5th,"Anak, bakit hindi mo ipalaam sa asawa mo na buntis ka?" Walang kaalam-alam ang pamilya ko na malabo na ang pamilyang inaakala nila.
Ngumiti ako," busy po kasi siya ma...Tsaka nasa Hawaii po sila ng pamilya niya .."
"Ba't hindi ka isinama?"
"Takot po kasi ako sa pinagbubuntis ko ma, baka mapano po ako doon . Tapos hindi ko pa kabisado doon."
"Siya, mag pahinga ka na at ang bilin ng doktor 'wag masyadong mag iiyak at malungkot...kung andito lang asawa mo sigurado akong magagalit iyon sa'yo ..." Yumuko ako sa mga sinabi ni mama. Hindi ko kaya silang biguin.
Tumango-tango ako at nahiga sa aking kama.
6th,
Nang magising ako ay nagpasya akong puntahan si Philip sa kanyang condo.
Kailangan niyang malaman na buntis ako. Kahit iyon lang sana. Ayokong maghihiwalay kami nang may samaan kami ng loob . At ayoko ring isipin niya na ipagdadamot ko siya sa bata, iyon ay kung gusto niya lang na maging bahagi ng buhay ng anak namin. Hindi ko rin gusto na lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama.
Sana maintindihan din ni baby na hindi kami pwedeng magkatuluyan ng kanyang ama. Na hindi porke hindi man kami mag kasama, maramdaman niya man lang na buo ang pagmamahal namin sa kanya.
Ang alam ko ngayon ang balik ni Philip at hindi iyon papasok kapag galing siyang biyahe.
Isang buwan pa lang ang tiyan ko kaya hindi pa obvious . Pero feeling ko, magiging lalaki ang first baby namin! Blooming raw ako e.
Dala-dala ko pa rin ang key card at iyon ang gamit ko para pumasok .
Naka bukas ang pinto ng kwarto pagpasok ko sa loob . Napangiti ako ng maisip na sobrang pagod siguro . Tamad talaga siyang magsara ng pinto kahit ang pintuan ng banyo, kaya minsan kapag pumapasok ako nagugulat ako na nasa loob pala siya ! Minsan naka hubo pa!
Natigilan ako nang may marinig akong hagikhik. Tapos ungol.
Dire-derecho akong pumasok at pabagsak kung tinulak ang pinto .
Lahat kami nagulat . Sila na naistorbo sa— sa .... Samantalang ako nanginginig sa galit sa nadatnan ko.
"Are you that desperate ?! Get out of here you bitch!" Tumayo siya ng tuluyan at akmang hahatakin ako sa braso nang hinigit ko ang kanyang buhok.
"Aah! Philip help !" Tumayo naman si Philip kahit walang saplot sa katawan.
"Damn it ! Stop hurting her Feny!" Ewan ko ba kung saan ko nakuha nag sobra-sobrang lakas ko at nagawa kong itulak si Philip habang kinakaladkad ko si Arva.
Nakalabas kami ng kwarto na puros sigawan.
"Philip! Aaah! My head !"
"Feny!"
Wala akong naririnig kundi ang bulong sa utak ko na palabasin dito sa bahay si Arva. Wala silang karapatan na maglandian dito! Asawa niya pa rin ako sa ayaw niya man o sa gusto!
"Ha! Gaga ka! Kakabit-kabit sa taong kasal na! Lumayas ka! Punyeta!" Sigaw ko ng buong lakas.
Nabuksan ko ang pintuan at itinulak siya sa pader ng hallway.
"You were never married to him! It's not legal ! He never meant to do it! He just got carried away! It was unplanned—"
"Unplanned man o hindi, ako may sing-sing ikaw wala! Hinding-hindi mo siya makukuha sa akin! Kinasal pa rin kami at ikaw makikikabit ka pa rin for the rest of your life!" I shouted at the top of my lung. Hingal na hingal ako sa mga pangyayari. Hinarap ko si Philip na ngayon ay naka boxer short.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceFenylyn Rose S. Magdua. Nagsimula sa isang online diary. E-Pad. Hanggang sa.. Nagsimula sa isang pag uusap or pag uusap nga ba? Hanggang sa.. Paano kaya ito magtatapos? -- Siguro dahil na pagod na ko sa kakatunganga sa kanya. I finally decided-my...