Mikaela pov.Ilang araw na din ang lumipas mula ng pumunta kami sa Vical resort para magouting. Pagkatapos ng lahat ng sakit at luha ng sinayang ko sakanya , eto ako ngayon patuloy parin iniisip habang nakikipagtitigan ako sa kisame.
Ano ba magagawa ko kung pati sarili ko hindi ko kayang pigilan na isipin siya ng isipin ?Gosh naloloka na yata ako !?. And about kay Jeffrey.
Siguro dalawa or tatlo na kami lumalabas at kung saan saan pumupunta. Aaminin ko sobrang bait niya sa'kin at tinupad niya lahat ang mga sinabi niya pero sa tingin ko bigo siya dahil panghanggang ngayon hindi ko parin nakakalimutan si Novem.
Ano pa nga ba magagawa ko?
"Ate may naghahahanap sa'yo."
Napabangon ako ng marinig ko ang boses ni Zhel at bahagya tumingin sa kanya na nakangiti.
"Sino daw?" Tanong ko.
Hindi ako sigurado na siya talaga anak ko pero alam ko at ramdam ko na siya talaga Maya-maya nilapitan ko siya at niyakap siya ng mahigpit.
" Grabe na miss kita ng sobra !" Sambit ko.
Napadaing siya sa sakit dahil sa mahigpit na yakap ko sakanya, kaya dali-dali ako kumalas sa pagkakayakap sakanya.
"Sorry." Sambit ko sabay pisil sa pisngi niya. Napakunot ang noo niya kaya hindi ko sinasadya napatawa. Napagdesisyonan ko na puntahan nalang ang sinasabi ni Zhel. Pagkabukas ko ng pintuan hindi na ako nagulat dahil ilang araw naman din ganito ang set namin ni Jeffrey.
"Sige pasok ka." Sambit ko. Pinaupo ko muna siya at dinalhan ng juice.
"So saan pala punta natin?" Tanong ko. Napangiti siya kaya hindi ko napigilan mapangiti dahil sa totoo lang nakakahawa ang mga ngiti.
"Actually ipakilala kita kila Mom and dad. "
Hindi ko naiwasan mapanganga dahil sa sinabi niya.
"A-ako..?" Naiilang na tanong ko habang tinuturo ko ang sarili ko. Napatungo siya kaya wala na ako nagawa kundi pahintayin siya dahil magbibihis pa ako.
Nagsuot ako ng simpleng pink dress. Pagkatapos ko mag-ayos dahil nakakahiya naman kung jeans at T-shirt lang ang isuot ko lalo na kung makikimeet ako sa parent niya.
Napangiti siya ng makita ako kaya tinaasan ko lang siya ng kilay .. " Halatang hindi pinaghandaan .." Aniya.
Inirapan ko siya." Shup up." Sambit ko.
'' Aaminin ko ang ganda mo ngayon lalo na kung simple lang ."
Hindi ko naiwasan mapangiti dahil sa sinabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Naiiling nalang ako habang pumapasok. Umikot siya agad at pumasok na din.
Nagsimula na niyang paandarin ang kotse niya hindi ko maiwasan mapatanong." Bakit mo nga pala ako ipakilala ?" Sambit ko.
Kumunot ang noo ko ng napangiti siya sa sinabi ko at tinuon ang pansin sa harap. Umismid lang ako sa upuan ko at tumingin sa bintana dahil hindi niya man lang ako sinagot ang tanong ko.
"Haha... Fine .. Birthday kasi ni Mom tsaka gusto ko kitang ipakilala sa kanila .."
Napataas ang kilay ko at tumingin sa kaniya na may halong pagtataka.
" Bakit naman gusto mo ako ipakilala sa kanila?" Tanong ko ulit. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya.
Pagkarating namin sa bahay nila ay nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko malaman na dahilan.Nguminga ako ng malalim bago kami pumasok sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...