Mikaela Pov ..
"Hindi mo ba ako naalala?"
Napakunot ang noo ko ng lumapit siya sa'min. Tinignan ko siya taas at pababa. Sino naman kaya siya?
"I'm sorry pero hindi kita maalala. Sino ka ba miss?" Bakas kay Novem na hindi niya kilala yung babaeng nasa harapan namin pero ang masasabi ko lang dapat nagsuot nalang siya two peace dahil sa suot niya.
Grabe ganito na ba ang mga suot ng babae ngayon? Napailing nalang ako dahil sa suot niya. Sa totoo lang ang sagwa tignan. Ikaw ba naman magsuot ng sobrang ikli ng short at sando akala mo nasa bahay ka lang.
Napa-irap nalang ako at hindi sinasadya napasulyap siya sa direksyon ko.
"Ohh.. Kaya pala ... Busy ka naman pala sa new date mo .. Babe I'm Faith.. Kakakilala lang natin kagabi tsaka nakabounding nga tayo eh."
Natigilan ako ng sabihin niya ang word na bounding. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ibig niya sabihin du'on pero minsan akala mo seryoso sa'yo ang isang tao dahil sinasabi niya ang nararamdan niya pero nagkamali pala ako.
Ibubuka ko palang ang bibig ko ng magsalita ulit siya.
"Sabagay kilala naman nu'on pa. Kapag nakuha mo na ang gusto sa isang babae naghahanap ka na naman ng iba. Diba tama ako? Sabihin na natin kapag nagsawa ka na , kakalimutan mo na agad siya at maghahanap ka ng iba kaya alam ko pagsasawaan mo din siya."
Natigilan ako sa paghinga dahil sa sinabi niya. Naginit bigla ang ulo ko kasabay ang pagkuyom ang kamao ko. Hindi ko maiwasan mapakagat sa labi. Alam kong tama siya. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako sa lintik na date na ito!
Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kuryente galing sa puso ko at dumaloy sa buong katawan ko kasabay ang pagkirot nito.
Tumayo agad ako at agad siyang sinampal. Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa'kin ang mga bagay na iyon !
"FYI! Hindi ako sa isa sa mga babae na iniisip mo at mas lalong hindi ako babae ni Nivem. Tsaka huwag mo ako ipamukha sa'kin iyan dahil hindi ako tulad ng mga babae ni Novem -- na tulad mo.. Assuming!!"
Inirapan ko lang siya habang siya hindi parin makamove on sa pagsampal ko sakanya. Dali-dali ko kinuha ang wallet at nagsimula ko lumakad.
Maya-maya pa hindi ko inaasahan na may humawak sa braso ko.
"Bitawan mo nga ako." Inis na sabi ko sakanya. Hindi na ako nag-abalang tignan siya.
"Please makinig ka sa'kin.. I'm sorry hindi ko naman alam na---"
"Hindi mo kailangan magexplain dahil una sa lahat hindi mo ako girlfriend at wala tayong relasyon tsaka kaya lang naman ako pumayag makipagdate sa'yo dahil gusto ko ang magpasalamat sa'yo. Kaya pwede lang pagkatapos nito lumabayan mo na ako dahil hindi ako tulad ng mga laruan mo na kapag nakuha mo na ang gusto at kapag nagsawa ka na itatapon mo nalang ... Kaya simula ngayon layuan mo na ako.."
Marahas ko hinigit ang braso ko sa pagkakahawak ko sakanya at dali-dali ako naglakad ng mabilis. Pagkalabas ko palang nakakita agad ako ng jeep kaya agad ako pumara upang makasakay na ako agad ako.
Pagkarating ko palang sa bahay pumunta agad ako sa kwarto ko at humiga. Ang bigat sa pakiramdam yung nangyari kanina.
"Ano ba nangyayari sa'kin?' Bulong ko sa sarili ko.
Sana walang ibig sabihin nitong nararamdaman ko.
************
Bored ako naglalakad papuntang school hindi ko maintindihan kung bakit. Basta ang alam ko lang wala ko sa mood para sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...