Sino nakakaalam ng song na ito? Iu forgotten season .. Promise madadala ang mga damdamin niyo dito ..hihiThis chapter is dedicated to @StephSecret_26 .. Promise iedit ko siya sa computer para madedicate ko sainyo ..
By the way .. Thank you ..!
Novem pov..
Alam kong hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. Kahit nakainom ako ay alam ko parin ang ginagawa ko.
Nagulat ako ng pumunta si Kenizke.
"Si..C-chelsea .." Sambit ko.
Napalaki ang mata ko ng umandar yung kotseng sinakyan niya kaya naisipan kong habulin yung kotseng sinakyan niya. Alam kong siya 'yon at hindi ako nagkakamali. Nagulat ako ng hinawakan ni Kenizke ang braso ko.
"Pati ba naman dito Novem. Nagmamalik mata ka lang."
"Hindi. Imposible bro nakita ng dalawang mata ko at alam ko siyang-siya iyon."
Pagkatapos ko sabihin iyon. Tinignan ko muli yung kotse at laking gulat ko na medyo malayo na kaya agad ako tumakbo upang subukan habulin iyon.
"N-novem mag-iingat ka."rinig kong sambit ni Kenizke kasabay nun ang malakas na busina ng sasakyan.
Napalaki ang mata ko ng mapasulyap ako sa bandang kaliwa parang sobrang bagal ng takbo ng oras dahil bumagal ang kilos ng lahat na bagay
"Katapusan ko na ba ?" Sambit ko sa isip ko.
Wala na akong nagawa kundi ang pumikit at lubusin ang konting oras na nandito pa ako sa mundo. Ang tanong kaya ko na ba mawala dito sa mundo ?
"Hoy magpapakamatay ka ba pwes huwag ka mandamay ng ibang tao!"
Napamulat ako at hinawakan ang buong katawan ko. Napatingin ako sa lalaking nakasulyap sa labas ng bintana ng sasakyan niya na marahas na nakatingin sa'kin.
Napabuntong hininga ako."So hindi ko pala oras ?" sambit ko sa sarili.
"Ano ba Novem ang nasa isip mo? Balak mo ba talaga magpakamatay?"
Natigilan ako. Balak ko nga ba ? Handa ba ako sa magiging kapalit ng pagkawala ko?
Narinig kong humingi ng pasensya si Kenizke du'on sa lalaki.
"Novem huwag mo sayangin ang buhay mo dahil nawala lang ang babaeng pinakamamahal mo. Malay mo may makilala kang ibang babae na mas better pa kay Chelsea." sambit niya.
"Paano nalang ang mga magulang mo? Ano ba sa tingin mo mararamdaman nila na nagpakamatay ang anak nila. Parehas din kayo ng mararamdaman. Bakit hindi mo nalang ienjoy ang nasa paligid mo? Hindi ka nag-iisa Novem maraming nagmamahal sa'yo! Yan ang palagi mong tandaan."
Natigilan ako sa mga sinasabi ni Kenizke dahil ang tangi lang ang nasa isip ko ay about sa kotse. Paano nalang kung natuluyan na ako?
Edi maraming masasaktan katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi kaya namamalik mata lang talaga ako ?
Siguro nga namamalikmata lang ako dahil iniisip ko si Chelsea sa bawat oras na lumilipas.
Pagkauwi namin ni Kenizke agad kami sinalubong ni Mommy.
"Novem saan ka ba ng galing? Sobra mo ako pinag-alala. " sambit ni mom habang sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya.
Hindi ko tuloy maiwasan sisihin ang sarili ko dahil pinag-alala ko si Mom. Napabuntong-hininga nalang ako at niyakap ng mahigpit si Mom. "I'm sorry mom kung nagkakaganito ako." sambit ko.
" Napakaselfish kong anak at hindi ko man lang kayo napapansin na nasasaktan ng dahil sa'kin."
"Shhhh. Naiintindihan kita anak. Alam kong masakit pero sa tamang panahon matatanggap mo rin ang katotohanan kaya hindi na muna kita pipilitin."
Bahagya ako napangiti dahil sa sinabi niya buti nalang at marami talagang nagmamahal sa'kin. Masyado akong inabuso ang malasakit nilang lahat dahil sa nararamdaman ko.
********
Napapapikit nalang ako sa tuwing napapahampas ang simoy ng hangin sa buong katawan ko. Napakasarap lang sa pakiramdam.
Minsan hindi ko maiwasan mapangiti tuwing naalala ko na kasama ko si Chelsea. Nandito ako sa lugar kung saan nag-date kami at kung saan din sinabi ko sakanya ang pinakamasakit na bagay ang makipaghiwalay sakanya at sinabing hindi ko siya mahal.
Lahat ng sinabi ko puro kasinungalingan lamang dahil wala ako nagawa kundi sundin ang gusto ng mommy ni Chelsea.
Natigilan ako ng maalala ko yung mommy ni Chelsea. "Galit kaya sila sa'kin? Kamusta na kaya sila ?" Sambit ko sa sarili ko.
Siguro sa ngayon kinamumuhian ako ng mga magulang niya dahil sa pagkawala ng pinakamamahal nilang anak at gusto ko din sana tanungin mismo sa harapan nila kung saan nila nilibing si Chelsea ang sabi kasi ni Mommy hindi daw sila pina-attend sa burol ng parents ni Chelsea dahil sa galit na nararamdaman nila sa amin.
Napabuntong hininga ako. Nandito kasi ako sa forest park. Eto lang kasi ang alam kong may magagandang alaala kasama si Chelsea kahit nakipaghiwalay ako noon sakanya.
Ilang araw na din ang lumipas na ganito ang rounting ko. Hinahayaan na din naman ako ni Mom.
Naalala ko yung binigay sa'kin ni mommy na wallet ko nung naaksidente ako. Kaya naisipan ko bukas yung wallet ba iyon.
Natigilan ako ng makita ko yung picture. Halos manginig ang buong katawan. Imposible pero paano nangyari ito.
"Bakit wala man lang ako maalala?" Tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung paano pero sa nakikita ko siyang-siya ito. Hindi ako nagkakamali dahil sa picture ito ay naganap lang nung isang linggo.
Napangiti ako dahil sa pag-asa na nararamdaman kom Halata sa picture na ito na sobrang saya ko habang kasama siya. Hindi ko maiwasan mabuhayan ng loob dahil buhay siya.
Hindi nga ako namamalik mata kagabi. Talagang nakita ko siya mismo ng mga mata ko pero paanong nagyayari na buhay siya?
Huminga ako ng malalim basta sapat sa sakin na buhay talaga siya
"Kuya Novem?"
Napatunghay ako ng marinig kong may tumawag sa'kin pero laking gulat ko ng makita kung sino mismo sa harapan ko.
Talagang bang nasa harapan siya ? Hindi ba isang panaginip lang ito ? Talagang buhay siya ?
Unti-unti nararamdaman ko ang kasiyahan sa kalooban ko. Napadako ang paningin ko sa batang lalaki tumawag sa'kin.
Napangiti ako habang unti-unti ko nararamdaman ang pagpatak ng luha ko dahil sayang nararamdaman ko.
Hindi nga ako nagkakamali buhay na buhay siya kasama ang anak namin.
"C-chelsea."
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...