Mikaela Pov.."Ate nasan sila mama at papa ?"
Napasulyap ako kay zhel na tahimik na nagbabasa ng libro sa hospital bed niya. Napangiti ako sakanya bago ko naisipan lapitan siya.
"Baby may ginagawa kasi sila mama at papa eh, tsaka kailangan mo pa magpa-galing okay?"
Tumungo lang si zhel bilang sagot. Napabuntong hininga ako at napaisip kung papaano ko sasabihin sakanya ang lahat ng katoohanan. Masyado pa siyang bata para maintidihan lahat.
Hindi ko pa nakakausap sila mama at papa pagkatapos ng lahat na nalaman ko kahapon. Pagkatapos ko magdonate ng dugo. Hindi ko na sila kinausap dahil hanggang ngayon masama ang loob ko sa kanila.
Maya-maya napatingin kaming dalawa ni Zhel sa pagkabukas ng pintuan ay napagtanto ko kung sino iyon napa-irap nalang ako." Ano ginagawa mo dito?"inis na sambit ko. Nginitian niya lang ako na para bang binaliwala yung ginawang pangirap ko sakanya.
"Hi baby. "sambit niya habang nakangiti ng napakalaki kaya wala ako nagawa kundi mapailing.
"Kuya pogi! Ang tagal nyo na po hindi nabisita sa bahay ah?"masayang sambit ni zhel kaya sa pangalawang pagkakataon napailing ulit ako.
Minsan pansin ko sa mga lalaki. Ang gulo nila basahin na para bang may sarili silang mundo na sila lang ang nakakaintindihan.
Napabuntong hininga nalang ako ng magtawanan silang dalawa sa hindi ko malaman na dahilan.
"Musta ka na? Good boy ka ba always?"
"Opo kuya pogi ako pa! Tsaka bakit kuya pogi ang tagal tagal n'yo hindi pumupuntasa bahay nag-away ba kayo ni ate?"
Kumunot ang noo ko ng biglang pagsulyap sa'kin ni Novem sabay kindat. Napangiwi pa ako sa ginawa niya dahil sa totoo lang hindi ko akalain nagagawin nyo iyon.
"Oo baby may misunderstanding lang kami ni ate mo. Kasi naman pinagtabuyan ako at pinagpalit pa ako sa panget niyang ex boyfriend."
"Kaya nga po kuya pogi. Mas astig pa kayo kaysa du'on sa pangit na jonathan na iyon."
Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ni zhel at hindi ko maiwasan mapangiti.
Sa tingin ko makakasundo talaga sila zhel at Novem dahil masyado na sila close sa isa't-isa. Papaano nalang kaya kung malaman ni Zhel ang katotoohanang mag-ama talaga sila?
***********
"Ate saan ba tayo pupunta ? Tsaka sino ba talaga ang hinihintay natin?"
Nakatingin lang ako sa cellphone ko dahil kanina pa ako naiinis kay Novem. Kalalaking tao ang tagal kumilos palibhasa palaging gustong gwapo para palaging agaw eksena.
Beep beep..
Napatunghay ako sa pagtigil ng kotseng tumigil sa tapat namin at maya-maya binaba niya yung window ng sasakyan niya. Napairap ako ng makita ko si Novem habang tinataas baba niya yung kilay niya.
Kahit kailan pasaway. Parehas lang sila ni Zhel.. Father like father like son.
"Ate ako na po sa front seat may sasabihin lang ako kay kuya pogi.''
"Sige dahan-dahan lang ."sambit ko. Tumungo ako sa back seat. Balak kasi namin ngayon pumunta sa mall para magbounding lang kami tsaka ilang araw na din kami sa hospital para mapagaling ng mabuti si Zhel at kahapon nga lang kalalabas lang namin sa hospital.
"Hoy ate bilisan mo nga kumilos nandito na tayo kaya ka iniiwan dahil hindi mo binabigyan pansin ang nasa paligid mo."
Awtimatikong napanganga ako sa sinabi ni Zhel. Seriously? Sinabi niya iyon. What the--
"NOVEM!!" Sigaw ko pero huli na kasi nakababa na sila sa sasakyan kaya wala ako nagawa kundi habulin sila.
Ang tagal ko na nakatunganga sa loob ng sasakyan hindi ko man lang namamalayan na nandito na kami. Pagkababa ko nilibot ko ang paningin ko at nakuha ang atensyon ko sa tumatakbo na isang lalaki kasama yung maliit na bata. Hindi ko maiwasan mapangito dahil du'on.
Ang ganda lang makita at isipin na kumpleto na kami kaya sana wala ng problema dumating. Napabuntong hininga nalang ako at naisipan ko rin na tumakbo. Nang papasok palang ako sa loob ng mall napansinghap ako ng may humigit sa'kin at dinala ako sa lugar na walang katao-tao.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba pero binaliwala ko lang dah alam ko sila rin iyon .
"Nov---"
Napatigilan ako sa pagsasalita ng humarap ako sa lalaking humila sa'kin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko nagawang isara ang bibig ko dahil sa sobrang gulat. Nakaramdam ako ng takot dahil sa mga kakaibang ngiti niya.
Nang mapansin ko naglakad siya palapit sa'kin ,agad ako napaatras. Patuloy lang sa ganun sitwasyon habang sa wala na ako maatrasan.
"Long time no see ... Babe..."
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...