March 4th

25 2 0
                                    

                             March 04, 2015

Dear me,

Okay, siguro nagtataka kayo kung bakit ngayon lang ako nagsimula na gumawa ng diary? Kaka graduate ko lang po kasi , syempre sa sobrang busy sa school magkaka time pa ba ko na gumawa nito?

Gusto ko lang magkaroon ng souvenir sa bago kong work. Iyong i'record ko dito yung naging experience ko.

First time ko ngayon sa trabaho ! 😁

I mean kanina 😂.

Iyon nga, secretary kasi ako. Oh yea 😁. Secretary ng isang big time na magandang lalaking businessman. Sa may makati, sa Ayala tower. Hmm, nasa 30's kasi siya tapos ako 22 . Ano siya e, ah 32 . Ewan , pag andiyan siya sa office parang yung nilalakaran niya na rainbow nagiging dark? ⚡️⚡️☁️☁️ Seryoso kasi! Tapos may lahi ata, German shepherd 😂. Joke! Seryoso may lahi siya, taga Dominican Republic raw iyong Daddy niya tapos pinay iyong mommy.

Ayoko nang pag usapan si sir gloomy.

Ayon nga, nakaka loka iyong schedule niya. Kelangan organize talaga, e may mga biglaan na tumatawag tapos gusto isingit o di kaya i'cancel yung meeting na supposedly na hapon instead 10am raw! Kaloka di ba?! Unang araw ko pa lang puno na nang sticky note ang one fourth size na white board na nasa tabi ng computer, yun pala ang purpose non? Akala ko magtuturuan kami ni sir ng algebra or chemistry e 😂. At ito pa, kulang na lang idikit ko sa noo ko yung ibang note na iniiwan ng ibang secretary mula sa client hanggang sa mga  ibang head ng department. Buti na lang, sanay ako sa mabilisan. Ba naman sa pag gawa ng project hanggang sa reporting sa school hindi pa ba ako sanay? Ano pa ba?

Tapos , iyong canteen namin. Mas maganda pa ang canteen ng makati med e. Iyong sa makati med, may mga Pizza Hut at dairy cream pa at may floating restaurant pa! Sa amin? Sows! Waley! 😝😩😫 kaya pala lahat ng mga empleyado sa building sa labas pa kumakain, yung sa jolly jeep? Doon.  Pag ako talaga may power, gagawin ko na lang arcade tong canteen namin e , nakakahiya naman kasi sa makati med 😒. O di kaya, ipapa upahan ko sa mga franchiser ng mga iba't ibang resto or chain restaurant  , di ba? Extra income pa? Sows! Mayayaman na kasi e.

Tapos ito, kung waley ang canteen, aba! Wag maliitin ang banyo! May sofa pa sa loob e! Alam mo iyong, may bayad na banyo sa glorietta? Iyon! Parang gumaganon ang peg, pero mas mabango iyong sa amin . Pwede ka ngang tumambay doon kapag free time , naks! May magazine pa! 😝😋

Mababait naman iyong mga empleyado sa floor namin, ewan ko lang sa iba. Balita ko kasi , kapag may bago raw sa 31st floor , yes, matayog building namin e! 😭😋. Yon nga, kapag may bago raw doon , pinapahirapan. Iyong tipong, pinapagawa sa'yo yung hindi mo naman trabaho? Mga ganon. Kaya ayokong maligaw doon 😨😰😱😅.

Pagka alas singko nag aalsa balutan na kami, lalo na ko. Kasi maagang umuuwi si sir , ang bilin niya ganito, ehem " when I leave , go home " ganern! Syempre umoo naman ako! Mabait ako e! 😂😋

Kaya eto! Andito ako at nagta'type ng aking karanasan , naks lakas maka talambuhay nito a 😂😁.

Ayon na, alas nueve na at di ko pa naayos yung appointment ni sir gloomy! Ngarag na naman ako nitoooow! Babye na!  Hala! Magsi'send pa ko ng email sa kanya tungkol sa gagawin niyang proposal sa board! Bye na! 😘😅💋

💋💋💋💋

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon