Myka Pov.
Nagising ako sa isang paraiso at puno ng mga bulaklak pero ang nakakalungkot lang kasi lagi nalang ako mag-isa sa isang malawak na lugar..
Napabuntong-hininga nalang ako .. Maya-maya nagulat ako ng gumalaw yung halaman sa gilid..
Dahan-dahan ako lumapit sa halaman na iyon .. Halo-halo nararamdaman ko ng lumapit ako duon .. Nang malapit na ako sa halaman na iyon ..
"BOOOO..!"
Napaupo ako dahil sa sobrang gulat ko pero laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ..
"N-novem?"
Halos mangiyak-ngiyak ako habang inaalalayan niya akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig .. Walang oras aki sinayang ay agad ko siya sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"Novem saan ka ba nagpunta?" Hindi ko napigilan umiyak dahil sobrang miss ko na siya..
Naramdaman ko rin na niyakap niya ako ng pabalik. Napangiti ako ng wala sa oras. Sobrang saya ko dahil nandito na siya..
"Please huwag mo na ko iwan!" Sabi ko sa kaniya ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya ..
Nginitian niya ako tsaka hinawakan ang pisngi ko.
"Huwag ka na umiyak ang pangit mo na tuloy.."
Napairap nalang ako ng sabihin niya iyon. Bahagya ko siya hinampas sa braso.
"Ewan ko sa'yo!"
"Chelsea .."
Napanguso naman ako ng lumambing na ang boses niya pero nginitian niya lang ako ..
"Oh bakit?" Tanong ko sa kaniya ..
Hindi siya sumagot .. Kinabahan ako ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin .. Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa'kin ...
Mabagal na halik ang ginagawa niya pero masarap sa pakiramdam .. Namiss ko siya ng sobra lalo na ang sweetness niya ang pagkakulot niya namiss ko lahat .. Sana nandito naman siya palagi .. Pagkatapos na halik na iyon pinatong niya ang noo niya sa'kin. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang siya nakapikit lamang ..
"Mahal na mahal kita Chelsea.."
"I love you too , Novem!"
Dahan-dahan niya minulat ang mata niya at nginitian ako .. Humiwalay siya sa pagkakapayong ng noo niya sa noo ko ..
Nagtaka ako ng tumalikod na siya at nagsimula naglakad ..
"Novem ..saan ka pupunta?"
"Chelsea .. Kailangan mo na bumalik dahil marami na naghihintay sa'yo.."
"Huh? Ano ibig mo sabihin?"
"Malalaman mo rin.."
Naglakad siya palayo sa'kin. Agad ko siya hinabol pero agad siya nawala at napapunta ako sa lugar na hindi ko alam. Naulit na naman ..
Nagsimula na tumulo ang luha ko.. Ayoko na .Mag-isa na naman ako ..
"Novem .. Huwag mo ako iwan ..! Please ..!!"
"PLEASE !! HUWAG MO AKO IWAN !!"
"Ate wake up!!"
Napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ko ang boses ni Zhel. Halos naligo na ako sa pawis at naghahabol na rin ako ng hininga.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...