Chapter 39

7.2K 211 17
                                    


Novem pov.

Hindi ko maintindihan ng sarili ko kung bakit hindi parin maalis sa isip ko ang lahat ng mga sinabi ni Mikaela.

Meron kasing kakaiba sa lahat na sinabi niya na para bang---..

"Hayyy Babyyyy"

Napabalikwas ako ng biglang pagbukas ng pintuan. Bago pa ako makareact laking gulat ko ng may yumakap sa'kin ng mahigpit.

"Baby I miss you!!"  Napapakit ako ng mariin dahil sa higpit ng yakap niya kaya dahan-dahan ako kumalas sa pagkakayakap niya sa'kin.

"Sandra.."tawag ko sa pangalan niya kaya hindi niya naiwasan magtaka at pagtaasan ako ng kilay.

" What is your problem baby?"aniya.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil wala ako sa mood upang makipaglokohan sakanya. Umayos ako ng pagkakaupo ng maramdaman kong tumabi siya sa'kin.

Maya-maya  naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at sumandal sa balikat. Napabuntong hininga nalang ako ng wala sa oras.

Sa isang taon na lumipas ang dami nagbago dahil nandito yung unti-unti kong pagtanggap na wala na talaga si Chelsea at sa isang taon na lumipas hindi ko akalain na magkikita ulit kami ni Alexandra ang childhood friend ko. Hindi ko rin inaasahan na magkakabalikan kami hindi dahil sa mahal ko pa siya dahil naguguluhan pa ako nung panahon na hilingin  niya sa'kin na magbalikan kami.

Minsan napapaisip ko gusto ko balikan nung araw na umalis ako dito sa Pilipinas.  Bakit kamo?
Yun ang hindi ko alam ang  dahilan. Dahil nung umalis ako sa Pilipinas at pumunta ako sa America.. Du'on ko naalala lahat.

Naalala ko lahat lahat kung paano kami nakilala ni Mikaela last year ago pero ang nakakapagtaka lang ng  una kami nagkita sa forest Park kung saan sa part din ng una kami nagdate ni Chelsea ng seryoso at kung saan nakipagbreak din ako  Chelsea.

Kaya hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko dahil sa pagpipilit ko sakanya na siya talaga si Chelsea pero mali ako dahil all this time siya talaga si Mikaela.

Hindi ko rin inaasahan na naging playboy ulit ako ng mawalan ako ng alaala after ng accident at mas hindi ko inaasahan na may nangyari din pala sa amin ng Mikaela na iyon ..

"Baby  may problema ka ba talaga ?"

Napangiwi ako ng magsalita na si Sandra sa taenga ko kaya hindi ko maiwasan pagtaas ng balihibo ..

''O-okay lang ako." sambit ko. Umayos ako ng upo tsaka tumikhim upang maiwasan ko ang paguutal.

Mas nakilabutan ako ng laking gulat ko ng halikan niya ang leeg ko kaya agad ako umiwas sakanya. Kaya hindi niya maiwasan pagkunot ng noo niya.

"Baby alam ko gusto mo ng ganun bakit ngayon parang  nadidiri ka? May problema ka ba?"

Hindi agad ako nakaimik sa sinabi ni Sandra at marahan na tinitigan siya . Sa totoo lang naguguluhan ako sa relasyon namin ni Sandra. Hindi ko alam kung tama pa ba ito ipagpatuloy o hindi?

Aaminin ko wala ako nararamdaman kay Sandra dahil si Chelsea parin kahit tanggap ko na wala na siya.

Narinig ko siya huminga ng malalim at maya-maya nginitian niya ako." Fine mukhang wala sa mood pero sa totoo lang masaya ako at akin ka na ulit.." aniya.

Nakatingin lang siya ng direksyo sa mga mata ko tsaka hinawakan ang isa kong kamay.

"Masaya talaga ako Novem at mahal na mahal kita."

Napailing ako sa sinabi niya kaya nawala ang mga ngiti sa labi niya. Hindi ko maiwasan kumuha ng malalim na paghinga.

"Sa tingin ko Alexsandra. I'm not deserving for your love dahil aaminin ko naguguluhan ako ngayon." Mahinahon na sambit ko sa kanya.

Naiinis ko sa sarili ko ngayon kung bakit tumatak sa isipan ko ang mga sinabi sa'kin ni Mikaela kanina at nakita siyang nasasaktan sa taong hindi ko alam kung sino pero pakiramdam ko a--..

"What do you mean ?"narinig kong tanong ni Sandra kaya napapunta ang atensyon ko sakanya.

Dahan-dahan ako lumapit sakanya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"I'm sorry hindi kita mahal kahit gusto man kitang mahalin pero hindi ko magawa dahil siya parin. Siya parin ang nilalaman ng puso ko at ayokong  lokohin ang sarili ko at mas ayokong lokohin ka."

"What?! Hindi kita maintindihan ! Ano gusto mo iparating sa'kin?"

Napapikit ako ng saglit upang lakasan ng kalooban ko dahil gusto ko magpakatotoo sa sarili ko." Naguguluhan ako sa relasyon natin dalawa at ayokong magkalokohan tayong dalawa. Oo mahal mo ako pero ano pa silbi ng pagmamahal mo sa'kin kung hindi man lang kita mahal."seryoso kong sinabi sa kanya. Hindi siya agad  nakaimik dahil panghanggang ngayon nakakunot parin ang noo niya.

Kaya wala ako nagawa kundi ang mapabunting hininga." Ang gusto ko sana iparating sayo na gusto ko na makipaghiwalay sayo dahil hindi kita magawang mahalin. Alam ko masakit para sa'yo ang gagawin ko pero ano magagawa ko kung  hindi kita talaga mahal. Kaya sana maintindihan mo."

Sa huling sinabi ko sakanya at nakita ko ang mga luha mata  kaya napabuntong hininga ako at dahan-dahan ako tumayo at tinungo ang pintuan.

Mga ilang sandali narinig kong binanggit niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa. Agad ako pumunta sa kotse ko at naisipan pumunta sa condo ni Kenizke.

Mga 30 minutes nakarating din agad ako at dali-dali tinungo ang  condo niya. Huminga ako ng malalim at kinatok ang pintuan niya.

Maya-maya agad nagbukas din yung  pintuan.  Nagulat pa ako ng  yung girlfriend pa ni Kenizke yung nagbukas.

"Ano ginagawa mo dito?" Bungad niya agad sa'kin ng girlfriend ni kenizke kaya napailing ako at pumasok nalang basta basta sa loob. Umupo agad ako sa sofa at sinandal ang ulo ko.

"Nasan si Kenizke?"tanong ko sakanya kahit nakapikit pa yung mga mata ko.

"Nasa kwarto niya may kinukuha lang ." Bored niyang sambit sa'kin

Hindi ko na siya inimikan at inisip yung nangyari kanina. Hindi ko alam kung tama ba na iniwan ko siya sa condo ko pero kasi kapag hindi ko siya iniwasan baka hindi ko maiwasan maawa sa kanya.

Huminga nalang ako ng malalim. Maya-maya may naramdaman ko ng vibrate kaya hindi ko maiwasan mapamulat ng mata at nakita ko yung cellphone na nasa gilid lang  hindi ko sana papansinin iyon pero natigilan ako ng makita ko kung sino tumatawag ..

Dali-dali ko kinuha yung cellphone at bahagyang kumunot ang noo ko kasabay ang pagtibok ng puso ko ng mabilis.

Chelsea Calling ........       



Kahit nagtataka ako kung bakit Chelsea ang tumatawag. Hindi ko maiwasan ang sarili ko na sagutin iyon . Maya-maya narinig ko ang paghikbi ng isang babae hanggang sa nagsalita na ito at laking gulat ko ng mapagtanto ko kung kaninong boses.. Anong--..

"L-leanne? *sniff*  n-nasan ka?...
P-..pwede mo ba ako samahan dito sa Forest P-park .. Kasi ..*sniff* Hindi ko maiwasan masaktan sa lahat ng nalaman ko after 3 years ago ng naaksindente kami ni  N-novem. *sniff* bakit ganun ? Ang sama nila bakit sila naglihim sa'kin? Paano nalang kung .. Kung hindi bumalik ang alaala ko ?  P-paano ko nalang malalaman ang pagkatao ko? K-kung sino ako? Pero ang pinakamasakit sa mga  nalaman ko sa lahat kung saan nalaman ko kung papaano nila ako nakita  ay yung inaakala kong nabuhay yung anak namin dalawa ni Novem pero nagkamali ako dahil wala na yung anak namin. N-nawala siya yung time na dinala ako sa hospital."

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ng marinig ko ang sinabi niya. H-hindi pala ako nagkamali sa inaakala ko dahil tama ako. Napangiti ako kasabay ang pagpatak ng mga luha ko.

"Novem bakit na sa'yo yung Cellphone ko ?"

Napasulyap ako sa  may kusina at nakita ko yung girlfriend ni Kenizke .Narinig ko ang pagpatay ng linya sa telopono.

Dali-dali ako tumayo at hindi na pinansin ang sinabi ng girlfriend ni kenizke agad ko tinungo ang pintuan.

Sa ngayon  kailangan ko siya puntahan para malinawan ako sa lahat ng narinig ko ngayon. Sana  hintayin niya ako.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon