Mikaela Pov.Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na ako sa bahay. Grabe napagod ako buong araw dahil may tinapos akong project.
Dali-dali ako pumunta sa kusina para makapagmeryenda na dahil nagutom ako sa kakasulat.
Maya-maya may naagaw ng atensyon ko. Dahan-dahan ako lumapit sa lamesa dahil may nakalapag na envelope hindi ko alam kung bakit parang gusto ko buksan upang malaman ko kung ano laman.
"Ano kaya ito?" Napakabit-balikat nalang ako at huminga ng malalim. Dahan-dahan ko binuksan ang envelope.
Nanginig ang buong katawan.ko na siyang dahilan upang mahulg ko yung envelope pero hindi ko parin tinatanggal ang paningin ko sa nakasulat sa envelope. Unti-unti ko pinapasok sa utak ko ang mga nabasa ko sa laman na envelope na iyon.
Halos manigas na ang buong katawan ko dahil hindi ako napaniwala. " I-mpo..sible.. P-paano?" Halos nauutal na sabi ko sa sarili ko. Narinig ko ang pagbukas, sara ng pintuan ng kusina pero hindi ko ito ipansin dahil lahat ng atensyon ko ay nasa laman lang ng envelope.
"Mikaela bakit may prob---"
Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Mama at marahan siya tinitigan. Lubos na nagtaka si Mama sa mga pinupukol kong tingin sakanya
"M-matagal nyo na ba alam?" Halos pabulong na tanong ko kay Mama. Hindi ko napigilan ang sarili ko na magalit dahil almost 4 years na ang lumipas pero bakit hindi nila nagawang sabihin sa'kin?
"A-ano ibig mo sabihin Anak?"
Napailing ako sa sinabi ni Mama.. Halos manginig ang mga kamay ko ng kunin yung envelope at binasa muli.
All information about Chelsea Jamison Valenzuela and her family.
Hindi ko alam ang gagawin ko basta ang alam ko lang naloko ako. Naiinis ako dahil paano nalang kung hindi bumalik ang alaala ko? Sasabihin parin kaya nila ang katotoohanan tungkol sa'kin?
"Sabihin nyo matagal nyo na bang alam na ako si Chelsea?" Pinilit kong maging mahinahon sa harapan niya.
Marahan niya ako tinitigan at kinuha yung envelope sa'kin. Kaya hindi ko maiwasan mainis.
"SABIHIN NYO MATAGAL NYO NA BANG ALAM NA AKO SI CHELSEA!!"
Hindi ko napigilan sigawan siya dahil siguro sa galit na nararamdaman ko.
"Oo..." Mahinahon na sambit niya sa'kin .
"B-bakit hindi nyo sinabi sa'kin?"
Hindi ko napigilan ang sarili ko mapaluha. Almost 4 years pero bakit?
"Dahil takot kami ng Papa mo na malaman mo ang katotohanan dahil alam namin naa iiwan mo kami pagkatapos ng lahat."
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sobra pala silang selfish.
"Pero ma karapatan ko malaman ang lahat lalong-lalo tungkol sa'kin. Paano nalang kung hindi ko naalala ang tungkol sa pagkatao ko?"
Napahagulgol ako pagkatapos ko sabihin iyon sakanya.Sinubukan niya na lapitan ako pero agad ako lumayo sakanya.
"S-sabihin nyo paano nangyari ito? Paano nyo ako natagpuan ?"
Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko at marahan na napapikit. Matagal din siya sa sitawasyon niya pero pagkaraan ng limang minuto minulat niya muli ang mata niya.
"Matagal na namin pangarap na magkaroon ng anak at nung time na naglalakad ako sa gilid ng dalampasigan laking gulat ko ng makitang may katawan ng tao at ikaw iyon. Nung una nagtaka dahil nakawedding gown ka pero napagtanto ko na nahinga ka pa kaya dali-dali ka namin dinala sa hospital .. Nung time na iyon hindi ko maiwasan mag-alala sa'yo at magtaka kung sino ka ? Pagkalabas ng doctor sa ER nagpasalamat siya dahil nadala ka namin agad pero ang nakakalungkot ay yung nacomatose ka. Ilang buwan din kami nawala ng pag-asa dahil hindi ka pa nagigising. Kaya pagdating ng 10 months laking gulat namin ng pagkagalaw mo ng daliri mo kasabay ang pagmulat ng mga maga mo."
"Kaya tuwang-tuwa kami dahil sabi ng Doctor na malapit ka daw magising."
Hindi ko alam kung papaano ko ipapasok sa utak ko lahat ng nalalaman ko pero isa lang bumabagabag sa isipan ko.
"Buntis ako ng naaksidente kami ng taong mahal ko. Nabuhay ba siya sa sinapupunan ko after ng accident at si ...Zhel ba ang anak ko?"
Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkakamali sa hinala ko dahil pakiramdan ko na anak ko talaga si Zhel .
"HINDI.!!" nagtaka ako ng sumigaw siya.
" Hindi mo anak si Zhel dahil tunay na anak namin siya ng papa mo. Nung time na dinala ka namin sa hospital , du'on ko nalaman na buntis na pala ako kaya imposibleng maging anak mo si Zhel dahil bago ka namin dinala hospital ay dinudugo ka na at sabi ng doctor mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan mo kaya hindi niya na kayanan ."
Natigilan ako sa mga narinig ko hindi ko na masyado naramdam ang sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Dahan-dahan ko tinakpan ng bibig ko gamit ang kamay ko dahil hindi ko napigilan ang paglakas ng paghikbi ko. Imposible lahat ng nalaman ko ngayon. Yung . Yung buong akala ko na anak ko si Zhel naging akala lang talaga.
Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit nararamdaman ko sa dibdib ko. Paano nangyari ito sa buhay ko after 4 years? Bakit masyado ako naging pabaya sa naging takbo ng buhay ko? Paano nalang iyan? Ano nalang ang pangangahawakan ko sa naging pagiibigan namin ni Novem lalo na nalaman ko na hindi pala nabuhay ang anak namin.
Paano nalang ako magsisimula ulit ?
Paano ko nalang tatanggapin ang mga nangyari buhay ko.
Mapamulat ako ng maramdaman ko may humawak sa braso ko kaya dali-dali ko tinaggal ang pagkakahawak ni Mama sa braso ko.
"I'm sorry kung hindi namin sinabi dahil nung araw na nagising wala ka naalala sa pagkatao mo kaya naisipan ko na hindi nalang ipaalala sayo ang sakit na nangyari sa buhay mo."
Umiling lang ako sa sinabi niya. Sa mga oras ngayon halo-halo ang mga nararamdaman ko galit,lungkot , sakit, at pahihinayang sa lahat na nangyari sa buhay ko.
Lalapitan niya sana ako ng lumayo ako agad at tumakbo palabas.
Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado ako naging pabaya una hinayaan ko lumayo sa'kin ang lalaking pinakamamahal ko pangawala pinabayaan ko mawala ang anak namin ni Novem at pangatlo pinabayaan ko magkaletche-letche ang buhay ko!
Masasabi ko sa sarili ko.
Isa akong napakalaking tanga dahil hinayaan ko mawala ang mga taong mahal ko at mga taong nagmamahal sa'kin ..
![](https://img.wattpad.com/cover/70322680-288-k830538.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...