Novem pov..
"Anak saan ang punta ?"tanong sa'kin ni Mom. Kasama ko siya sa kotse dahil may pinuntahan siya kaya ako na ang nagsuggest na ipadrive tsaka kailangan ko magpatulong sakanya.
"Mom pwede mo ba ako tulungan ?" Tanong ko sakanya habang nakatuon ang atensyon ko sa daan.
"Patulong para saan?"tanong niya.
Tinignan ko saglit si Mom na tila may iniisip . Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ko ba sasabihin ko o hindi.
" Anak saan ka ba magpapatulong?"
"Ahh .. K-kasi n-nakakahiya naman sa'yo.."nahihiyang sabi ko.
Naramdaman ko hinawakan niya ako sa balikat para siguro pagaanin ang loob ko.
"Ikaw talaga ang laki-laki muna nahihiya ka pa para saan ba ?" Alam kong nakangiti sa'kin si Mommy kaya huming ako ng malalim.
"Mom balak ko po sana manligaw paano po ba?"
Nagtaka ako ng tumawa si Mom kaya wala ako nagawa kundi sumimangot . Alam ko ang hirap paniwalaan ang mga sinasabi ko nakasanayan ko na kasi na babae na mismo ang nanliligaw sa'kin.
"Akala ko naman malaking bagay 'yon. Ang kailangan mo lang gawin suyuin mo siya.Bigyan mo ng flower and chocolate o hindi kaya haranin mo. Bakit sink ba iyan nililigawan mo? Sana naman ipakilala mo sa amin."
Tumingin ako saglit kay mom at ngitian siya.
" Pangako mom .. Ipapakilala ko din siya soon ... Kaya isa nga po favor pwede nyo ba ako tulungan sa pagpili ng bulalak.?" Tanong ko sakanya.
" Aba syempre naman anak. Ikaw pa support ako sa panliligaw mo. Ang swerte naman ng babaeng liligawan mo."
Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi niya mom. Kaya dali-dali ko tinungo ang Flower shop . Pagkarating namin agad ako bumababa at inalayan si mom ..
"Good morning Sir and Ma'am."
Nilibot ko ang paningin ko. Ang daming pagpipilian hindi ko alam kung ano ba babagay sakanya.
"Ano ba name ng nililigawan mo anak?"nagtaka ako ng tanungin ni mom yung name ni Mikaela pero siguro wala naman masama kung sasabihin ko.
"Mikaela mom."
Pagkatapos ko sabihin iyon ni mommy dali-dali siya tinungo yung red rose and pink rose. "Sir pwede ba i-combine ang red and pink rose?" Tanong ni Mom .
"Pwede po ma'am." Lumapit sa amin yung lalaki at inasikaso na yung sinasabi ni Mom. Hindi naman ako makatanggi dahil tamang-tama lang yung naisip ni mom dahil bagay-bagay kay Mikaela ito.
Nakangiti ako sumakay sa kotse ko.Excited na kasi ako makita si Mikaela at kung ano ang irereaction niya sa flower .
"Salamat at ngayon ko lang ulit nakita ang mga ganyang ngiti mo.."sambit ni mom.
"Ofcourse mom . Excited na po ako .."
Hindi na umimik si mom . Alam ko nakatitig lang siya habang nagmamaneho ako. Naisipan ko muna siya iuwi sa bahay bago ako pumanta sa bahay nila Mikaela .
Hindi ko maiwasan ngumiti ng maalala ko yung nangyari kagabi . Nalungkot nga ako ng maramdaman ko na wala na siya sa tabi ko. Hindi ko man lang siya naihatid kagabi.
Kaya habang tumatagal na nagdrive ako hindi na ako makapaghintay kaya agad ko binilisan ang pagmamaneho ko.
Pagkarating ko agad ini-parking ko muna yung kotse ko at agad na mababa kasama yung flowers. Inamoy ko muna yung flowers hindi ko naiwasan mapangiti ng maamoy ko ito.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...