Chapter 40

7.9K 276 29
                                    

Mikaela Pov..

Pagkatapos ko nalaman ang lahat lahat. Jindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon basta ang pumasok lang sa isip ko ay yung forest Park. Sabagay dito naman lagi ang bagsak ko pasalamat nalang ako at hindi nila ito sinasarado.

Kaya habang tumatagal binibilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang nagawang magtanong ng maaga. Feeling ko wala akong kwentang tao.

Pagkarating ko agad dali-dali ako pumunta sa lugar na gusto ko.May ilan- ilan din na tinititigan ako dahil siguro nagmumukha akong tanga na umiiyak habang naglalakad pero sa ngayon wala akong pakialam sa paligid ko dahil gusto ko mapag-isa upang maiparating ko sa sarili ko ang lahat na nangyari sa buhay ko.

Saklap ko ano? Kahit gusto ko balikan ng araw na tinakas ako ni Novem hindi sana mangyayari ito pero sadyang mapagbiro ang tadhana.

Huminga ako ng malalim ng makarating na ako sa lugar na gusto kaya dali-dali ako umupo sa bench. Tsaka dahan-dahan tumingala sa kalangitan.

Napangiti ako ng mapakla kahit ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko.

"Papaano nalang ako ngayon?" Bulong ko sa sarili ko. Mga ilang oras din ako nakatitig sa langit  mga ilang sandali ng may bumagsak na isang shooting star kaya dali-dali ako pumikit dahil sabi ni Mommy at Daddy kapag nakita ka ng shooting star humiling ka lang kaya agad ako humiling na sana.

" Sana maayos na ang lahat."

Minulat ko agad ang mata ko at napabuntong hininga.  Namimiss ko tuloy si Mom at Dad. Naipailing nalang ako habang kinuha ko ang cellphone ko sa  bulsa ko at agad na pinunasan ang mga luha kong natuyo na.

Habang dina-dial ko yung number ni Leanne hindi maiwasan mapaiyak muli kaya ilang sandali lang sinagot niya at hindi ko na napigilan ang unti-unti pagpatak ng luha ko.

"L-leanne? *sniff*  n-nasan ka?...
P-..pwede mo ba ako samahan dito sa Forest P-park .. Kasi ..*sniff* Hindi ko maiwasan masaktan sa lahat ng nalaman ko after 3 years ago nung naaksindente kami ni  N-novem. *sniff* bakit ganun ? Ang sama nila bakit sila naglihim sa'kin? Paano nalang kung .. Kung hindi bumalik ang alaala ko ?  P-paano ko nalang malalaman ang pagkatao ko?

K-kung sino ako? Pero ang pinakamasakit sa mga  nalaman ko sa lahat kung saan nalaman ko kung papaano nila ako nakita  ay yung inaakala kong nabuhay yung anak namin dalawa ni Novem .. Pero nagkamali ako dahil wala na yung anak namin.. N-nawala siya yung time na dinala ako sa hospital."

Halos mapakagat labi ako dahil gusto ko pigilan ang mga sakit na naramdaman ko. Maya-maya nagulat ako ng wala sumagod kaya agad ko tinignan kung meron pa pero napanganga nalang ako na nalowbat na pala.

Lalo ako nainis kaya hindi ko sinasadya ibato yung cellphone ko. Napahilamos ako ng mukha ng hindi ko na makita kung saan iyon napunta. Napailing nalang ako at  pinikit muli ang mata ko.

Naramdaman ko ang paghampas  ng hangin sa katawan ko kasabay  ang katahimikan ng buong paligid. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kalungkutan.

Matagal din ako sa posisyon na iyon kaya minulat ko muli ang mata ko. Dahan-dahan ko kinapa yung bulsa ko at kinuha ang isang mahalagang bagay na sa ngayon ito nalang natitira.

Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo. Tinitigan ko ng matagal yung  singsing  na hawak ko.

Hindi ko maiwasan mapangiti ng konti." Ang tagal na din na sa'kin ito.." Bulong ko sa sarili ko. Sinubukan ko ulit suotin ito at tinignan kung babagay ba talaga sa'kin ito. "Matagal na nga sa'kin itong singsing pero siguro ito na tamang panahon upang kalimutan ko na lahat. Kailangan ko narin siguro ito  itapon."

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon