Myka POV...
Takbo lang ako ng takbo.Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.
Hindi ko maintindihan kung ano ba nangyayari sa'kin kung bakit nasasaktan ako. Naguguluhan ako.
Naupo ako nalang ako sa damuhan tsaka pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa garden. Ang peaceful talaga dito pakiramdam ko mag-isa nalang ako sa mundo.
"Hayy!" Napabuntong- hininga ako tsaka dahan-dahan na pinunasan ang mukha ko.
Next time nga dito nalang ako pupunta kapag nasasaktan ako. Ang ganda kasi.
"So bakit ka nandito?"
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng may narinig ako nagsalita sa likod ko .
"Bakit binili mo ba ang place na ito?" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Alam ko na siya ang nagsalita at hindi ako nagkakamali.
Napairap nalang ako kahit hindi niya nakikita. Tapos na pala sila ? Kapal din ng mukha nito ano? Lumipat lang ng school para sa ganun bagay.
"Hindi naman sa ganun .. Uhmm napadaan lang ako dito .." Rinig kong sabi niya sabay upo sa tabi ko. Bahagya akong napasulyap sa kanya at nakita ko siya nag ayos ng buhok niya.
Halatang kakatapos lang nila kaya dali-dali ako tumayo dahil ayoko makasama ang lalaking ito.
Napasinghap ako ng hawakan niya ang kamay ko. Kaya hindi ko naiwasan na tignan siya. Nakakunot ang mga noo niya kaya nakaramdam ako ng kaba. Shucks, nakalimutan ko nga pala na nagalaw ko yung floor map. Wait? Huwag mo sabihing nakita niya ko? Gosh, huwag naman sana.
Marahas ko hinigit ang kamay ko sa kanya.
"Pffft! Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba? Bakas kasi sa mukha mo ang takot."
Umiwas ako ng tingin at hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"P-pakialam mo ba? Pwede ba tigilan mo ako.May gagawin pa ako!"
Pinilit ko hindi ipahalata sa kaniya na natatakot ako. Kaya dali-dali ako lumakad ng mabilis at iniwan siya mag-isa. Kailangan ko umiwas sa kanya.
Nagmadali ako pumunta sa faculty room dahil baka hinahanap na nila yung report namin.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako pinagalitan ni Sir ..
"HOY!!"
"AY KALABAW!!" Halos hindi ako makahinga ng may sumulpot sa harapan ko.
Napairap nalang ako ng napagtanto kung sino sila.
"Wow ang sakit naman Cristal kalabaw daw tayo?" sabi ni marie habang naarte na umiiyak.
"Hoy baka ikaw ang mukhang kalabaw.Wala naman sinabi na pangalan ko ah." tanggi naman Cristal. Alam kong walang magpapatalo sa kanilang dalawa.
Sila pa?
Hindi ko naiwasan mapatawa sa kanilang dalawa.
"Hoy ,ano tinatawa mo? Parang kanina lang mukha kang depress.."
"Correct ka Marie !! Parang pinagsakluban ng langit at lupa .. Hay naku! Ano problema mo .. Siguro nag---"
"Eh siraulo ka pala! Kung ano ang pinagsasabi mo."
Umirap ako at nilampasan silang dalawa. Kahit kailan talaga napakapanira ng mood.
"Hindi nga Myka? May problema ba kayo ni Novem kasi nakita------".
"Sinong Novem?"
Bumilis ang tibok ng puso ng marinig ko ang boses ni Nathan. Bumalik ang takot na naramdaman ko kagabi.
"Huh .. Wala .. yung j-janitor yun kasi -.. A-ano..--"
"Nagtanong lang sa'min kanina diba Marie?"
Napatingin ako kay Cristal. Ngumiti ako sa kanya dahil nahalata niya siguro na nauutal ako kung ano idadahilan ko. Masyado kasing madaldal si Marie kung ano-ano pinagsasabi hindi niya mapigilan ang bunganga.
"Ganun ba? Babe may basketball kami mamaya gusto mo manood ?"
"Ano bang oras ?"
Napangiwi ako ng hawakan niya ang pisngi ko tsaka pinisil.
" Ang cute talaga ng girlfriend k Mga 4 kaya pumunta para may inspiration ako.."
I nodded. Nagtataka tuloy ako sa pabago-bago ng ugali niyam
Kaya pagdating ng 4 pumunta na ako sa covered Court dahil sure ako d'un sila magbabasket ball.
Dumaan na ako sa short cut na daan papuntang exit dahil tinatamad din kasi ako dumaan sa harap.
Kinabahan ako ng makita ko si Novem, ano ginagawa niya dito?
Hindi ko ba alam kung babalik ba ko o hindi. Halos sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kulang nalang makipagkarera sa mga kabayo.
"Hi Myka."
Hindi ko pinansin ang bati niya sa'kin kaya binilisan ko ang lakad ko.
Napasinghap ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Hey, bakit natatakot kaya yata ?"
Napaharap ako sa kanya at hindi ko sinasadya mapatitig sa mga mata niya, hindi ko ba alam pero parang naaakit ako sa ginagawa niya.
Napangiwi ako ng mapansin na unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa'kin kaya ang tangi ko nagawa ay umatras.
Pero sadyang makulit siya sa bawat abante niya sa'kin ay umaatras ako. Halos mabingi na ako sa tibok ng puso ko.
Mas kinabahan ako ng wala na ako maatrasan.
"A-ano b-ba g-ginagawa mo?" Halos mautal na ako dahil nilalamon na ako ng kaba ko.
Hindi siya umimik. Ang tangi niya lang ginawa ay pinatong ang dalawa niyang kamay sa pader upang hindi na ako makawala.
Napapakagat ako ng labi dahil hindi ko alam ang gagawin, lalo na nakakulong ako sa mga bisig niya.
Naramdaman ko din ang pagtulo ng pawis sa pisngi ko. Ano ba kasi ginagawa niya ?
Napalaki ang mata ko ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin, sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin ay halos madukling na ako sa sobrang lapit.
Napapikit nalang ako sa sobrang takot ko.
Pinapakiramdam ko lang ang mga sumunod na nangyari pero kahit ano dampi o hawak ay wala ako naramdaman.
Umaasa ba ako na hahalikan niya ako?
"Don't worry. Hindi ako nagpupwersa ng babae. Maliban nalang kung aakitin nila ako."
Napatigil ako sa paghinga ko at nakaramdam ng galit ng sabihin niya iyon.
Kaya napamulat nalang ako at laking gulat ko ng kusa nalang gumalaw ang katawan ko at sinampal ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo sabihin sa'kin yan. For your information hindi ako katulad ng mga babae mo!!" Sigaw ko sa kanya.
Nakita ko siyang napangisi kaya nakaramdam ako lalo ng inis at galit. Ang kapal talaga ng mukha niya. Manyak na nga ang lakas pa ng loob sabihin sa'kin iyon.
"I see."
Umirap nalang ako at naglakad papuntang court. Naiinis tuloy ako sa sarili ko ng niliko niya nahahalikan ako.
Kailangan ko talaga umiwas sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...