23rd,
"Mag resign ka na Feny. Dahil hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ang sarili kong lasunin iyang matandang boss mo! Ang bata mo pa Feny para mahumaling sa kanya! Sinabi ko naman sa'yo na 'wag mong papatulan iyan dahil problema lamang siya!"
Kararating lang namin galing ospital . Normal lamang raw iyon sa mga nagbubuntis ang mahilo . Akala ko nga si Philip ang naghatid sa'kin but it turns out na si Martha pala. Dahil mas pinili raw na alalayan niya si Arva kesa sa'kin .
Umiyak ako non nang nalaman ko. Baby, sorry a? Hindi pa kasi alam ng papa mo na andito ka na.
"'Wag na wag mong ipapaalam sa kanya ang kondisyon mo Feny!Kung kailangan kong tustusan ka sa lahat ng pangangailangan mo gagawin ko hindi niya lang malaman ! G'go siya? Makikita niya , siya mismo ang gagapang papunta sa'yo tandaan mo yan ." Palibhasa kasi wala ng magulang at ang kapatid niya naman ay maayos na rin sa asawa sa Switzerland kaya siguradong -sigurado siya sa mga sinasabi niya .
Pero hindi nangyari ang pag gapang ni Philip. Kundi ako. Hapon nun at nag punta ako sa condo niya.
May sarili akong key card kaya nakapasok ako ng walang problema. Wala siya roon . Nasa office pa siguro. Pumasok ako sa kwarto niya. Pagka kita ko sa kama niya ay dumerecho ako don at nahiga.
Naalimpungatan ako sa mga taong nagtatalo sa sala.
"I'm so sorry Kuya, hindi ko naman alam na magiging ganito kagulo. Sana hindi ko na lang sinabi sayo na ligawan ang secretary mo. Napagalitan ka pa tuloy ni Papu ."
"It doesn't matter. Hindi naman siya mahalaga—"
Binuksan ko ang pintuan ng padabog. Parehong natigilan.
"What am I to you then?" Kaharap ko si Philip na walang bahid na takot.
"Pheobe, umuwi ka na—"
"Pero Kuya—"
"Go.." Sumulyap sa akin si Pheobe. Siya nga ang kapatid na never ko pang nakita . How sad sa ganitong pagkakataon kami nag kakakilala. But it doesn't matter , right?
"What are you doing here—"
"May sasabihin sana ako sa'yo kaso wala ka naman . Kanina pa kami nag-aantay sa'yo" bahagya akong ngumiti para iparamdam sa kanya na hindi ako galit.
"Well then where is he now?" He?
"Anong—"
"Forget it. Baka mapatay ko lang kayong dalawa. At dito mo pa talaga siya dinala? In my house?"
Bahay natin, pagtatama ko sa isip ko. Sabi niya sa'kin bahay ko na rin ito kaya ibinigay niya ang spare key sa akin noon.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya.
"The key, just put the key on the table once you leave ." Naglakad siya papuntang kusina at kumuha ng beer.
"Iinom ka na naman?" I asked him calm. Ayoko na ng gulo. Kaya hinay-hinay lamang ako.
"Di ba—"
"Bakit andito ka pa? " natigilan siya saka tumango-tango. "You want money? I'll just give you a check tomorrow early. And also your things . Please bring them with you ." Nanikip ang aking dibdib sa mga sinasabi niya. Hindi ko kailangan lahat ng binanggit niya! Ano bang nangyayari sa kanya?
Lumapit ako at kumapit sa kanyang mga braso.
"Ano bang pinag sasabi mo? Pinapaalis mo na ko? Sige. Hindi naman talaga maganda na nag sasama tayo sa iisang bubong nang hindi pa kasal. Pero iyong pera? Para saan?"
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomantizmFenylyn Rose S. Magdua. Nagsimula sa isang online diary. E-Pad. Hanggang sa.. Nagsimula sa isang pag uusap or pag uusap nga ba? Hanggang sa.. Paano kaya ito magtatapos? -- Siguro dahil na pagod na ko sa kakatunganga sa kanya. I finally decided-my...