Mikaela Pov.
"Papaanong --"
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil para sa'kin hindi ko kayang banggitin or sabihin. Naiinis ako lalo sa sarili ko.
"I'm sorry baby. Mas nalugi ang company natin dahil sa nangyari sa Mommy."
"P-pero bakit? D-dahil sa kakahanap sa'kin at nawalan kayo ng pag-asa kaya na...nabaliw siya?"
Halos manginig ang kamay ko ng itakil ko ito sa bibig ko. Oo aaminin ko na hindi ko ginusto ang mga nangyari pero sobra naman yata? Hindi ko akalain na mababaliw si Mommy dahil pagkawala.
Maya-maya naramdaman ko ang paghawak ni Novem sa braso kaya marahan ko siya tinignan. Kitang-kita ko sa mata niya ang awa kaya napaiyak ako lalo.
" N-novem kasalanan ko ito kung sana---"
"Ssh.." Sambit niya sabay yakap sa'kin. Naramdaman ko ang malalalim niyang hininga.
" Hindi mo kasalanan kaya huwag mo sisihin ang sarili mo dahil sa una palang ako talaga ang may kasalanan kung hindi sana kita."
Napailing ako sa sinabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Napakagat ako ng labi ng makita kong pulang-pula ang mata niya.
" Ano ka ba Novem!"inis na sambit ko sakanya.
Napabuntong-hininga ako bago ulit ako tumingin kay Dad na tahimik na nakamasid sa amin dalawa.
" Kailan pa nangyari ito Dad?" Tanong ko kay Daddy. Nakita ko siyang napahugot ng malalim na paghinga.
"Two years ago." Sambit ni Dad. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi pa pumapasok sa sistema ko lahat na nangyari ngayon. Napakagat ako ng labi para maiwasan ko ang panginginig ng labi ko. Napapikit ako bago ulit ako nagsalita.
"Dad gusto ko po siya makita .."
*******
Napabuga ako ng hangin ng makarating na kami sa mental hospital. Nakita ko agad sa mukha ni Dad ang takot sa hindi ko malaman na dahilan.
Dahan-dahan ko hinahakbang ang paa ko papasok sa loob. Habang nagiisip ako sa pwede mangyari nagulat nalang ng may humawak sa kamay ko.
Napataas ang kilay ko ng makita kong kamay iyon ni Novem.
"After this magdate tayo ah?" Aniya. Mas lalo napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Umiling ako bilang sagot sakanya dahil kailangan ko pa makipagkita kay Jeffrey para sabihin sakanya ang desisyon ko sa offer niya.
"Pero bakit?" Napasulyap ako kay Novem na kasulukuyan na nakapout kaya napairap nalang ako sa ginawa niya.
"May kakausapin lang ako." Bored na sambit ko.
"Sino naman ?" Tanong niya ulit. Napabuntong hininga ako at sinulyapan si Dad kasulukuyan nasa harapan namin.
"Bawal pumasok! Mr. Valenzuela nandito na naman kayo."
Kumunot ang noo ko sa babaeng humarang sa daanan ng Daddy ko kaya binilisan ko ang paglalakad ko para maharap yung makapal na mukha na babae.
"Please kahit ngayon lang ulit kasi nandito na ulit ang anak ko."
Hindi ako makapaniwala na nagmamakaawa si Daddy sa ibang tao kung dati-dati yung mga emplyedo niya ang nagmamakaawa. Nakalapit agad ako pwesto ni Daddy at akmang ibubuka ko palang ang bibig ko ng biglang may sumingit.
"Ma'am pagbigyan nyo naman."
Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa ni Novem. Hindi ko alam kung nangaakit ba siya o sadyang malandi lang ? Pero kung ano'man sa dalawa sa tingin ko parehas lang.
"Landi .." Bulong ko sa sarili ko. Napailing ako at hindi sinasadya mapataas ng kilay dahil biglang kumislap yung mata ng babae dahil sa kasama naming malandi.Nakakainis pati ba naman dito ginagamit niya ang charms niya?
"Ah.. Eh .. Sige po .. "
Napataas ang kilay ko ng pumula ang pisngi ng babae. Nang marahan na tumingin sa'kin yung babae inunahan ko na inirapan.
Pagkatapos na scene na iyon agad ko sinundan si Daddy kaya habang tumatagal kinakabahan ako.
"Kinakabahan ka ano?"
"What do you think?" Inis na sambit ko sakanya. Maya-maya naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya agad ko tinanggal iyon.
" Selosa. "rinig kong sinabi niya. Hindi ko na siya pinansin dahil nakatuon ang pansin ko sa tinigilan namin kwarto .
Sumulyap sa'kin si Daddy bago ulit ituon bg pansin sa pagbukas ng pintuan. Naabutan namin ang isang babae na naupo sa gilid ng bintana at tahimik na nakatingin sa bintana.
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko
"Hon.."
Maya-maya nakuha namin ang atensyon niya ng tawagin siya ni Daddy. Agad sumilay sa kanyang labi ang isang ngiti.
"Honneeeey.!"
Sinalubong si Daddy ng isang mahigpit na yakap. Kaya napatawa ako ng palihim.
"Honey bakit ngayon ka lang ulit ah! Alam mo ba inaaway nila ako dito tsaka nakita mo na ba anak natin?"
Kinabahan ako ng tanungin na ni Mommy kung nakita na ba ako ni Dad at du'on ko lang napagtanto na hanggang ngayon pala umaasa parin si Mommy na mahahanap nila ako.
Maya-maya napasulyap sa'kin si Mommy at yung ngiti niya kanina ay bigla nalang nawala. Nakaramdam ako ng sakit dahil bakas sa mukha niya ang pagtataka na para bang pinaparating niya sa'kin na hindi niya nakilala.
"Sino siya honey ? Babae mo ba yan huh!? Pero bakit kamukha siya ng anak natin?" Sambit ni Mommy.
Nabuhayan ang ngiti sa'king mukha kaya naglakas ako ng loob na lapitan siya at yakapin siya ng mahigpit.
"Hon nahanap ko na si Chelsea bumalik na sa atin ang anak natin."narinig kong sambit ni Daddy.
Napapikit ako sa mariin at napangiti ng napakalaki-laki. Kahit hindi niya ako niyakap na pabalik okey lang sa'kin dahil nayakap ko siya.
"Hindi!"
Nagulat ako ng tulakin niya ako at sabunutan ng mariin. Halos mangiyak-ngiyak ako sa sakit ng pagkakasabunot sa'kin pero wala pang nakakasakit ng magreklamo na siya.
"Hind.. Hindi ko ito anak honey!! Impostor ito. Sinungaling! Manggamit!! Bakit mo kinukuha ang mukha ng anak namin! Ano para makahinga ka ng pera!?"
Napatulo ang luha ko ng patuloy parin niya ako sinasabunutan at sinampal. Naramdaman ko ang paghahapdi ng pagkakasampal niya.
"Hon , tama na nasasaktan ang anak natin!"
Sinusubukan pari ni Daddy na tanggalin ang pagkahawak sa'kin ni Mommy at naramdaman ko na tumulong na din si Novem.
Hindi nagtagal natanggal na din nila Daddy ang pagkakahawak sa'kin ni Mommy kasabay ang pagkarating ng nurse.
Napaiyak ako lalo ng makita ko ang galit sa mata niya. Maya-maya niyakap ako ni Novem pero nakaharap parin ako kila Mommy kung saan pinipigilan na siya dahil patuloy parin siya nagwawala. Hanggang sa may tinurok sa kanyang braso na siyang dahilan upang mapakalma siya.
Napahagugol ako ng makita kong unti-unti na maging inosente ang mukha ni Mommy pero bago pa niya maipikit ang mata niya nakita ko ang pagtulo ng luha niya kaya natigilan ako pero may sinabi siya na naging dahilan upang masaktan ako at hindi ko maiwasan mapahikbi dahil hindi ko matanggap ang mga sinabi niya tungkol sa'kin.
"Hindi siya si Chelsea! Hindi siya ang anak natin kaya please hanapin mo anak natin, Honey.."
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...