Chapter 37

6.8K 195 7
                                    


Mikaela Pov.

"Huh?"

Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at halos  malaglag na ang panga ko dahil sa sinabi niya.

"Alam ko mabilis but I like you ..."

Hinawakan niya pa ang isa kpng kamay at marahan na tumingin sa mata ko. Napapikit ako at kinagat ang lower lip ko na nagbabakasakali na nanaginip lang ako pero hindi dahil sa simula palang hindi na ito paniginip.

"Uhmm.
baka nalilito ka lang Jeffrey?"

Umiling siya kaya hindi ko naiwasan mangamba. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. Basta inisip ko muna ang mga sasabihin ko sa kanya bago ako magbitaw ng sasabihin ko.

Humininga ako ng malalim bago ako  nagsalita .

"Oo gusto ko makalimutan siya pero hindi sa ganun paraan.Aaminin ko hindi ako karapar-dapat sa'yo at ayoko kitang saktan. " Mahinahon na sabi ko sakanya. Nakita ko ang paglungkot ng mata niya at unti-unti pagbitaw niya sa kamay ko.

Huminga siya ng malalim at tahimik na tumingin sa langit. Kaya wala din ako nagaw kundi gayahin siya. Ang hirap man sabihin gusto ko makalimutan si Novem pero hindi sa ganuon paraan.

"Naiintindihan ko ang gusto mo iparating pero handa ako masaktan o magpakagamit basta huwag ka lang makitang nasasaktan dahil sa lalaking iyon. Hindi siya deserving para sa mga luha mo at lalong-lalo na ang pagmamahal mo."

"Kaya  bibigyan nalang kita ng konting oras para mapagisip sa sinabi ko dahil alam ko nabigla ka pero seryoso ako sa mga sinabi ko."

Hindi ko magawang makapagsalita sa mga sinabi niya hanggang sa hinatid niya na ako sa bahay. Katahimikan lang ang bumalot sa amin lalo na nung pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"T-thank you." Naiilang na savi ko sakanya. Dahan-dahan ako naglakad patungo sa gate namin pero hindi pa ako nakakalimang hakbang ng hawakan niya ng kanang braso ko.Tinignan ko siya sa mata niya kung nanduon parin ang lungkot pero kumunot ang noo ko ng pilit siya ngumiti sa'kin.

"Salamat dahil pumayag ka sumama sa'kin pero sana pagisipan mo ang offer ko sa'yo dahil seryoso ako sa bagay na iyon."

Napabuntong hininga nalang ako at marahan na pumikit saglit. Pagkamulat ko ay agad ako tumungo bilang sagot kaya dali-dali niya ako niyakap ng mahigpit.

"Thank you Mikaela .."

Ngumiti lang ako ng kumalas na siya pagkakayap sa'kin. Nagkatitigan kami saglit bago ko napagdesisyonan na pumasok na. Pagkapasok ko palang ay agad ako dumiretsyo sa kwarto ko at  dali-dali ako humiga sa malambot kong kama.

Napabuntong hininga ako. Ano kaya gagawin ko?  Hindi ko alam kung papayag ba ako sa offer ni Jeffey pero..

Hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal.

*****

Pagkatapos ng class ko ay nagtungo sa forest Park dahil sa totoo lang gusto ko mapag-isa para man lang magpahinga ang utak ko sa kakaisip sa sinabi ni Jeffrey ng isang araw.

Nagtungo agad ako sa Favorite place ko at umupo sa Bench. Nakahinga ako ng maluwag habang nakasandal ako sa bench.

Dahan-dahan ko pinikit ang mata ko at pinakiramdam ang masarap na simoy hangin.

"Sana ganito nalang palagi ." Bulong ko sa sarili ko. Kinapa ko yung singsing na nasa bulsa ko tsaka ko minulat ang mata ko.

Napangiti ako ng mapakla. Pinagmasdan ko  hanggang sa nakita ko yung nakaukit na  pangalan namin dalawa ni Novem.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon