13th,Itinago ko sa likuran ko ang box at hinawakan ng mahigpit," throw that away . I don't want that thing in any places here . "
Ilang beses na namin ito pinag aawayan. Bakit ba siya galit na galit pa dahil lang sa sing-sing? Okay , I get it if the ring triggers him everything from the past. But past na iyon di ba? Why can't he just simply say it to my face na wala na talaga? What's exactly with him every time we accidentally talk about her? Dahil sa rejection niya ? Iyon ba yun? Ba't feeling ko mas may malalim pang dahilan na hindi niya masabi?
Dahil dito hindi na naman kami mag i-imikan. Ako na naman ang susuyo sa kanya, kahit na siya ang may mali .
I sighed deeply as I kept the ring again sa loob ng drawer ko. Sa pinaka dulo. Aksidente niya kasing nakita noong may hinahanap siya sa mesa ko. Kaya ayon, galit .
I brought with me his favorite coffee then went to his office. It's already six o'clock. Ayoko namang umuwi na hindi kami magka ayos.
"Philip?" Napakunot-noo ako nang walang Philip sa loob ng office niya. I checked my phone baka may text or tawag siya na hindi ko napansin. Pero wala.
"Saan kaya 'yon. Sayang naman 'tong coffee."
Matamlay akong nakauwi sa bahay. Wala rin akong ganang kumain kahit sumasakit na ang ulo ko. Matatatapos ang araw na hindi kami magbabati?
Natulog akong pagod sa kakaiyak.
14th,
I was so eager to see him at para na rin magka ayos kami. Nauna ako halos sa mga empleyado doon. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Baka sa kape na ininum ko? Hindi pa pala ako nag aalmusal.
Bumaba ako at bumili ng sandwich . Kumakain ako habang nag ti-text ng good morning kay Philip .
Nakarating akong desk ko at napansin kong naka awang ang pinto niya . Andiyan na siya?
I was about to go in pero napatigil ako sa mga boses na narinig kong nag-uusap.
"You forgot your phone and wallet sa condo ko. Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago! " hindi siya galit pero yung tono niya parang natutuwa pa na ganon nga ang nangyari.
"Thanks Arva...just go before my secretary sees you...take care,"
My secretary? Oo nga pala, ako nga pala iyon? Pero hindi niya pinaalam na kami na ng 'secretary' na tinatawag niya?
Nanghina ako habang pinakikinggan ko pang nagsasalita si Miss Arva. Mga bilin niya. At hindi siya nagrereklamo a? Samantalang 'pag ako kulang na lang pasakan niya ng earbuds yung tenga niya.
Tinakpan ko ang aking bibig at pilit na umiiyak na walang tunog. Ang hirap . Para akong sinasakal. Para akong nahihilo at nasusuka. Sumandal ako sa ding-ding para hindi tuluyang mabuwal.
Anong ginawa niya sa condo ni Miss Arva? Philip?
Umalis ako roon at bumalik sa desk . Yumuko ako bigla magbukas at lumabas si Miss Arva. Pinunasan ko ng panyo ang basa kong mukha. At siniguradong wala ng bakas bago ako umupo ng tuwid.
Nagulat pa ko ng makita ko si Miss Arva sa tapat ng desk ko na tila pinag aaralan ang mukha ko.
Ngumiti ako at tumayo, " good morning Miss Arva.." God I hope she won't suspect me.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceFenylyn Rose S. Magdua. Nagsimula sa isang online diary. E-Pad. Hanggang sa.. Nagsimula sa isang pag uusap or pag uusap nga ba? Hanggang sa.. Paano kaya ito magtatapos? -- Siguro dahil na pagod na ko sa kakatunganga sa kanya. I finally decided-my...