June 24th

10 1 0
                                    


Dear me ,

What is more awkward when your boss is giving you a weird gestures and a weird looking na animoy parang teenager na nag nanakaw ng tingin sa kanyang crush . Hindi naman provocative yung suot ko? Isang green halter top na syempre pinatungan ko ng white hooded jacket , isang blue jeans at white rubber shoes ... I don't know, I look normal naman di ba?

We've been on the road for like three hours. Kung hindi ko pa napansin na going south ang daan namin hindi ko pa malalaman na somewhere there pala ang destination namin. And we're not even talking , like a normal talking! Like a two normal person trying to lighten up the mood habang nag ba-byahe. Lagi naman namamatay ang usapan , na ako lagi ang nagsisimula.

It's about time nung mag park siya sa isang payak na hotel-restaurant , Boutique and Breakfast in Bed ang pangalan nito. Someone accompanied us to our table once we entered the premises .

At bumungad ang at home na at home na theme ng restaurant. Isang animoy sala at glass door na naghahati sa loob sa labas. Sa labas na kung saan matatagpuan  ang mga glass looking plastic na lamesa kung saan kumakain ang mga costumers, open ito kung saan sa dulo ng lugar ay makikita ang mga upuan na gawa sa ratan na may mga palamuting mga kurtina na kulay berde at white—oh my gosh, I was wearing a same color with the curtain! —pasimple kong niyakap ang jacket ko to cover what's inside — naka sabit ito sa tamang pwesto, perfect para sa mga couples na nag mo-moment. Mga coffee table sa harap nito ay gawa rin sa ratan ngunit napapatungan ng salamin to make it more fancy.

Tamang-tama ang klima rito sa Tagaytay. Hindi masyadong malamig hindi rin mainit. At syempre hindi mawawala ang tanawin na talagang mas nagdala ng pagiging relax ng ambiance. Ang ganda dito.

Nang maka pwesto na kami sa aming table ay kaagad na nag order si Philip ng makakain. Filipino cuisine pala ang restaurant na ito. Sabi niya maya-maya rin ay darating na tao na kikitain niya.

Hindi rin nagtagal ay may umukupa sa katapat naming upuan. Isang lalaki na nakabihis na tipikal na sinusuot sa bahay . Hindi gaanong katandaan. Halos mag kasing tangkad lang kami.

"Welcome to our one of my wife's restaurant Philip. Finally!" Tumawa pa ito habang nagkakamayan sila. Nang mapansin niya na may kasama si Philip ay ako naman ang hinarap niya.

"I didn't know you're already married Philip, " aniyang habang nakangiting naglahad ng kanyang kamay sa akin. "You must be Mrs Martè—"

"Ah, I'm his secretary Mister—"

"Mister Tiu, she's Fen Magdua . My secretary, you said I should bring a woman with me to accompanied your wife while we're doing the transactions –" sabi niya habang naramdaman ko ang kanyang isang palad sa aking bandang likuran "so I brought her here with me."

Nabigla man ay patuloy pa rin sa pagiging masayahin si Mister Tiu. Maya-maya'y dumating na rin ang kanyang asawa na nag ngangalang Happy Manansala Tiu.

Nang dumating ang pagkain ay saka kami kumain habang sila naman ni Philip at Mister Dexter Tiu ay nag simula nang magpalitan ng impormasyon tungkol sa trabaho .

Nang natapos kami ay patuloy pa rin sila sa pag uusap kaya nama'y lumipat kami ng asawa ni Sir Dexter sa mga upuan na nasa labas.

"Ang ganda po talaga dito...lagi po ba kayo rito since nasa Makati po ang bahay niyo Happy?" Dahil ayaw niyang patawag ng 'ma'am ' kaya first name basis kami agad.

"Hmm thrice a week mga ganon . Kasi kailangan ko rin bisitahin ang ibang branch na nasa Cubao at Makati rin . Iyong talagang minsan ko lang puntahan ay iyong nasa Boracay , bihira kapag talaga kailangan na kailangan..."

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon