Chapter 31

6.4K 204 25
                                    


Mikaela pov..

Dali-dali ako tumakbo papuntang waiting shade. Kailangan ko pumunta sa airport at kailangan ko siya maabutan bago ko pa pagsisihan lahat ng katangan ko sa buhay.

Nakita agad ako ng taxi at pinara ko iyon. Halos hingal na hingal ako pumasok sa kotse. "Ma'am saan po tayo?"

Napahampas ako ng noo ko ng tanungin ako ng taxi driver. Hindi ko nga pala alam kung saan pero ang alam ko may malapit na airport dito.

" Kuya sa pinakamalapit na airport po. Please pakibilisan po."

Habang nagbibiyahe kami papunta sa airport ay hindi ko maiwasan na kabahan sa kung anong nangyayari.

Basta ang mahalaga lang ngayon kailangan ko sila maabutan.

Bigla tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko ito kinuha at hindi na nag-
abala na tignan kung sino ang tumatawag.

["Hello Myka .. Bakit ka na naman nakipag----"

Pinatay ko na agad ng marinig ko ang boses ni mama. Hindi ito ang oras para makipag-usap about sa break up namin ni Nathan.

Napalaki ang mata ko ng maalala ko yung binigay sa'kin na number ni Leanne kaya dali-dali ko iyon kinuha sa bag ko ag dial.

Nakakadalawa palang ang ring ng sagutin niya. "Hello Leanne si Chelsea ito."

["Ano patay na si Chelsea ano ba pinagsasabi mo babae ka. "]

"Leanne si Mikaela ito. "

["Ohh. Mikaela bakit sinasabi mo na ikaw si Chelsea."]

Napahampas ako ng mukha. Hindi ito ang tamang oras para makipagchikahan sa kanya.

"Basta ipapaliwanag ko na sa'yo lahat kapag ayos na lahat. Nakaalis na ba si Novem?"

["OMG! Kanina pa nakaalis sila Novem pero I'm sure na maabutan mo sila 20 minutes before flight nila nasa Laoag airport sila. Kaya fighting Chelsea!"]

"Okey thank you Leanne !"

Pinatay ko agad yung cellphone ko at sinabi sa taxi driver kung saan airport. Halos hindi ako mapakali sa inuupuan ko at pinapalangin na sana hindi pa huli lahat. Sana hindi ko pagsisihan lahat. Hindi ko naman kagustuhan pagtabuyan siya pero wala na ako magagawa dahil nagawa ko.

Tapos na. Sadyang may mga bagay na mahirap na ibalik dahil nagawa o natapos na. Ang tangi mo lang magagawa ay pagsisihan lahat.

Hindi nagtagal nakarating na ako sa airport. Pagkatapos ko magbayad sa taxi driver dali-dali ako pumasok sa airport.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid na nagbabakasakali maabutan ko sila. Naglibot ako sa buong paligid. Takbo at lakad ang ginawa ko at halos pagtinginan na ako ng mga tao sa airport dahil umiiyak ako pero wala ako pakialam kung anong tingin nila sa'kin basta ang akin lang ay maabutan ko siya dahil mas hindi ko kakayanin kapag iniwan niya ako.

Hindi sinasadya mapatingin sa screen at bumagsak ang balikat ko ng makitang kanina pa nakaflight yung papuntang America. Parang tumigil ang mundo ko at unti-unti pag-upo ko sa sahig.

"H-hindi. Imposible!" Bulong ko sa sarili ko at dahan-dahan bumagsak ang luha ko galing sa mga mata k

Ang s-sakit.. Hindi ako makapaniwala na mangyayari sa amin ito ni Novem. Tuluyan na niya ako iniwan.

"Shucks ang t-tanga ko !" Inis na sambit ko sa sarili ko. Sabagay kasalanan ko rin naman ang lahat. Sino ba ang una nakalimot sa amin dalawa? Syempre ako. Sobrang tanga ko kasi !

Naramdaman ko ang pagtingin ng mga tao ko dahil habang tumatagal lumalakas na ang paghikbi ko.

Pakiramdam ko na mag-isa nalang ako.

Napa-angat ang paningin ko ng may tumigil sa harapan ko. Napalaki ang mata ko ng makita ko sapatos ng lalaki. Napangiti ako kaya dali-dali ako napatunghay.

"N-nove-----"

Nawala ang mga ngiti ko sa labi ko ng mapagsino ang nasa harapan ko at hindi iyon si Novem.

"Kenizke nasan si Novem?" Tanong ko agad sa kanya habang sinusubukan ko tumayo sa pagkakaupo ko.

"I'm sorry pero kanina pa sila nakaalis.."

Hindi ko natuloy ang pagtayo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan maiyak lalo. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang siya umalis. Kung kailan naalala ko na ang lahat.

One year ago ...



Napatingala ako sa kalangitan habang nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Isang taon na din ang lumipas at inaantay ko parin siya. Sana nga lang huwag siya magtagal dahil hindi ko na siya kayang hintayin. Minsan kasi nawawala na ako ng pag-asa dahil sa sobrang tagal niya. Nalaman na din ni Leanne at Kenizke ang lahat at nagpapatulong din ako sa kanila kung paano ko hahanapin sila Mommy at Daddy ng palihim.

Sinusubukan din nila kontakin si Novem pero pinigilan ko sila. Mas gusto ko kasi ako mismo ang magsabi sa kanya. Tsaka hindi ko pa sinasabi kay mama na may naalala na ako o kung alam ba nila ang pagkatao ko at tanungin kung nakaligtas din ba ang anak namin ni Novem.

May parte sa'kin na sana si Zhel ang anak ko.

Kaya eto ako ngayon nasa forest park kung saan nakipaghiwalay siya sa'kin at kung saan una kami nagkita.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil ang bilis ng oras na kahit nagkahiwalay ay pinagtagpo ulit kami kaya eto ako umaasa na ganun din ang mangyayari.

"Kamusta na kaya siya?" Bulong ko sa hangin.

Ngumiti ako bago ako napagdesisyonan na tumayo na. Nagulat ako ng may nabangga ko.

"I'm sorry hindi ko--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"N-novem."

Halos hindi ako makapaniwala ng nasa harapan ko na siya ang isang taon na din abg lumilipas. Sobrang saya ang nararamdaman ko dahil nasa harapan ko na siya at sobrang miss na miss ko na siya.

Dahan-dahan siya ngumiti sa'kin na siyang dahilan para mapangiti ako pero agad din nawala ang ngiti ko ng tawagin niya akong.

"Oh, ikaw lang pala. Kamusta ka na Mikaela?"




BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon