Chapter 9

50 4 0
                                    

Era's P.O.V


*after 2 days*

Nandito ako ngayon sa loob ng room inaantok habang nag lelecture ang prof namin. Ang boring ngayon araw na 'to. Kaya naisipan ko na lang na matulog na lang ako sa klase nya. Hindi naman nya siguro ako mahahalata kasi nasa likod naman ako. Si suga nga araw-araw natutulog sa klase pero hindi naman sya sinisita.

Ang totoo kasi nyan....

Bulag prof namin. Kala ko nung una hindi sya bulag kasi lagi syang naka shades parang ang taas ng tirik ng araw sa loob ng room namin. Oh diba? Kahit may kapansanan na sya hindi pa rin sya nagsasawang magturo sa mga estudyante katulad namin. May time pa nga na habang nag lelecture sya halos lahat ng kaklase ko tulog na yung mga nakikinig na lang sa kaniya bilang na lang.

--------

"Era era gising na break na." Narinig ko yung sinabi ni dash at nagising na ako.

Naglakad na kaming 9 papunta sa cafè. Napansin ko si dashira kung ngumiti parang abot hanggang langit para wala nang bukas.

"Dash. Mukhang masayang-masaya ikaw ha? Anong meron?" Tanong ko sa kaniya.

"W-wala ah!" Sabi nya at tumawa sya ng mahina.

"Sus wala daw. Ano? Kamusta na kayo ni taehyung. Nakita ko kayo nung nakaraang araw close na kayo at lagi na kayo mag kasama." Sabi ko sa kaniya.

"Ano ba era, kaibigan ko lang sya." Pagdedeny ni dash pero halata naman sa mga kilos nya ngayon.

"Kaibigan o ka-i-bigan?" Sabi ko.

"O." Sabi ni dashira at tumawa sya.

Nakarating na kami sa cafè. Bumili na kasi isa-isa ng mga pagkain namin at umupo na kami sa table.

At may nangangamoy na naman na kalokohan nila jimin. Uupo na sana si taehyung pero hindi sila pinapaupo neto kaya umupo na lang si Taehyung sa tabi ni dashira. At ako naman ay natatawa na lang sa pinag-gagawa nila napansin ko sila ay kinikilig dahil magkatabi nga ang dalawa at nag uusap na parang walang tao sa tabi nila.

Nag usap-usap sila ni namjoon at ako naman ay kumakain.

"Ay! Oo nga pala!" Malakas na pagkasabi ni namjoon at napatingin kami lahat sa kanya.

"May naiwan ako sa room kailangan ko kunin. Jin! Samahan mo ako dali!" Sabi ni namjoon at umalis na silang dalawa.

"Tinatawag na ako ng kalikasan kailangan ko nang umalis babalik din ako." Sabi naman ni hoseok at gumaya din sa kanya si jungkook at umalis na sila.

"Pinapatawag pala ako ngayon ni appa sa office nya kailangan ko nang umalis." Sabi ni suga at umalis na sya.

Kami na lang ni jimin,taehyung,dashira ata ko ang natira.

Napatingin ako kay jimin at binigyan nya ako ng sign at nagets ko agad.

"Tae kailangan na namin umalis ni era kasi sasamahan ko pa sya sa library ibabalik nya lang yung libro nyang hiniram." Sabi ni jimin at hinatak nya ako palabas ng cafe. Sila dashira at V naman ay nagtataka kung bakit sila na lang dalawa yung natira.

Nagtago kami ni jimin malapit sa cafe at tinignan sila dashira. Aalis na din sana si dashira pero pinigilan sya ni V.

"Kakilig naman 'to parang nanonood ako ngayon ng love story." Sabi ko habang pinapanood ko sila.

"Tara doon na tayo sa tambayan natin sigurado nandoon silang lahat." Sabi ni jimin at pumunta na kami sa may fountain.

Maya-maya ay nakarating na kami sa fountain at nandoon nga sila lahat.

"Oh anong nangyari?" Tanong ni namjoon.

"Ayun, nilalanggam na sa sobrang sweet." Sabi ni jimin.

"Lalake na si Taehyung." Sabi ni hoseok.

"Elyen pa rin sya." Sabi naman ni suga.

"Tara wala naman na tayong next sched diba? Gala tayo." Pag-aaya ni jin at sila naman ay nag agree sa sinabi ni jin except sa akin.

"Wag kang mag-alala eraa ko ang bahala. Swaeg~" Sabi ni suga at pumayag na lang ako.

Lahat kami ay sumakay na sa kotse.

"Teka lang paano si taehyung hyung?" Pagaalalang sabi ni jungkook.

"Wag mo na yun problemahin malaki na yun staka kasama naman nya si dashira." Sabi namjoon.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa arcade." Sabi ni jimin.

Maya-maya ay nakarating na kami sa mall at pumunta kami sa arcade.Pagkapasok na pagkapasok namin ay nakasira na agad si namjoon. Nasira nya yung control ng isang machine doon at buti na lang walang nakakita sa kaniya.

Pumunta kami sa isang videoke at doon kami tumambay lahat. Habang sila ay kumakanta, tumatawag sa akin si nanay che.

"Teka lang ha? Tumatawag kasi sa akin si nanay che." Paalam ko sa kanila at lumabas ako.

"Hello nay che! Miss na miss na kita kailan ka uuwi?" Sabi ko sa kanya.

"Malapit-lapit na era. May good news ako sayo!" Masayang masaya nyang pagkasabi sa kabilang linya.

"Ano yun?" Sabi ko.


"Baka uuwi magulang mo kasama kuya mo!" Sabi ni nanay che at halatang halata sa kanya na masaya sya.

Ako naman hindi masaya na uuwi sila. Anong gagawin nila dito? May ipapakilala sa akin na lalake tas papakasalan ko? Mas mabuti pang hindi na lang sila umuwi dito dahil mas mahalaga pa naman sa kanila yung business nila kesa sa akin diba? Kaya ba nila ako binuhay dito sa mundong ibabaw para kami ni kuya ang magpapalakas sa business nila?

"Hello? Era anak? Okay ka lang ba? Hindi ka ba masaya na uuwi magulang mo?" Tanong nya sa akin.

"Nay che naman. Kailan ba ako naging masaya sa tuwing uuwi sila? Ayaw ko sa kanila nanay che kahit magulang ko sila." Sabi ko

"Grabe ka naman era. Kahit papaano magulang mo pa rin sila kahita nong mangyari. Ginagawa nila yun para sa inyo--" Sabi ni nanay che pero hindi ko na sya pinatapos dahil lalong uminit ang dugo ko sa sinabi nya.

"Ginagawa?! Para sa amin?! HAHA. Great joke nanay che. Never ko pa yan narinig sa kanila tss. Hindi ko naramdaman ang pagiging mabuti magulang." Sabi ko at paluha na ako.

"Sige na era nak. Kailangan na nila ako ngayon. Ingat ka dyan ah? Labyu." Sabi ni nanay che ay binaba na nya ito.


Bumalik ako sa videoke na naluluha at nagulat sila.

"Bakit era?" Tanong nila sa akin.

"W-wala haha. Okay lang ako napuwing lang mata ko." Pagsisinungaling ko sa kanila at pinunasan ko ang mga luha sa pisgi ko.

Inabot kami ng gabi sa mall. Pagpasok ko sa bahay natulog agad ako kumain naman kami kanina sa mall kaya matutulog na ako.

Hanggang ngayon naiisip ko pa rin bakit uuwi sila eomma.

"Sana hindi na lang sila umuwi..." Sabi ko sa sarili ko at natulog na ako.

------------
Naguguluhan na ako ngayon huehuehue punyeta kasi si jin ㅠㅠ sinisira kami ni jimin HAHAHAHHA choss pero ang pogi talaga ni jin bakit ganun?! Sana forever na lang blonde yung hair nya dejoke walanh forever HAHAHAHAH okay bye.

-I'mJimin'sWife

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon