Chapter 24

39 5 0
                                    

Era's P.O.V


Ngayon nandito kami sa bar. Birthday kasi ngayon ni namjoon at dito sya nag celebrate. First time ko pumasok sa bar at first time kong uminom ng mga alcohol.


"Uy Era inom kang wine ulit!" Yaya sa akin ni Dash.


"Masyado nang marami nainom ko. Sabi ni nanay che wag daw ako magpakalasing." Sabi ko.



"Sige na Era! Birthday ko naman staka ngayon lang to ano ba." Sabi ni namjoon at kumuha na lang ako ulit ng isanh red wine. Nakakalimang baso na ako ng red wine at nararamdaman ko na ang epekto nito.



Nakaupo lang ako sa upuan habang sila naman ay nagsasayawan.




"Era tara sayaw tayo!" Sabi ni dash pero hindi ko masyadong marinig dahil sobrang ingay.



"A-ano?!" Sabi ko.




"Sayaw tayo!" Sigaw ni dash at pumunta kami sa gitna na kung saan na nandoon din sila namjoon.



"Gurang ka na badjao! HAHAHA!" Sabi ni suga at tinungga nya yung alak.



"Era." Sabi ni jimin at binigay sa akin ang isang baso ng red wine.


Hanggang sa nawala na ako sa sarili ko natuluyan na talaga akong nalasing. Kuha ako ng kuha sa counter ng red wine.


"TAGAY PA!" Sigaw ko at sumayaw-sayaw ako sa harapan.


Jimin's P.O.V


"TAGAY PA!" Sigaw ni Era at sumayaw ito.


Patay na. Masyado nang nalasing si Era yari na kami neto kay nanay che. Pumunta ako kanila namjoon.



"Hyung uwi na tayo. Malakas na ang amats ni Era baka magwala pa yan dito." Sabi ko.



"Mamaya na nagsasaya pa naman sya dito." Sabi ni namjoon at mukhang may tama na rin ito.



"Ulol ikaw nga rin ata may tama na kaya tama na." Sabi ko.




"Bakit ba birthday ko naman? Get out of my sight you bitch." Sabi nya. Ayan na nga lasing na nga nag e-english na naman sya.



"Tara na baka kung anong mangyari pa dito kanila era staka gabi na rin." Sabi ko.




"Sus hyung masyado kang nag-aalala kay era malaki na yan." Sabi ni V at may tama na rin eto halos lahat na sila may tama except sa amin ni Jin.





"Oo nag-aalala na ako kay Era. Eh ikaw? Hindi ka ba nag-aalala sa girlfriend mo? Baka magulat ka na lang pag gising mo bukas buntis na yan si dash sa ibang lalake. Kaya umalis na tayo ngayon." Sabi ko at sumunod sila sa akin.



"Jin tara na tulungan mo ako." Sabi ko at alam na ni jin ang ibig kong sabihin at lumapit na kami kanila Era.



"Era." Sabi ko pero hindi nya ako naririnig patuloy parin sya sa pagsayaw.




"Era." Sabi ko at hinawakan ko sya sa balikat nya.



"Tagay tayo!" Sabi nya sa akin at may hawak hawak pa rin syang wine.



"Era halika na uwi na tayo lasing ka na." Sabi ko at hinatak ko sa palayo at kinuha ko yung wine sa kamay nya.




"Akin na yan!" Sabi nya at pilit nyang kinukuha yung wine sa akin.




"Tama na uuwi na tayo lasing na lasing ka na papagalitan tayo ni nanay che." Sabi ko.



"Gusto kong magsaya. Wag ninyo akong pigilan." Sabi nya at pumasok na kami lahat sa kotse.


Napatingin ako kanila V at dashira parehas nang lasing ang dalawa mukha na silang ewan.


Nakarating na kami sa bahay hinatid ko sila Era sa bahay nila.



"Oh gabi na kayo ah? Teka si Era nalasing?" Sabi ni nanay che.



"Opo. Masyadong marami ho syang nainom na wine." Sabi ko.



"Ganun ba sige. Paki akyat na lang sya sa kwarto nya." Sabi ni nanay che at umakyat kami sa kwarto ni Era.


"Jimin pwede ikaw muna mag ayos kay Era? May gagawin pa kasi ako sa baba. Bibigyan na lang kita ng pamunas para mahimasmasan naman kahit papaano si Era para mawala yung pagkalasing nya." Sabi ni nanay che.




"S-sige po." Sabi ko at inilapag ko si Era sa kama nya.




"Oy ikaw." Sabi ni Era at tinuro nya ako.



"Mahal mo ako?" Sabi nya habang naduduling ito.


Nagulat ako sa tanong nya pero mas pinili ko na lang na hindi sya sagutin dahil lasing lang sya.




"Oy! Kinakausap kita! Mahal mo ba ako?" Sabi nya ulit.





"Era lasing ka lang tumigil ka nga." Sabi ko.





"H-hindi ako lasing *hik* nagsasabi ako ng totoo." Sabi nya.





"Malapit na Era.. malapit na." Bulong ko at dumating na si nanay che.




"Sinabi ko naman sayo na wag kang masyadong magpakalasing--- Aish era naman." Sabi ko at bigla nya ang sinukaan pero tinawanan nya lang ako.





"Bakit anong meron?" Sabi ni nanay che.




"Sinukaan nya po ako." Sabi ko.




"Nakoo! Pasensya ka na jimin sige ako nang bahala sa kanya umuwi ka na sa inyo at magpalit ka na ng damit." Sabi ni nanay che at umuwi na ako.



Umakyat ako at pumasok na ako sa kwarto ko. Hindi pa ako makatulog hindi dahil sa maingay pa sila hoseok at V. Iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin kanina ni Era.


"Mahal mo ba ako?"


Ayan ang laman ng utak ko ngayon.



"Era.. malapit na.. malapit na kitang......... mahalin."





-----------

WHAAAA HAHAHHA megesh kumakana si jimin! 😂

-I'mJimin'sWife

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon