Chapter 23

6.8K 192 24
                                    


Novem pov..

Hindi ko napigilan magwala sa kwarto ko.

"Fuck. Hindi ko na kaya."bulong ko sa sarili ko.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kama ko at nagpaisip-isip. Maya-maya pa nagulat nalang ako ng may pumasok sa kwarto ko. Nanlalabo na ang paningin ko kaya hindi ko na makita kung sino pa ang pumasok.

"Gosh, N-novem. Ano ba nangyayari sa'yo."

Napangiti ako ng makita ko si mom. Hinawakan ko ang mukha niya.

"Mom gusto ko na makalimot.." Sambit ko.

"Anak ano ba pinagsasabi mo?"

Hindi ko na pinansin si Mom dahil nakita kong may tumulo sa kanyang mga mata kaya agad ako tumayo. Siguro ang tama ko lang gawin ngayon ay makalimot muna dahil hindi ko kakayanin ang mga sususnod na mangyayari.

Miss na miss ko na talaga siya. Hindi ko pinansin ang ginawang  pagpigil sa'kin ni Mom at pagtatanong kung saan ako pupunta.

Hindi ko alam kung ano ba tumatakbo sa isip ko. Basta ang alam ko lang  walang pumapasok sa isip ko kundi gusto ko na makalimot.

Mabuti nalang at nandito yung isa namin kotse kinuha ko sa guard yung susi at dali-dali ko pinaandar.

Minsan pumapasok sa isip ko na mas mabuti siguro mawala na din ako pero sa tuwing iniisip ko sila mommy at mga malalapit kong kaibigan. Nawawalan ako ng lakas dahil alam kong masasaktan din sila ng dahil sa'kin.

Kaya naisipan ko pumunta sa bar at magpakalasing para kahit paano makalimot ako kahit saglit lang.

"Long time no see Novem ah ..what's up?"

Kumunot ang noo ko ng mapasulyap ako sa babaeng lumapit sa'kin hindi ko maiwasan tignan siya pataas at lababa pero biglang sumanggi sa isip ko si Chelsea kaya agad ko binawi  ang paningin ko.

Napataas ang balihibo ko ng himasin niya ang hita ko kaya agad ko inalis ang kamay niya.

"Oh come on.Alam mo ba namiss kita?" sambit sabay kapit sa braso kaya wala akong nagawa kundi tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Sino ka ba huh?" Inis na tanong ko sakanya.

Tinungga ko ang isang baso ng alak kaya naramdaman ko ang mainit na alcohol na dumaloy sa lalamunan ko.

"Again? I'm Faith. Hindi mo ba na naman ako naalala?" Inis na tanong niya kaya bahagya napakunot ang noo ko. Halata naman na hindi ko siya kilala ah.

"Bakit importante ka bang tao sa'kin upang alalahanin? Lumayo ka nga sa'kin kung hindi ka naman din si Chelsea."

"Chelsea? So, name niya pala iyon. Grabe nakadate mo lang ng isang linggo nagkakaganyan ka na ?"


Napataas ang kaliwang kilay ko. Ano pa pinagsasabi niya? Tsaka wala akong natandaan na nakipagdate ako nung isang linggo. Hindi ko siya pinansin pero maya-maya pa nainis ako ng hawakan niya ulit ang braso ko.

"Alam ko naman na hindi ka seryoso sakanya. "

Nainis agad ako sa sinabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at marahas siya tinignan.

"Huwag na  huwag mo  sasabihin yan dahil hindi mo alam kung gaano ko siya kamahal." Binitawan ko ang kamay niya at uminom ulit ako ng alak.

Hindi ko maiwasan mag-init ng ulo ko dahil sa babaeng uuod na ito. Akala mo kung sino makapagsalita na akala mo alam na niya lahat ng pinagdaanan ko.

"The question is mahal ka ba niya ?"

"Alam niya ako kaya tumigil ka na habang hindi pa nandidilim ang paningin ko sa'yo." Sarkastikong sabi ko sakanya.

"Are you sure? Malandi pala siya. Kung mahal ka niya bakit two timer siya?"

Napadiin ang kapit ko sa baso at hindi ko sinasadya basagin ito dahil sa inis na nararamdaman ko. Hinawakan ko ng madiin  ang braso niya.

" Hindi mo dapat sabihin yan dahil   hindi mo siya kilala. "

Halos napapakagat na siya ng labi dahil sa pagkakawak ko sakanya.

"Novem ano ba bro nasasaktan na siya." napasulyap ako sa nagsalita.

Napakunot ang noo ko at binitawan ko ang braso ng babae kanina. Nilapitan naman ni Kenizke yung babae kaya bumalik na ako sa  pagkakaupo ko kanina.

"Isa pa nga ulit ." sabi ko sa lalaki. Maya-maya naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at kinuha ang alak na dapat na iinumin ko na.

"Bakit ka nandito.?"

*********

Kenizke Pov ..

"Bakit ka nandito ?" sambit ni Novem sa'kin.

Hindi ko akalain na kaya na niyang manakit ng babae dahil sa nararamdaman niya.

"Hindi ako makapaniwala na kaya mo ng manakit ng babae ngayon." Inis na sambit ko sakanya.

Napasinghap ako ng agawin niya ang alak sa'kin at tinungga nalang basta-basta iyon.

" Hindi niya dapat ipamukha sa'kin na hindi ako minahal ni Chelsea dahil wala siya alam."

"Ano dahil lang dyan na nanakit ka ng babae ngayon. Oo alam kong playboy ka pero alam ko din na hindi mo kayang manakit ng babae !" Naiinis na pahayag ko sakanya.

"Tara umuwi ka na nagaalala na sa'yo si Tita."

"Ayoko .." Matigas  na sabi niya." Ano ba N-novem maawa ka naman sa sarili mo lasing ka na .."

"Bakit ba pati hanggang dito  sinusundan nyo ako. Gusto ko mapag-isa at makalimot hindi ba malinaw sa'yo iyo?"

Hindi ako nakaimik ng  sabihin niya iyon. Napabuntong-hininga nalang ako.  Siguro hahayaan ko muna siya magpakalasing bago ko siya iuwi.

Nagorder din ako ng inumin ko at humarap sa mga nagsasayawan. Napagtanto ko na ngayon lang din ulit ako  nakapasok dito sa bar simula ng naging kami ni Leanne.

Napangiti nalang ako
Two years na kami ni babe ko. Hindi ko iniexpect na magiging kami pero natutuwa parin ako na nakilala ko siya.

Napasinghap ako ng tumayo si Novem kaya naiwan na ako ng bayad sa lalaki at sinundan si Novem.

Napailing nalang ako ng paliko-liko siyang naglalakad.

Napadako ang paningin ko sa sasakyan at du'on sa babae papasok palang sa kotse lero napagtanto ko kung sino ang babaeng iyon. Sa dinami-dami ng panahon at oras bakit ngayon ba kung kaolan magulo pa ang lahat?

Kaya no Choice ako kundi tumakbo  at harangan si Novem pero mukhang nahuli na ako dahil binanggit niya na ang pangalan ng kinababaliwan niya ngayon

"Si.. C-chelsea?"

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon