11:25 pmDear me,
First time kong mapagalitan kanina ni Mister Marte. Biglaan . Basta bigla na lang siyang sumabog sa harapan ko. Well kasi, kasalanan ko naman talaga. Sa subrang pag iisip ko kanina, nakalimutan kong sabihan siya na may late lunch meeting sila ni Mister Linkip . Tungkol ito sa isang project na matagal nang napo postpone dahil laging may pinupuntahan siyang transactions na kailangan ng presence niya. This day dapat magaganap ang pirmahan. At dahil sa'kin mawawala ang milyon milyong project na iyon at posibleng mapunta sa kalabang kumpanya.
Kung pwede nga lang na lamunin ako ng simento at lumubog para mapunta sa 29th floor ng building , sana nangyari na lang. Kung pwede nga lang na natunaw na lang ako sa mga titig ni boss edi sana mas nadaling mag exit kasi gagapang na lang ako.
Syempre habang nagsasalita siya kanina sa harapan ko, nakayuko lang ako. Baka bangungutin ako sa titig niya e. Grabe. Tapos nagulat pa 'ko kasi may lumagabong, di ko sure kung sa table niya ba iyon na sinuntok niya or nahulog sa sahig , basta sa sobrang gulat ko napa atras ako. Grabe ang takot ko.
Ang dami kong nalunok na laway non. Pinipigilan ko kasing umiyak sa harap niya. Hindi ko na nga nasundan pa yung mga sinabi niya sa sobrang takot ko. Syempre milyon ang at stake e. Nanlalabo na yung paningin ko, konting galaw ko lang tutulo na. Ang luha ko syempre. Kaya mabuti na lang sinabi niya nang makakalabas na 'ko ng courtroom este ng office niya , nagmadali na 'kong lumabas saka doon ko hinayaan na umiyak ng tahimik.
Well, that's for me for being so nosy , hindi ko naman kasi dapat pa na problemahin ang love life ng boss ko. Kaya heto. Barado ang ilong sa kakaiyak. Dapat ang love life ko na lang kasi ang atupagin ko! Madali pa naman ako magka lagnat basta hirap ako huminga. Kainis!
Mabuti na lang bago ako umuwi nag overtime ako para tapusin ang schedule niya para bukas . I'send ko na lang sa kanya pagkatapos dito.
Medyo masakit na rin ulo ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomantikFenylyn Rose S. Magdua. Nagsimula sa isang online diary. E-Pad. Hanggang sa.. Nagsimula sa isang pag uusap or pag uusap nga ba? Hanggang sa.. Paano kaya ito magtatapos? -- Siguro dahil na pagod na ko sa kakatunganga sa kanya. I finally decided-my...