Mikaela pov..
"Lumayo nga kayo sa'kin." Inis na sabi ko sa kanila.
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid.
Gosh nasan na ba si Nathan?
Minsan naiinis ako kung bakit ganun nalang ang ugali ni Nathan parang hindi na siya yung Nathan na kilala ko. Ang hirap na niyang intindihin.
"Wala ka naman kasama miss at mukhang inayawan ka na ng kasama mo." Akmang hahawakan niya ako ay agad ako tumayo sa pagkakaupo ko tsaka tumalikod sa kanila. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay iligtas ang sarili ko.
Nagulat ako ng may humawak sa bigla sa braso ko. Pilit ako kumakawala sa pagkakahawak na manyak na lalaki.
"Ano ba binatawan mo nga ako!!"
"Teka lang miss kinakausap ka pa namin ah. Huwag kang bastos..."
Hindi agad ako nakasagot sa dalawa ng humawak sila sa'kin. Kainis ano gagawin ko? Pilit ako kumakawala sa pagkakahawak nila sa'kin.
"Bitawan mo nga siya "
Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Imposibleng nandito na. Pero bago pa ako makalingon ay isang malakas na bagay na tumama sa mukha ng dalawang lalaking manyak.
Sa sobrang bilis ng oras napagtanto ko nalang na hila-hila ako ng isang lalaking hindi ko inaasahan na siya dahil imposible mangyari ang iniisip ko.
" Novem?"
"Sa dinadami-dami na pupuntahan bakit dito mo pa naisipan huh? Tsaka hindi ko akalain na ganyan pala ang susuutin mo."
Napatakip ako ng katawan gamit ang mga kamay ko dahil tinignan niya akotaas pababa. Bigla siya napangiti sa hindi ko malaman na dahilan.
"Wow .. Sobrang sexy mo."
Tinaasan ko siya ng kilay at marahas na hinampas sa braso.
"Ang kapal mo rin ano? Hindi ko naman gusto magsuot ng ganito sa lugar na ito. Tsaka hindi ko naman alam na dito pala kami pupunta ng boyfriend ko."
"Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?"
Natigilan ako ng magtanong siya tungkol kay Nathan. Hindi ko alam kung ano ba talaga nangyayari kay Nathan dahil masyadong bipolar.
Aaminin ko namimiss ko ang dating Nathan na nakilala ko pero sa nangyari ngayon hindi ko alam kung mapapatawad ko siya. Nakakainis bakit ba kasi iniwan niya ko alam niya naman na hindi ako sanay sa ganitong lugar.
"Bakit may ginawa ba siya sa'yo?" Akmang lalapit sa'kin si Novem pero agad ko siya iniwasan.
"Wala ... Thank you nalang about kanina." Hindi na ako nag-abala na tignan siya at dali-dali na ako tumalikod sakanya.
"Wait. Sure ka bang alam mo ang daan pauwi?"
"Bahala na." Matabang na sabi ko sakanya.
Huminga ako ng malalim ng mapatingin sa daan na tatahakin ko pauwi. Nakaramdam ako ng takot.
Paano kung may mangyari na naman? Sinoa magliligtas sa'kin?
Beep ... Beep ..
Napasulyap ako sa motor na tumigil sa harapan ko. Sino naman kaya ito.?
"Sakay na .."
Tinitigan ko lang siya ng inabot niya sa'kin 'yong helmet.
Boses palang alam ko sino ang nakasakay sa motor."C'mon huwag ka mag-alala wala ko masama gagawin sa'yo."
Nagkabit-balikat lang ako at matabang na inabot 'yong helmet. Dahan-dahan ako sumakay sa motor niyam
"Kumapit ka." Rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
Nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa beywang niya.
"Kumapit ka ng maigi dahil baka mahulog ka lang sa iba at hindi pa sa'kin.."
Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil bigla-biglang niya biniritan ang motor niya.
Hindi nagtagal nakarating na din kami sa bahay. Dahan-dahan ako bumaba at binigay sakanya 'yong helmet .
"Thank you sa ride .."
"Welcome ... Uhmm about pala yesterday I'm s----"
Tinaas ko ang kamay ko at tinapat sa mukha niya..
"Past is past.. Move on okey? Kalimutan mo na iyon. Nagpapasalamat ako at nilagtas mo ako sa mga manyak na iyon.."
Bahagya siya napangiti na siyang dahilan kung bakut nagpagaan ng kalooban ko. Hindi ko na din napigilan mapangiti.
"Sige pasok na ako.Thank you and good night."
Pagkatapos ko sabihin iyon ay pumasok na ako sa bahay.
Bakit lagi nalang umaeksena si Novem? Hindi kaya nagkataon lang ang lahat o sadyang pinagtagpo lang kami ng tadhana ?
Agad ako umiling sa naisip ko . Sigurado akong nagkataon lang nandu'on siya. Tama nagkataon lang ang lahat.
***********
Dali-dali ako pumunta papuntang garden dahil nautusan ako ni Sir na kunin welcome plans para sa office niya.
Napangiti ako ng makita ko sila Marie at Cristal kasama 'yong Dominic.
"Saan ka pupunta Myka?"
Tanong nilang dalawa sa'kin."Sa garden lang napagutusan lang kasi ako.."
"Ahh ganun ba sige una na kami napagutusan din kami eh." Sabi ni Maria sa'kin.
Tumungo lang ako bilang sagot sa kanila at agad ako tumakbo papunta sa tabi ng auditoriom.
Pagpasok ko palang bumagsak ang balikat ko dahil ang daming halaman dito.
"Paano na iyan mukhang matatagalan ako nito?" Sabi ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim at nagsimula na hanapin ang lintik na halaman na iyon.
"Nasan ka ba? Magpakita ka na."
Nagmuni-muni ako habang hinahanap yung halaman na iyon
"Hindi.. Hindi..Ay eto na .." Napangiti ako ng makita ko ang halaman na hinahanap ko.
Pagtunghay ko nawala agad ang mga ngiti sa mga labi ko at hindi sinasadya napabitawan ko yung welcome plans na hawak ko .
Natigilan sila sa ginagawa nila at napatingin sa dieksyon ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ng makitang nakikipaghalikan si Nathan sa ibang babae .Alam kong pinagsamahan din kami at sa tagal ng pinagsamahan namin hindi niya pa iyon ginagawa sa'kin.
Napapunas ako ng mukha ng maramdaman ko may tumulo mula sa mga mata ko at dali-dali na kinuha ang isang welcome plans dahil nabasag na yung paso na hawak ko kanina.
Naglakad ako ng mabilis upang hindi niya ako maubutan
.Bakit? Bakit ba nakita ko pa ang bagay na iyon?
Kaya ba niya ginawa ang pakikipaghalikan sa iba dahil hindi niya nakuha ang gusto niya sa'kin? Pero imposible kilala ko si Nathan.
Kaya lang sa pinakita niya sa'kin ng ilang araw na lumipas parang nag-iba na siya parang hindi na siya yung kilala kong Nathan noon.
Ano ba nangyayari sakanya?
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...