung lalakeng yun masyadong sensitive sa buhay.
Naisipan kong bumili ng macaroons para ibigay sa kanya at sa mga kaibigan nya.
Maya-maya ay nasa tapat na ako ng bahay nila.
Nagdoor bell ako. Maya-maya ay may nagbukas ng pintuan.
"Uh- Hi nandito pala ako para ibigay to sa inyo staka kay..."Sabi ko habang iniisip yung pangalan ng lalake kanina natamaan ko ng bola.
"Si?" Sabi ng lalake.
"Describe mo na lang kung anong hitsura." Sabi nya.
"Yung pandak staka--" Sabi ko pero hindi na nya ako pinatapos.
"Pfft. HAHAHA kilala ko na. Ikaw pala yung kinwento sa amin ni jimin. By the way, si jimin yun. At ako naman si Taehyung. Halika pasok ka." Sabi nya at pumasok ako.
--------------------
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...