chapter 25

7.2K 234 30
                                    

This chapter is dedicated to @xyrill_27 ... Thank you sa mga comment .
. nakakatuwa lang gumising tuwing umaga  dahil nababasa k yung mga commet mo-niyo .. Sana huwag kayo maiinip sa pahihintay sa nga update ko  at sana hindi kayo magsawa sa pagiging pabitin ko.. Hahah ..

Kapag may time ako edit ko sa conputer  ang bawat chapter na may dedicate.. Okey lang ba ?  Hahaha sana magustuhan mo..

Enjoy....


Mikaela pov .

Ilang araw  na lumipas simula ng nakipagbalikan ako kay Nathan at simula nun hindi  ko na nakita si Novem kahit sa school.

Kaya naisipan kong ipasyal si zhel dahil wala sila mama at papa sa bahay ng nakita ko si Novem dito ay nagulat nalang ako ng banggitin niya yung pangalan na iyon.

"C-chelsea ikaw nga ..."

Kumunot ang noo ko ng sabihin  niya ulit iyon. Teka. Bakit feeling ko pamilyar sa'kin yung pangalan na iyon ?

Nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit tila't sabik na sabik siya sa mga yakap ko hindi ko alam kung bakit ba may nag-iba sakanya na hindi ko maipaliwanag.

"Hindi mo lang alam Chelsea gaano ako nagluksa ng malaman kong patay ka na dahil sa aksidente nangyari sa atin dalawa pero ngayon nandito ka na sa harapan ko at buhay na buhay ay hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko."

Sobra ako nagtataka kung ano ba pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung saan ko narinig yung pangalan na Chelsea?

"Novem ano ba pinagsasabi mo huh? Tsaka hindi naman ako naaksidente na kasama ka ah."

Naguguluhan siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin at unti-unti nawawala ang mga ngiti sakanyang labi. Hindi ko alam pero parang nagsisisi tuloy ako na nawala ang magandang ngiti niya.

"Huwag ka nga magbiro ng ganyan Chelsea."sambit niya at ngumiti sa'kin. Niyakap niya ulit ako.

"Chelsea alam mo bang miss na miss na kita ?"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya kaya agad ako kumalas sa mga yakap niya.

"Novem ano ba nangyayari sa'yo huh?" Hindi ko maiwasan mainis dahil sa kinikilos niya.

"Bakit parang  nag-iba ka na Chelsea parang hindi na ikaw yan ah?"

"Huh? Eh ikaw nga ang hindi ko maintindihan. Tsaka hindi ako si Chelsea."

Nagtaka ako ng tumawa siya at marahan ako tinitigan.Nakaramdam ako ng pagkakailang dahil sa titig na pinupukol niya sa'kin. Hindi ko maiwasan bumilis ang tibok ng puso ko na parang bang meron kakaiba sa mga tingin niya. Ano ba nangyayari sakanya ? Iniwas ko ang paningin ko dahil hindi ko na kayang makipagtitigan sakanya.

"Huwag ka nga magbiro Chelsea. Naalala mo naman ako dahil nasasabi mo ang pangalan ko kaya imposible  na nakalimutan mo ang lahat!!"

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magulahan sa pinagsasabi niya.

"Hindi naman kita nakalimutan tsaka kakakilala lang natin this year kaya paano naman kita makakalimutan?" umiling siya sa mga sinasabi ko.

"Hindi imposible  matagal na tayo magkakilala. Magkaclassmate pa tayo nung 1st year college na tayo."

"Novem hindi na kita maintindihan .. Kakagraduate ko lang last year ng high school tsaka 1st year college palang ako. Hindi ako si Chelsea .. Mikaela ang pangalan ko .. 17 years old palang ako. Diba alam mo naman iyon dahil iisa lang ang school ng pinapasukan natin? "  Sambit ko.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon