Novem pov.."Are you okay ?"
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko. Napangiti ako na may halong kaba ng makita ko si Dad sa pintuan ng kwarto ko.
"I'm fine Dad. Kinakabahan lang ako para mamaya baka kasi hindi pa siya handa."
Napailing lang si Dad dahil sa sinabi ko. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. Hinaplos niya likod ko na para bang pinapagaan niya ang loob ko dahil sa totoo lang nilalamon ako ng kaba ko.
"Anak, normal lang ang mga kabang nararamdaman mo dahil nung nasa sitwasyon mo ako ganyan na ganyan din ang naramdaman ko pero ito ang tandaan mo. Ang mga kabang nararamdaman mo ngayon ay mapapalitan ng kaligayahan dahil mapapasaiyo na ang babaeng pinakamamahal mo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak dahil narin sa tears of joy. Minsan naiisip ko hindi naman masama umiyak kahit minsan nakakabakla dahil ang alam ko lang noon ang mga babae lang ang umiiyak.
"Thanks Dad. Maraming salamat Dad dahil pinapagaan nyo ang loob. Tama po kayo, sobrang saya ko ngayon dahil mapapasakin na siya ng tuluyan pero sana Dad wala ng humadlang sa pagmamahalan namin dalawa ni Chelsea dahil sa totoo lang hindi ko alam kung anong ang gagawin ko kung may mangyari pang masama."
Huminga ako ng malalim bago ko naisipan tumayo upang makapunta na sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Chelsea.
" Congrats anak. Huwag ka na masyadong mag-alala dahil maayos na ang lahat."
Ngumiti ako kay Dad bago ko tinungo ang pintuan upang makalabas na ako at makapunta sa simbahan. Napangiti ako habang nakahawak ako sa minibela ng sasakyan ko. Siguro ngayon wala na ako mahihiling pa dahil mamaya lang akin na din ang babaeng pinakamamahal ko at hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.
Chelsea Pov :)
Napalunok ako ng maraming beses dahil sa totoo lang hindi na ako makapakali. Kinakabahan ako ng sobra >_<
"Ma'am nandito na po tayo."
"HUH? AGAD AGAD?"
"Yes ma'am congrats ."
Napahugot ako ng malalim na hininga upang mapagaan ang kalooban ko.
Dahan-dahan ko binuksan ang pintuan ng kotse tsaka bumababa
Napangiti ako ng makita ko sila Marie at Cristal na nagaabang sa pintuan ng simbahan. Bago ako naglakad hinawakan ko muna ang laylayan ng wedding gown ko.
Nang malapit na ako sa simbahan nagsipuntahan sila sa mga pwesto nila. Napakagat ako ng labi ng magsimula na maglakad ang mga flower girl hanggang sa Bride maid na. Si Marie at Cristal ang kinuha kong bride's maid dahil sila ang naging tunay kong kaibigan. Nung matapos na ang lahat tsaka ako nagsimula maglakad kasama si Daddy.
" Congrats Baby. Masaya ako para sa'yo lalo na ang Mommy mo pero sa ngayon hindi pa siya pwede lumabas."
"Okay lang Dad. Naiintindihan ko naman po. "
Sa una nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi makakapunta si Mommy sa araw ng kasal ko pero nawala lahat ang ito ng nakita ko si Novem na nakatingin ng diretsyo sa mata ko. Wala ako nagawa kundi ang ngumiti ng napakalaki-laki dahil sa totoo lang pinipigilan ko lang umiyak. Una sa lahat sayang ang make up ko at ayoko pumanget sa araw ng mahalagang pangyayari sa buong buhay ko.
Minsan naiisip ko madaya ang tadhana dahil masyado siyang mapaglaro. Buong akala ko ang love na iyan ay isang walang kwetang pakiramdam ng isang tao dahil dati pinaglalaruan ko lang mga lalaki pero eto ako ngayon binabawi ko na lahat ang mga nasabi ko tungkol sa love na iyan dahil sa totoo lang napakamahalaga talaga ang pag-ibig sa dalawang taong nagmamahal.
Walang bumibitaw sa titigan namin ni Novem dahil siguro wala na akong mahihiling pa kundi makasama siya habang buhay.
"Alagaan mo anak ko. Huwag na huwag mo siya lolokohin."sambit ni Dad ng binigay niya ang palad ko sa kamay ni Novem.
" Opo daddy salamat po."
Napakagat ako ng labi ng maramdaman ko ang tensyon ng mahawakan ko ang kamay ni Novem.
"Ang ganda ganda mo ngayon." Bulong niya sa'kin. Hindi ko naiwasan mapangiti ng sabihin niya iyon.
"Salamatm Gwapo gwapo talaga ng asawa ko sa tuxedo."sambit ko ng nakakaloko.
Napatawa siya ng konti tsaka naisipan humarap kay Father. Mga ilang sandali sinumulan na ni Father ang kasalan. Sa lahat ng parte ng mga sinabi ni Father ang pinaka-kaba sa lahat ng masasabi na kami ni Novem ng vow sa isa't-isa kasabay ang pagsuot ng wedding ring.
"Ehem .. Uhmm .. Chelsea Jamison Valenzuela, Do you take me as your lawfully wedded husband dahil sa totoo lang hindi na ako makakapaghintay na maging asawa mo. Sa dinami-dami ng babae na meet ko ikaw lang . Ikaw lang ang may kakaiba sa kanila - na ikaw ang dahilan kung bakit baliw ako sa'yo ngayon. I'm not really perfect kung wala ka sa buong ko mahal na mahal kita kaya sana yes ang sagot mo."
"Oo may magagawa pa ba ako ?" Sarkastikong sambit niya.
Napailing nalang ako at inirapan ko nalang siya bago ako nagsalita."Chrisxian Novem Gatchalian. Do you take me as your lawfully wife. Una sa lahat I love you too at huwag ka mag-alala dahil palaging Yes ang sagot ko. Kahit ang dami ng pagsubok na dumating sa relasyon natin simula sa pagaarrange married sa'kin ng parents ko sa pagkaaksindente natin at ng nawalan tayo ng ala-ala pero kita mo naman ngayon pinagtagpo ulit tayo ng tadhana. Napatunayan ko lang sa sarili ko na hindi kailangan ang alaala upang makilala mo ang pinakamamahal mo dahil sa una palang puso na ang sagot upang makilala mo ang taong mahal mo. Siya lang ang makakasabi na ang taong nasa harap mo ay ang lalaking pinakmamahal mo buong buhay mo dahil siyang -siya lang nagpapatibok ng puso mo. Kaya nagpapasalamat ako na nakilala kita. Palaging mong tandaan na mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka pa sa buhay ko."
"Novem will you take me as your wife?"
"Yes always and forever."
Napangiti ko siya sa mga nasabi ko pero nagulat ako ng naluha na siya kaya sa maraming pagkakataon napailing nalang ulit ako at humarap nalang kay Father.
"Now, I pronouce you man and wife .. You may now kiss your bride .."
Napangiti ako sa sinabi ni Father tsaka humarap kay Novem. Tinitigan niya ko na para bang kinakabisado niya bawat parte ng mukha ko. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahan tinaas ang belo ko.
Ngumiti ako sakanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahan niya nilapit ang mukha niya sa'kin pero ng hindi niya pa natutuluyan ilapit ng mukha niya sa'kin ng magsalita ulit siya.
"Are you ready for the honeymoon dahil sa totoo lang atat na atat na ako."
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya pero ng magsasalita sana ko ng dambahin niya ako ng halik.
Napangiti nalang ako habang hinahalikan niya ako.I'm really inlove to Campus Prince,deeply .. Actually. Seducing the Campus Prince is really brilliant idea.
The end...
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...