Era's P.O.V
Bumalik na kami lahat sa bus at nagbiyahe na kami ulit.
"Ano bang nangyari sa inyo ni jimin? Kanina hindi ka naman nagsasalita." Tanong sa akin ni dash.
"Nainis lang ako bigla sa kanya ewan ko kung bakit." Sabi ko.
"Meron ka ba?" Tanong nya sa akin at tumango ako.
"Kaya naman pala. Mag sorry ka na lang kay jimin." Sabi nya.
"Mamaya." Tipid na sabi ko at natulog na lang ako.
••••••••••••••
Nakakatatlong oras na kami pero wala pa rin kami sa campsite. Hindi ko na kaya matiis kaya kinausap ko na yung tour guide na si kuya coco.
"Kuya coco malapit na ba tayo? Ang sakit na ng pwet ko dito kakaupo nakatulog na ako lahat-lahat wala pa rin tayo sa pupuntahan natin?!" Inis na pagkasabi ko at inaawat ako ni dashira.
"Ms. Kim malapit na tayo sa pupuntahan natin nga 5 minutes na lang nandito na tayo." Sabi sa akin at hindu ko na lang sya pinansin.
Maya-maya tumigil na yung bus sa isang malaking black na gate. Napatingin ako sa bintana puro matataas na puno ang paligid neto. Ma-ala green inferno ang dating.
"Okay guys nandito tayo pwede na kayo bumaba at dalhin nyo na yung mga gamit ninyo." Sabi ni kuya coco at nagsibabaan na kami lahat.
Pumasok kami lahat sa campsite at napanganga ako sa nakita ko. Mas malawak at maganda pa pala kesa sa iniisip ko na campsite kanina. May dalawang Building at yung iba naman ay siguro mga activities na gagawin namin lahat naka ready na.
"Woah." Sabi ni dash at tinignan nya ang buong paligid.
"Guys. Si Ms. Choi Jewel ang magbabantay sa inyo in 3 days habang ako naman sa boys." Sabi ni kuya coco.
"Hi! Ako nga pala si Choi Jewel. Tawagin nyo na lang akong Jewel o Noona. Ako ang makakasama nyo in 3 days at ako ang makakasama nyo sa ma activities ninyo." Sabi ni Ate jewel at nag greet kami sa kanya.
"Girls dalhin niyo muna yung mga gamit ninyo sa sarili ninyong room. Sundan ninyo ako." Sabi ni ate jewel at sinundan namin sya.
Maya-maya ay nakarating na kami sa building namin.
"Okay girls, eto yung building ninyo 2 tao ang mag s-share sa isang room kaya pick your partner." Sabi ni ate jewel at pumili na kami ng mga partner. Ang ka-partner ko si dashira.
"Nakapili na kayo? Sige. Yung iba dito sa 2nd floor then the rest sa 3rd floor na. Ilapag nyo muna yung mga gamit ninyo sa room ninyo at lumabas din kayo agad dahil iikutin natin ang buong campsite at ie-explain ko sa inyo isa-isa." Sabi ni ate jewel at pumasok na kami sa sarili namin na room at inilapag namin yung gamit namin at lumabas kami agad.
Inukot namin ang buong campsite may climbing wall, may oval at kung ano ano pa. Parang na-eexcite ako mag start yung camping pero sabi ni ate jewel bukas na daw mag s-start kasi pagod daw kami galing sa biyahe.
Gabi na kaya tinawag kami lahat ni ate jewel para daw sa campfire.
Paglabas namin nandoon na ang mga lalake. Nakita ko si jimin na nakaupo sa may malaking kahoy at nakatingin sa apoy. Nang nagsalita si ate jewel staka sya lumingon sa akin.
Wala akong nagawa kaya ningitian ko na lang sya at ganun rin ang ginawa nya.
Umupo ako sa tabi ni jimin.
"Sorry nga pala sa nagawa ko kanina moody lang talaga ako kaya ganun." Sabi ko.
"Okay lang naiintindihan ko naman." Sabi nya ngumiti sya.
Ngayon ko lang napansin na ang cute pala ni jimin pag tumatawa. Sa ilang months ko na syang kilala bat ngayon ko lang sya nalaman na may pagka cute pala si jimin.
"B-bakit? Bakit ka ganyan makatingin? Pogi ba ako?" Sabi ni jimin.
"W-wala. Haha teka lang may kukunin lang ako kay dash." Sabi ko at tumayo ako.
"Era teka lang." Sabi ni jimin at hinubad nya yung jacket nya ang tanging suot na lang nya ang ang sando nya. Napatili ang ibang babae pati rin mga lalake dahil kita na yung biceps ni jimin. At inilagay nya ang jacket nya sa bandang pwetan ko.
"Bakit? A-anong meron?" Pagtataka kong pagkasabi.
"M-may aish! May japan." Sabi ni jimin at parang naiilang syang sabihin ito.
"J-japan? Ano yun?" Sabi ko at inisip ko. Maya-maya ay nagets ko ang sinabi ni jimin.
"S-sorry. Thank you nga pala. Saglit lang magpapalit lang ako." Sabi ko at bigla naman lumapit sa amin ang tropa ng ni jimin.
"Horreh xh8." Namjoon.
"Nyaay fafa!" Sabi ni V at binatukan sya ni dashira.
"Fuck." Suga at may pahabol ulit ._. "Swaeg."
"Biceps! Malaki din biceps ko pero napunta lahat sa ilong ko kaya malaki." Jungkook.
"Fafa!" Si hoseok at hinawakan sya sa braso at sinapak eto ni jimin.
"Nakakalerki itech! Fafa jimin! Pwede pahawak?" Sabi ni jin at pinakyu sya ni jimin.
"Nababading na kayo sa akin inggit lang kayo sa biceps ko kasi wala kayong ganito." Sabi ni jimin at pinakita nya ang muscles nya.
"Pero wala ka pa rin jams." Sabi ni namjoon at tumawa kaming lahat.
--------
Ganda ni hally HAHAHAHAHHAA okay good night 😂-I'mJimin'sWife
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...