Mikaela Pov..Kumunot ang noo ko ng magising na naman ako sa lugar na hindi ko alam.
"Palagi nalang ba ganito ang nangyayari sa'kin?" Bulong ko sa sarili ko.
Dahan-dahan ako bumangon sa isang malambot na kama. Nilibot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng lugar hanggang sa may taong nakaagaw ng atensyon ko. Tinitigan ko ang lalaking iyon. Nakangiti siya sa'kin kahit nasa malayo siya. Lumaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking iyon.
"N-novem?"bulong ko. Napangiti ako ng makumpirma na siya talaga kaya agad-agad ako tumungo sa kanya. Binilisan ko na paglalakad ko dahil narin sa nararamdaman kong saya.
"Novem hintayin mo ko .."sambit ko.. Nakangiti siya sa'kin habang papunta ako sa pwesto niya. Napatigil ako sa paglakad ng makarinig ako ng putok ng biril. Sa mga sandaling iyon nakaramdam ako ng takot ng mawala ang ngiti sa labi ni Novem hanggang sa bumaksak na lamang ang katawan niya sa sahig.
Halos hindi ako makagalaw sa pinaroroonan ko dahil hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa buong paligid. Napalaki ang mata ko ng makita ko si Nathan na nakangiti ng malademonyo sa'kin.
Unti-unti ng tumulo ang luha ko. Dali-dali ako tumungo sa nakahandusay na katawan ni Novem sa sahig. Papalapit palang ako ng laking gulat ko ng may humawak sa braso ko. Napalaki ang mata ko ng makita ko si Nathan ang nakahawak sa braso ko.
"Ngayon wala ng makakapigil sa'kin dahil AKIN KA NA .."
"WHAAAAA........"
"Anak....anak... Gising ..."
Napamulat ako dahil sa boses na tumatawag sa'kin. Sa unang mulat ko ay sobrang labo hanggang sa unti-unti na lumilinaw. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Daddy na bakas sa mukha niya ang pag-alaala niya.
Napabuntong-hininga ko bago ko naisipan bumangon. Napapikit ako dahil sa sakit nararamdaman ko sa balikat ko.
"Anak huwag ka muna masyadong gumalaw magpahinga ka muna ."
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Mama. Umayos ako sa pagkakaupo tsaka sumandal. Naramdaman ko ang alalay ni Daddy sa'kin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Ngumiti ako ng pilit sa kanila. Nandito sila mama at papa. Zhel at Daddy pero bakit parang kulang?
Kinabahan ako ng pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina ." Dad, Nasan si Novem?'
Natigilan sila Daddy sa paglapit sa'kin at nagkatinginan sila sa isa't-isa kaya nakaramdam ako ng takot.
"Baby tatlong araw ka na walang malay pagkatapos ka operahan sa bandang balikat mo."
Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. "Tatlong araw? "sambit ko. Napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala na tatlong araw na pala akong walang malay pero si Novem kamusta siya.
"Teka lang Daddy. Kamusta na po si Novem? Okey na po ba siya ngayon ?"sambit ko. Mga ilang sandali hindi parin umiimik si Daddy sa tanong ko kaya labis na ang takot ang naramdaman ko.
"Daddy bakit hindi kayo makapagsalita?"tanong ko ulit sa kanya.Sa pangalawang pagkakataon nagtingin ulit sila Daddy,Mama at papa kaya lalo ako nainis dahil du'on.
"Ano ba hanggang tiningin nalang kayo dyan? Pwede ba sabihin nyo sa'kin kung okay lang ba si Novem tsaka kung nasan siya ngayon? Ano ba ang mahirap sa tanong na iyon?"
Hindi ko napigilan umiyak dahil sa sakit na nararamdam ko. Kaya dali-dali ako tumayo kahit medyo masakit pa yung sugat ko sa balikat ko.
"Anak saan punta mo?"
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...