chapter 18

7.3K 190 21
                                    


Mikaela pov ..


Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga .Hindi parin kasi maalis sa isip ko yung nangyari kagabi . 

Napabuntong-hininga ako ng maalala ko 'yong sinabi niya.

"Imposible naman na magkagusto siya sa'kin!"bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko sinasadya mapahawak sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako bigla.


"Yung halik niya ... Parang kakaiba.." .

Hindi ko maipaliwanag kung ano meron sa mga halik niya . Pagkatapos kasi ng halik na iyon hindi ko na maiwasan maging bihasa kung ano ba ang irereact ko o ano gagawin ko kagabi.

Niyakap ko 'yong unan na binigay sa'kin ni Nathan. Naalala ko bigla si Nathan. Naaawa ako para sakanya hindi ko naman gusto hiwalayan siya pero minsan hindi ko na siya maintindihan.  Ang mas magulo pa 'yong nararamdaman ko  tuwing kasama ko si Novem. May kakaiba sakanya na hindi ko maipaliwanag.

Basta masyado na ako naguguluhan. Minsan napapaisip ako. Hindi kaya gusto ko din siya ?

"Hindi.. Hindi  baka naguguluhan lang ako .."

Napabalikwas ako ng marinig  kong bumukas 'yung pinto.

"Oh ano ginagawa mo dito Zhel?"tanong ko.

Halos maghabol na siya ng hininga ng pumunta sa'kin. Ano naman kaya meron dito sa batang 'to kung makahabol ng hininga eh akala mo hinahabol ng sampung kabayo ? "A-ate .. A-ate .. N-nandyan si panget ...   "  nauutal niyang sabi ..

Kumunot ang noo ko ng sabihin niyang pangit sino naman 'yon?
"Sinong panget Zhel?"tanong ko


."Tsaka bakit ba parang hinahabol ka  ng sampung kabayo?"

Napatawa ako ng ilagay niya ang dalawang kamay sa baweng sabay taas ng kilay .." Kasi ate nakita ko 'yong Jonathan hinahanap ka nga eh tapus tinanong ko kung bakit ang sabi naman niya gusto daw niya makipagbalikan sa'yo kaya agad tumakbo dito.." Mahabang paliwanag niya

"Kaya ate huwag ka na makipagbalikan dun sa panget na iyon kay Kuya Novem ka naman huh? Please .!"

Hindi ko maiwasan mapatawa lalo ng mag puppy eyes siya sa'kin.  Naagaw ang atensyon ko ng may kumatok sa pinto .. "Baby labas ka muna mag-uusap lang kami ng ate mo."

Nagtaka ako ng pumasok si mama at wala na nagawa si Zhel kundi lumabas  na lamang. Nginitian ko lang siya ng tumingin sa'kin pero nagpout lang siya . Napailing na lamang ako ..

"Bakit ka nakipaghiwalay kay Jonathan?" Bungad agad ni mama ng mapatingin ako sa direksyon niya. Hindi agad ako nakasagot kay mama. Kaya kumuha ako ng lakas ng loob upang sagutin siya.

"Ma sa totoo lang hindi ko na po maintindihan si Nathan kung ano ba nangyayari sakanya  tsaka nung isang araw nagawa na niya ako  saktan .."

"Saktan?"sambit ni mama bahagya napakunot ang noo sa'kin ni mama .." Sa paanong paraan ka sinaktan .. Baka may dahilan siya  kung ka sinaktan ?"

"Pero mama  nagawa niya na ako saktan dahil lang sa hindi ko siya pinagbigyan nung araw na pumunta kami sa bar tsaka kung hindi lang dumating si Novem nuon ba-----" nagulat ako ng pinigilan niya ako magsalita.

"Si Novem? Baka si Novem ang dahilan kaya nagagalit siya sa'yo?" Hindi ko maintindihan kung bakit pati si Novem dinamay na niya.

"Sabihin mo nga sa'kin Myka nakikipagkita ka ba du'on?" Nagtaka  ng tanungin ako ni Mama .

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon