Novem Pov..Pagkatapos namin magdinner dumiretsyo agad ako sa tabi ng dalampasigan.
Siguro aaminin ko na naiilang parin ako kay Mikaela pero pinipilit ko lang hindi ipahalata sa kanya pagkatapos ng nangyari ng isang taon.
Napabunga ako ng hininga at hinawakan ko yung singsing na nilagay ko sa kwintas. Napangiti ako. Isang taon na din ang lumipas ng matanggap ko na ang katotoohanang wala na siya pero sana kung nasan 'man si Chesea , hinihiling ko na maging masaya siya kahit wala na ako.
"Baby?"
Napasinghap ako ng marinig ko ang boses ni Sandra. Kaya dali-dali ko nilagay ang kwintas sa bulsa ng pantalon ko.
"Oh, ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. " Uhmm, gusto ko lang makalanghap ng simoy ng hangin ang tagal ko na'din kasi hindi nakauwi sa Pilipinas."
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na magiging kami ulit ni Alexsandra. Oo aaminin ko childhood friend ko siya at nag aminan kami na may gusto sa isa't-isa pero pagkatapos namin nag-graduate ng elementary. Nalaman ko nalang na umalis na pala siya ng walang paalam kaya lubos ako naiinis at nagalit sakanya noon.
"Baby bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Tsaka aaminin ko na may something kay Mikaela na hindi ko maipaliwanag."
Napasulyap ako kay Sandra ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung natatandaan o nakita na niya ba si Chelsea noon ng pumunta kami sa laguna pero sa tingin ko ay nakita na niya.
"Bakit naman ?"
"Ah, wala lang hahaha. Basta baby huwag mo ako iiwan ah?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko kaya sabihin ang mga katagang iyon. Nagulat ako ng halikan niya ako pero hindi ko na din mapigilan ang sarili ko na halikan siya pabalik. Habang lumalalim ang halikan namin unti-unti niya tinanggal ang polo ko. Nang naramdaman namin na nauubusan na kami ng hininga agad kami tumigil.
Hindi ko inaasahan na ang sumunod na nagyari. Basta nagulat na lamang ako ng alisin niya ang pantaas niyang damit. Magsasalita palang ako ng halikan niya ulit ako.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon. Ang tagal na din na tinigil ko na itong kalokohan ko. Natigilan ako ng may narinig ako ng pag-iyak kaya dali ko pinigilan si Sandra at sumulyap ako sa likod ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko alam ang gagawin ko ng may tumakbong babae.
"Magbihis ka na Sandra mali itong ginagawa natin lalo na sa maling lugar tayo. " Sambit ko.
Dali-dali ko sinuot ang polo ko at napagpasyahan na sundan yung babae.
"Don't tell me susundan mo yung nakita sa'kin at iiwan mo ako dito?"
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Sandra dahil agad ako tumakbo patungo sa lugar ng pinuntahan ng babae.
Halos maghabol ako ng hininga ng tumigil ako dahil nakita ko na yung babae pero may kayakap siyang lalaki. Masyado ako malayo sa lugar nila kaya hindi ko makita kung sino sila pero hindi ko alam dahil parang familiar silang dalawa sa'kin.
************
Maaga ako nagising dahil bigla-bigla nalang nag-yaya na magswimming si Sandra.
Nagkita-kita kami sa restaurant para magbreakfast. Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya makita. Napailing nalang ako.
Bakit ko nga ba siya hinahanap?
"Bakit wala si Mikaela guy's?"
Hindi na ako nagtaka kung magtanong si Sandra about kay Mikaela dahil mismo ako napansin ko rin na wala siya.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...