Mikaela pov.
Kumunot ang noo ko ng may kumalabit sa balikat ko kaya medyo nakaramdam ako ng takot na baka masamang tao ang nasa likod ko.
Dahan-dahan ako lumingon sa likod ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko kung sino.
"Hi?" Sambit niya. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti. Hindi ko ba alam kung bakit hindi ko maalala kung ano pangalan niya. Basta ang alam ko lang kaibigan siya ni Novem.
"I'm Leanne pwede ba tayo mag-usap?"
Tumungo ako bilang sagot sakanya kahit hindi ko alam kung ano ang paguusapan namin.
Lumabas kami sa school at pumunta sa pinakamalapit na restaurant. Naiilang ako umupo sa katapat niya dahil ngayon lang kami nagkasama na kami lang dalawa.
"Magorder ka kahit ano gusto mo dahil ngayon lang naman tayo nagkaroon ng time na mag-usap so Libre ko muna hihi." Nakangiti niyang sabi sa'kin.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang magsalita sakanya. Nagorder lang ako ng simpleng strawberry Shake.
"So kamusta ka na pala ngayon ?" Panimula niya. Umayos akonng upo tsaka siya nginitian.
" Okay lang ako. Ano pala ang pag-uusapan natin?"
Nagtaka ako ng kumunot ang noo niya at bahagya na nilapit ang mukha niya sa'kin. Napalunok .
"Talaga bang hindi ikaw si Chelsea ?"
Tumikhim ako sakanya kaya agad niya nilayo ang mukha niya sa'kin. Nakaramdam ako ng konting kaba dahil sa ginawa niya.
" Matanong ko lang nagkita na ba kayo ni Novem ?"
Kumunot ng bahagya ang noo ko at marahan ng tinignan siya kung ano ba ang nasa isip niya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita." Oo.." Maikling sambit ko sa kanya.
"Kailan pa ?" Sambit niya sabay subo ng cake niya.
Napabuntong-hininga ako tsaka ngasalita.
" Sa totoo lang nung isang araw lang pero kung okay lang sa'yo na magtanong ako about sakanya. Ano ba nangyari sakanya dahil parang ibang Novem na ang nakausap ko ng isang araw ?"
Nakatingin lang siya sa'kin kaya medyo nailang ako sa mga tingin niya.
"So napagkamalan ka din niya na si Chelsea." Aniya tsaka umayos ng pagkakaupo. Hindi ko maintindihan kung ito ba ang gusto niya pag-usapan namin ngayon?
Tumungo lang ako bilang sagot sakanya.
"Kaya pala napansin namin ang mga kakaibang ngiti niya. " nakangiting sambit niya Huminga siya ng malalim bago ulit ipagpatuloy ang pagsasalita.
" Last week sobra kaming nagulat ng maaksidente siya ulit pero ng magising siya at hinanap si Chelsea nung una naging masaya kami pero nung time na hinanap niya na si Chelsea du'on na kami nakaramdam ng lungkot. Hindi namin alam kung sa paanong paraan namin siya tutulungan kung paano niya matatanggap na wala na si Chelsea."
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa lahat ng nalaman ko. Hindi ko akalain na ganun pala ang nangyari kay Novem.
"Sorry Leanne kung hindi ko alam na ganun pala ang nangyari kay Novem."
"It's okay lang. Sa ngayon naawa ako sa sitwasyon niya. Kahapon kasi birthday niya. Nagtataka nga kami kung bakit ang ganda ng mga ngit niya pero nung naghangout kami. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila Kenizke na bigla nalang umalis pero after nun bumalik din siya agad. Sobra kami na nagulat na Novem na masaya naging sobrang lungkot na. Umiiyak siya kahapon nun at sinasabi na tanggap niya na ang lahat. "
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...