Mikaela Pov .Napangiti ako ng makita ko siyang nakasimangot ng sabihin ko sakanya. Totoo naman di ba? masyado siyang possessive. Hahaha ..
"Tsk.."
Napanganga ako ng talikuran niya ako at lumakad ng palayo. Napailing nalang ako habang sinusundan siya. May ilan- ilan na napapatingin sa amin dahil nakabuntot ako sakanya. Baka mamaya pagkamalan pa magnanakaw ako dahil nasunod ako sakanya.
"Hindi mo talaga ako papansinin?"tanong ko sakanya pero hindi niya parin ako pinansin o nilingon man lang kaya napatigil ako sa pagsunod sakanya tsaka nagcrossed arm. Tignan lang natin kung sino ang susuko sa amin dalawa.
"Ayaw mo ako pansinin or kausapin man lang ah. Sige fine bahala ka ! Maghahanap na nga lang ako ng maiiDate !" Sambit ko. Napangiti ako ng nakakaloko ng mapatigil siya sa paglalakad kaya agad ako tumalikod sakanya.
" Hmm.... Sino kaya? Ang daming gwapo ngayon ah?" sarkastikong sambit ko upang marinig niya.
Nagsimula na ako naglakad at nagpalinga- linga sa paligid. May isang lalaki ng nakaagaw ng atensyon ko tinignan ko siya taas baba. Hmm hindi narin masama kaya napagdesisyonan ko na lapitan nalang yung lalaki pero hindi pa ako nakakalapit sa lalaki ng may humawak sa wrist ko ng napagtanto ko kung sino iyon hindi ko maiwasan mapangiti ng palihim.
"Don't do that." Matabang ang pagkakasabi niya sa'kin kaya naramdaman ko agad ang tensyon sa pagitan namin dalawa.
Napailing nalang ako. "Bakit naman hindi? Eh hindi mo nga ako pinapansin !"sambit ko. Tinitigan ko niya lang ako kaya agad na din ang ginawa ko. Napasinghap ko ng may maramdaman kong may dumampi sa labi ko at duon ko nalang napagtanto na hinalikan niya pala ako sa public place.
Gosh nakakahiya !
"Pffft. Epic face !" Sambit niya kaya agad ko siya hinampas sa braso.
"Che ! Bwisit! Bakit ba ang hilig mo makaagaw pansin." Untag ko. Napaismid nalang siya kaya tinignan ko siya ng masama. Pilit ko hindi bumigay sa mga nakakaakit niyang tingin dahil alam ko lumalaki na naman ang pride niya.
"Tsk. Let's go."aniya. Napasinghap ako ng higitin niya ako kaya wala ako nagawa kundi magpahigit nalang dahil aaminin ko namiss ko ang ganitong rounting namin ni Novem noon.
Tumungo kami sa mall na katabi ng restaurant napagusapan namin ni Jeffrey. Napahinga ako ng malalim dahil unti-unti na naayos yung mga problema namin ngayon pero isa nalang ang problema yung papaano ako haharap at sasabihin lahat sa kila mama at papa. Syempre may utang na loob parin ako sa kanila at sa loob ng apat na taon naging masaya ako at naranasan ko ang masayang pamilya.
"Ano na naman ang iniisip mo? Bakit nagbago na ba ang isip mo at babalik ka na kay Jeffrey."
Napairap nalang ako sa sinabi niya. Mukha ba akong babalik kay Jeffrey eh magkaibigan lang kami.
" Tumigil ka nga Novem ! Masyado ka'ng overthink eh."natatawang sambit ko. Tinitigan niya lang ako kaya agad ako napailing at niyakap ko nalang siya sa tagiliran.
" Sus, Novem kung ako enjoy nalang natin ang paggagala natin sa mall namiss ko kaya ito pero mas namiss ko ang pagiging selosa mo hihi."
"Tsk.. Naughty ."
Napangiti nalang ako bago ako kumalas sa pagkakayakap sakanya at hindi ko maiwasan kiligin ng hawakan niya ang kamay ko. Naglibot lang kami sa buong mall at marami din ang papatingin sa amin dahil kasama ko. Masyado kasing agaw pansin eh. Bwisit kaya pati ako iniirap ng mga babae dahil sa katabi ko.
Kaya eto kami ngayon kumakain ng ice cream sa ice cream parlor.
Masyado ko lang pinahaba yung sentence ano? Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko ng tawagin ni Novem yung isa yung cashier na lalaki. Kumunot ang noo. Maya-maya lumapit naman yung cashier sa amin na may ngiti sa labi niya. Napasulyap yung lalaki sa'kin at napangiwi ako ng kindatan niya ako. Napaiwas ako ng tingin sakanya at tumingin na lamang kay Novem kasulukuyan na masama ng tingin duon sa lalaki.
"Can I do for you Sir and beautiful lady?"
Napalunok ako dahil sa sinabi nung lalaki pero hindi ko na nagawang lingunin yung lalaki dahil napakuyom ng kamao si Novem.
" Sa tangin mo bagay kami?"
"Yes I think so."cool na pagkakasabi nung lalaki. Napailing nalang ako.
"So bakit mo tinitignan yung GIRLFRIEND KO?" Sambit ni Novem. Hindi ko maiwasan mapangiti ng palihim dahil pinagdiinan niya ang katagang girlfriend.
"Dahil ang ganda niya. Okaw pala ang boyfriend niya pero bakit hindi halata?"
Kinabahan ako ng sabihin iyon ng lalaki kasabay ang pagkagat ng labi ni Novem.
"Yes , I am her boyfriend So BACK OFF!"
Mas kinabahan ako ng tumayo si Novem at nagulat nalang ako ng higitin niya ako palabas sa Ice cream parlor kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko susugurin niya ng suntok
Marahas niya ako hinigit papalabas ng mall at tumungo kami sa motor niya. Binigay niya sa'kin yung helmet niya ng hindi umiimik. Kaya napahugot ako ng malalim upang makausap ko siya ng mahinahon dahil alam ko parin yung galit niya duon sa lalaki.
"N-novem kailangan ko pumunta sa bahay upang masabi ko din kila mama lahat upang makuha ko na din ang mga gamit ko." Mahina ang pagkakasabi ko pero alam kong nakatingin siya sa'kin kahit nakayuko na ako. Ayoko kasi makita yung galit niya syempre hindi ko maiwasan matakot.
"Fine let's go."
Napangiti ako ng magsalita siya na walang halong bakas ng galit kaya dali-dali ako sumakay sa motor niya. Habang papunta kami hindi ko maiwasan mapayakap ng mahigpit at isiksik ang mukha ko sa likod niya.
"Grabe namiss ko talaga ito." Bulong ko sa sarili ko.
Maya-maya nakarating na din kami sa subdivision namin kaya sinabi ko kay Novem na hintayin nalang ako sa labas ng bahay.
Pumasok na ako loob ng bahay. Nagtaka ng wala man lang katao tao sa loob ng bahay." Nasan sila Mama ?"
Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Manang na isa mga katulong namin. "Manang nasan si Mama at Zhel?"tanong ko.
Mukhang nagulat ko yata siya dahil napahawak siya sa puso niya . "Hay .. Ikaw talaga iha muntik mo na ako atakihin sa puso." Sambit niya. Napangiti ako at ng peace sign sakanya.
"Si mama mo kamo ? Nasa hospital sila ngayon nung lunes pa. Bakit hindi mo ba alam iha?"
Kinabahan ako ng masama ng sabihin iyon ni Manang.
" Poh, sino naman po ang nasa hospital?"sambit ko. Hindi ko maiwasan magalala kung bakit nasa hospital sila ngayon.
"Hala iha wala kang alam ? Si Zhel kasi inaapoy ng taas ng lagnat kaya sinugod siya ng mama mo sa hospital."
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot kaya agad ko tinanong kung saan hospital dinala. Dali-dali ako nagpaalam kay Manang at lumabas ng bahay. Nakita ko si Novem na nakasandal sa gate namin.
"Novem kailangan natin pumunta sa hospital."
"What? Bakit may problema ba ?"
Sinuot ko agad yung helmet. Medyo nangingilid na ang luha ko dahil hindi ko maiwasan matakot at kabahan. Malakas si Zhel kaya hindi ko akalain na magkakasakit siya atsaka masyado na napalapit sa'kin yung bata iyon kaya sobrang halaga niya sa'kin.
"Kailangan natin pumunta sa St.Clare hospital dahil sinugod si zhel sa hospital ng nakaraan na lunes."
Dali-dali na din kumilos si Novem kaya habang papunta kami sa hospital hindi ko maiwasan mapalangin na sana okay lang siya na sana wala siyang malubhang sakit dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mag masamang mangyari sa batang iyon.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...