Era's P.O.V
4:30 pa lang gising na ako. Kagabi pa lang nakahanda na ang dadalhin ko mamaya. Napatingin ako sa wall clock ko 5:00 na. Wala naman na akong gagawin kundi hintayin ang mag 5:30 para makaalis na ako sa bahay. Maaga ako na ligo dahil excited na ako. Humiga na lang ulit ako pampalipas ng oras.
5:30 na kaya kinuha ko na yung mga gamit ko at bumaba na ako.
"Nay che aalis na po ako." Sabu ko at lumapit ako kay nanay che.
"Sige nak ingat ka dun ah?" Sabi ni nanay che at hinalikan nya ako sa noo.
"Opo. See you in 3 days nay! Alis na po ako." Sabi ko at inilagay ko na ang gamit ko sa likod ng kotse at umalis na ako.
After 20 minutes ay nasa university na ako. Nakita ko na may 2 malaking bus na naka park sa tapat ng university.
Pumasok ako sa loob at nakita ko sila na nakapila. Pumila ako sa linya ng girls.
"Kumpleto na ba lahat? Kasi kailangan na natin umalis malayo pa ang byahe natin." Sabi ni prof. lee.
Maya-maya dumating na ang bangtribes. Sila na lang pala ang kulang kaya pumasok na kami sa bus. Magkahiwalay ang babae sa lalake. Kaya ang 1 bus sa babae at yung isa naman ay sa lalake.
Pagpasok ko sa loob ng bus, tumabi ako kay dash.
Wala ako ginawa buong biyahe kundi kainin ang dala kong pagkain at pagsalpak ng earphones sa tenga ko. May tour guide kami at salita naman ng salita kahit wala naman sa kanya nakikinig. Nasasayang lang laway nya.
Halos mag mag isang oras na kami dito nakaupo at buti na lang nag stop over kami. Pumunta kami sa may convenience store. Nagkita-kita kami nila jimin.
Pagkababa na pagkababa nila si V ang unang bumaba at tumakbo papunta kay dashira at niyakap ito. Napatingin ako sa kanila. Si V naman kung makayakap parang sasakalin na si dash. Walang forever.
"T-teka lang tae, grab ka naman makayakap sa akin parang ilang taon tayo hindi nagkita." Sabi ni dash at pumiglas sya sa yakap ni V.
At sumunod naman sila jimin.
"Ako na lang yayakap sayo Era." Sabi ni Hoseok at hinampas ko sya ng dala kong pillow neck.
Bumili lang ako ng ice cream at lumabas din ako. Sobrang lamig dito sa labas. Nakalimutan ko naman dalhin yung jacket ko sa bus malayo naman yung pinag parkingan kaya hindi na lang. Nagulat na lang ako may biglang naglagay ng jacket sa akin. Yun pala si jimin.
"Oh anong ginagawa mo dito? Malamig dito tas ganyan lang pa ang kinakain mo." Pagsaway sa akin ni jimin.
"Pake mo ba?" Sabi ko at kinain ko yung ice cream.
"Oo may pake ako wala lang jams. Pamasok ka dun sa loob malamig dyan." Sabi ni jimin at hinawakan yung braso ko.
"Ayoko nga sabi." Sabi ko. Hindi ko ba alam kung bakit ang moody ko ngayon.
"Era, alam mo ang moody mo ngayon. Ano bang problema mo?" Tanong nya sa akin.
"At bakit ba jimin?! Bat ka ba nagaalala sa akin?!" Sabi ko.
"Dahil kaibigan kita!" Sigaw ni jimin. Siguro nakikita nila ngayon na nagaaway kami at wala akong pakealam.
"Meron ka ba ngayon kaya ka ganyan?" Sabi ni jimin at inabutan ko sya ng mapa.
"Anong gagawin ko dito?!" Sabi ni jimin.
"Hanapin mo kung nandyan yung pake ko." Sabi ko at pumasok na ako sa loob.
Umupo ako sa tabi ng dash at napansin nya na parang nag iba ang awra ko.
"Mukhang nag-away kayo ni jimin ah bakit?" Tanong sa akin ni namjoon pero hindi ko sinagot ang tanong nya.
Napansin ko na si jimin pumasok din at tumabi kay jin.
"Nag-away ba kayong dalawa?" Tanong sa amin ni namjoon pero wala sa amin sumasagot.
"Jimin?" Sabi ni namjoon.
"Moody lang yan ngayon." Tipid na pagkasabi ni jimin.
------------
Horreh xh8 LQ na dis HAHAHAHA
-I'mJimin'sWife
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...