Kenizke pov..Naisipan namin puntahan ni Babe si Novem .. Pagkapasok palang namin sa kwarto ni Novem ramdam na ramdam ko ang katahimikan .. Masyadong nakakabingi ..
Pagkatapos namin tanungin kung okey lang siya nagulat ako ng sabihin niyang ang salitang nagpatigil sa amin ni Babe ko ..
"Ano ba ang mas masakit .? Ang makitang kinakasal ang minamahal mo o manguli ka dahil sa pagkawala ng babaeng mahal mo ?"
Huminga ako ng malalim at napasulyap kay Babe halata din sakanya na naawa din siya katulad ko kay Novem.. Kaya naisipan namin siya lapitan at sinubukan ni Babe na pagaanin ang loob ni Novem pero masyadong emosyonal si Novem kaya hindi niya alam kung ano ang sinasabi niya..
Nakakainis masyado siya mahina .. Nagtaka ako ng tumawa siya ng mapakla habang sunod-sunod pumapatak ang mga luha niya dahil sa sinabi ni babe ..
"Tulungan? Ano ba klaseng tulong yan? Mababalik niya ba si Chelsea"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumayo sa harapan ni Novem."Ano ba Novem ang bakla mo 3 years ng wala si Chelsea kaya pwede ba tumigil ka na .. Ang hina mo naman bro..." Naiinis na sabi ko sakanya pero ako mismo ang nagulat ng tumayo siya at hinawakan ang kwelyo ng damit ko .. Matalim siyang nakatingin ,na alam kong bakas sa mukha niya ang pagkamunhi ..
Hindi ko akalain na ganito pala ang mangyayari kapag nalaman niya ang pagkamatay ni Chelsea ..
"Diba sinabi ko sainyo HINDI KAYO ANG NASASAKTAN ang hirap lang tanggapin na wala na siya at wala pa akong maalala sa tatlong taon na lumipas .. Oo sabihin mo akong bakla , mahina pero eto ang tandaan mo hindi lahat ng bagay na nawala na kailangan tanggapin ng ganun ganun lalo na kung importanteng tao ang nawala sa buhay mo .."
Pagkatapos niyang sabihin iyon agad niya binitawan ang kwelyo ng damit ko at humarap muli sa bintana ..
"Umalis na kayo hindi ko kayo kailangan .. Hayaan nyo na akong magisa ."
Napakuyom ako ng kamao at wala akong nagawa kundi ang lumabas na lamang ..."Siguro intindihin nalang natin ang sitwasyon ni Novem " sabi ni babe kaya tumungo nalang ako tsaka inakbayan siya .." Mas mabuti pa nga babe .. Ngayon lang naman natin nakita ng ganyan si Novem .."
Kaya naisipan na din namin umalis dahil kailangan niya muna siguro mapagisa talaga para narealize niya na wala na talaga si Chelsea , upang matanggap na niya ..
"Grabe kenizke ang hirap palang masaktan .. "
Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi niya .."Kung ayaw mo masaktan edi magpakasal ka sa'kin?" Pabirong sabi ko sakanya .."kahit ba magpakasal tayo mapapangako mo ba talaga na hindi mo ako sasaktan ? Paano nalang kung magselos ako o mainis at kung ano-ano pa .."sambit niya .." Hindi mo talaga maiiwasan na masaktan ang isang tao lalo na kung nagmamahal ka .." Dagdag niya pa ..
Kaya hindi ko nagawang umimik sa sinabi niya .."Bakit ba napakaseryoso mo huh babe? Sinusubukan lang naman kita .."sabi ko .. Nagtaka ako ng hindi siya umimik kaya agad ko siya sinulyapan saglit bago ko ibalik ang paningin ko sa daan .." Bakit tumihimik ka ?"tanong ko ..
"Naalala ko kasi yung kamukhang kamukha ni Chelsea ..."
Natigilan ako bigla .. Oo nga pala nakalimutan ko na tungkol sakanya .." Paano kung magkita silang dalawa ? "Tanong ni Babe .. Hindi agad ako nakasagot paano na nga lang kung nagkita sila ?...
"Wala tayong magagawa babe hindi naman natin hawak ang panahon upang pigilin sila magtagpo dahil kahit anong mangyari magkita at magkikita parin sila .. Sa liit ba namanng mundo.. " naiiling na sabi ko .
"Sabagay may point ka .. Hindi naman natin mapipigilan ang panahon at oras .. "
Tumungo lang ako at tinuon ang buonhg atensyon ko sa pagmamaneho ..
**********
Napabalikwas ako ng tumunog ang cellphone ko .. Kumunot ang noo ko ng mapatingin sa orasan .
"Hating gabi na ah sino naman kaya ang tumatawag ng ganitong oras ?"Hindi na ako nagabala na tignan kung sino man ang tumatawag dahil inaantok din naman ako..
"H-hello?"
"K-kenizke ?" Napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Tita leah ... "Tita bakit po kayo umiyak may problema ba kayo ?"tanong ko ..
"Kasi ..kasi si N-novem ...." Rinig kong sabi ni tita sa kabilang linya ..
Hindi ako mapakali ng marinig ko ang pangalan ni Novem .. Hindi ko maiwasan kabahan sa pwedeng mangyari ..
"Bakit tita ano nangyari kay Novem..?"
******
Haha bitinin ko muna ..
Sino ang na disappointed hahaha ... Nakakatawa yung mga comment nyo .. Grabe nainis yata kayo dahil isa lang ang update well sa totoo lang tinatamad na ako kagabi magupdate kaya pasensya na ..
Hahah short update lang ang ginawa ko ngayon .. Hihi..
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...