Ang chapter ay idedicated ko para kay samantha071 .. Thank you dahil patuloy ka parin nagsusuport sa storyang ito at inaantay ang mga update's ko ...
Sana makaabot ka sa ending ..
Pasensya na kung ganito muna .. Hayaan mo edit ko mamaya sa computer para madedicated ko talaga sa'yo ..Thank you again and
Godbless to you ..Novem Pov.
"Chelsea naasan ka?"
Halos mag-aligaga ako sa kakahanap kay Chelsea. Nasan na ba kasi siya? Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa lugar ito na kung saan mag-isa nalang ako.
"Please Chelsea nasan ka na ba talaga?"bulong ko sa sarili ko ..
"N-novemm tulong!! "
Napalaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng babaeng nagpapatibok ng puso ko. Dali-dali ko sinundan ang boses na iyon hanggang sa hindi ko namamalayan na nasa bangin na pala ako.
Kinabahan ako ng may makita akong kamay.
"Novem tulungan mo ako!" nang makumpirma ko na si Chelsea ay agad ako nakaramdam ng takot.
Hinawakan ko ng kamay mga kamay niya.
"Humawak ka ng mabuti sa'kin.." Bilin ko sakanya.
Hinawakan ko siya ng mabuti at sinubukan alisin siya sa bangin na iyon pero bakit nahihirapan ako.
"N-novem hindi ko na yata kaya ." mas lalo ako natakot ng sabihin iyon.
Agad ako umiling.
"Huwag mo sabihin yan Chelsea kumapit ka lang ng mabuti."
Pilit ko pinapalakas ang loob ko upang maalis ko na siya sa bangin. Hindi ko kayang mawala siya sa'kin."
"Palagi mo tandaan na maha na mahal kita .." Hindi ko alam ang sasabihin ko . Eto na ba katapusan ng pagmamahalan namin kung ito na nga hindi ako makakapayag na mawala na lang siya ng ganun-ganun nalang.
"Hindi huwag mo sabihin yan .. Mahal kita Chelsea kaya hindi kita hahayaan na mahulog sa bangin na ito."sambit ko.
Nginitian niya lang ako ng siyang dahilan upang mapaluha ako.
"Salamat dahil minahal mo ako .. Alam ko may makikilala ka din iba
"Nagulat ako ng inangat niya ang isang kamay niya pero mas kinabahan ako at natakot ng pilit niya tinatanggal ang pagkakahawak ko sakanya.
"Huwag mo gagawin iyan Chelsea. Please,parang awa mo na hindi ko kayang mawala ka sa'kin."
"Makakaya mo. Paalam Novem.."
Napangiwi ako ng unti-unti na nawawala ang mga palad ni Chelsea.
"Chelsea ... Huwag .."
Nagulat ako ng nabitawan ko na ang mga kamay niya at parang bumagal ang lahat.
"Chelsea ... HINDIIIIIIIII.........!"
"Anak .. Gising .. N-novem.."
Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Mom. Nakahinga ako ng maluwag ng napagtanto ko na panaginip lang pala.
Dahan-dahan ako bumangon ngunit napadaing ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko.
"Anak huwag mo pilitin ang sarili mo bumangon.." narinig kong sabi ni Mom.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...