Novem Pov .."Anak kumain kana please ?"
"Wala akong gana mom.." Hindi na ako nag-abala na tignan pa si Mom dahil alam ko nanghihina ako sa mga titig niya.
"Anak kahapon ka pa hindi nakain simula ng lumabas ka sa hospital tapos agad-agad ka nagkulong dito sa kwarto mo. Kumain kana Novem baka magkasakit ka pa."
Napabuntong-hininga nalang ako at hindi pinansin ang mga sinasabi nila mom. Siguro mas mabuti na mawala nalang ako kaysa sa nangulila ako sakanya.
Naramdaman ko huminga si mom ng malalim.
"Aalis kami ng daddy mo kaya pinapunta muna namin si Kenizke pati si Leanne para may kasama ka."
"Ayoko sila pumunta dito hanggat hindi nila kasama si Chelsea .."
"Anak ala-----"
"Huwag mo sabihin iyan Mom dahil para sa'kin buhay pa si Chelsea. Nararamdaman kong buhay pa siya at nandito lang siya sa paligid ko."
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng nga luha ko. Fuck, nakakabakla talaga. Hindi ko akalain na magkakaganito ako sa babae pero ang sakit pala! Ang sakit pala ng mawalan ng minamahal.
"Anak tanggapin mo nalang nawa-----"
"Mom paano kung hindi ko matanggap .. Ano gagawin ko para matanggap na wala na siya? .. PLEASE SABIHIN NYO KUNG PAANO KO TATANGGAPIN MOM dahil ang sakit lang.." H
indi ko napigilan ang sarili ko na harapin si Mom at sigawan.
"Please lang mom .. Gusto ko na mapag-isa .."
Nagtungo na ako sa tabi ng bintana at hindi na ako nag-abala pa na tignan si mom. Naramdaman ko nalang na bumakas sarado ang pinto ng kwarto ko.
Napabuntong-hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang viewing sa labas ng bahay.
"Nakakabingi pala ang sobrang katahimikan."napatawa nalang ako mag-isa at tumunghay sa kalangitan.
"Sana... Sana pala hindi nalang kita tinakas sa kasal mo edi sana .."
Natigilan ako ng napaluha ako pero agad ko din pinunasan. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan edi sana ginawa ko na.
Simula ng umuwi kami galing hospital hindi ko napigilan magkulong na lamang sa kwarto ko dahil nangungulila parin ako sakanya.
"Chelsea kung nasan ka ngayon palagi mo tandaan na mahal na mahal kita."
"Novem."
Nakarinig ako ulit ako ng pagsara at pagbukas ng pintuan pero hindi parin ako nag-abala tignan kung sino iyon.
"Bro sabi ni tita hindi ka pa daw kumakain. Kaya dinalhan ka namin ng pagkain ni Babe ko .."
Napangiti ako ng mapakla siguro nababaliw na ako. Baliw na baliw sa presensya ni Chelsea.
"Kasama nyo ba si Chelsea?"tanong ko.
"Sabihin nyo naman na magpakita na sa'kin dahil miss na miss ko na siya.."
Naging tahimik silang dalawa. Hindi ko na din maintindihan 'yong sarili ko. Nawawala na yata ako sa katinuan.
Humarap ako sa kanilang dalawa at bahagya naman nila ako tinignan. Nakaramdam ako ng inis dahil sa mga titig na iyon dahil sa way ng pagtitig nila sa'kin na may halong awa.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa na siyang dahilan upang kawaan ulit nila ako.
"Ano ba ang mas masakit ? Ang makitang kinakasal ang minamahal mo o mangulila ka dahil sa pagkawala ng babaeng mahal mo?"
Natigilan silang dalawa at tinignan ang isa't-isa.
"N-novem tama----"pinigilan ko magsalita yung cousin ni Chelsea ngumiti ako ng mapakla.
"Mas mabuti pang kinasal nalang siya atleast may way dahil pwede naman niya ako maging kabit hindi ba?"
"Kaysa naman sa mangulila ako sakanya na halos kinamamatay ko na ngayon ang hirap kasing tanggapin na wala na talaga siya. Sobrang sakit ang sakit sakit talaga."
Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak. Nanghihina na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko nasuntukin nalang ang pader. Nakaramdam ako ng sakit pero wala pang mas sasakit na pagkawala ng pinakamamahal mo.
Naramdaman kong lumapit sila dalawa sa'kin.
"Alam ko mahirap tanggapin pero kung makita ka ni Chelsea ng ganyan mas gugustuhin niya pa na kalimutan mo siya kaysa na makita kang nasasaktan." nag-alalang sambit ng girlfriend ni Kenizke.
Natigilan ako at tinignan silang dalawa.
"Makitang nasasaktan? Sa tingin ba ni Chelsea hindi ako masasaktan sa pagwala niya huh?"
"Hindi naman kagustuhan ni Chelsea mawala ng ganun ganun. Malay mo hindi talaga para kayo sa isa-----"
"Nagkakamali ka! Ayokong tanggapin na wala na talaga siya sa buhay ko dahil sa'kin." tumigil ako sa pagsasalita at tinuro ang bandang kaliwang dibdib ko.
"Dito.. Dito sa puso ko alam kong buhay na buhay siya. Kaya huwag na huwag nyo sabihin na tanggapin ko na ang pagkawala niya dahil hindi naman kayo ang nasasaktan sa mga nangyayari."
Pagkatapos ko sabihin iyon hindi na ako nagpakita na kahit anong emosyon.
"Gusto ko na mag-isa kaya umalis na kayo."
"Novem gusto lang namin tulungan ka .."
Napatawa ako ng mapakla.
"Tulungan ? Ano ba klaseng tulong yan ? Maibabalik niya ba si Chelsea ." tanong ko.
Mukhang natigilan siya at maya-maya bigla nalang tumayo si Kenizke sa harapan ko.
"Ano ba Novem ang pabakla mo! 3 years ng wala si Chelsea kaya pwede ba tumigil ka na. Ang hina mo naman Bro.."
Nakaramdam ako ng inis ng sabihin iyon ni Kenizke kaya hindi ko sinasadyang dumilim ang paningin ko. Agad ko siya hinawakan sa kwelyo at marahas na tinitigan siya.
"Diba sinabi ko sainyo HINDI KAYO ANG NASASAKTAN ang hirap lang tanggapin na wala na siya at wala pa akong maalala sa tatlong taong lumipas. Oo sabihin mo akong bakla at mahina pero eto ang tandaan mo hindi lahat ng bagay nawala ay kailangan tanggapin ng ganun ganun lalo na kung importanteng tao ang nawala sa buhay mo .."
Tinignan ko siya sandali bago ko binitawan ang kwelyo ng damit niya.
"Umalis na kayo hindi ko kayo kailangan. Hayaan nyo na akong mag-isa."
Pagkasabi ko sabihin iyon humarap ulit ako sa bintana at tumingin sa labas. Nakarinig ulit ako ng pasara at bukas ng pintuan.
Napahugot ako ng malalim ng hininga.
"Sana intindihin nyo nalang ang nararamdaman ko ngayon dahil kahit mismo sarili ko hindi ko na maintindihan.." Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...