Mikaela Pov..
Nakahinga ako ng maluwag ng tumila na yung ulan. Nandito ako ngayon sa forest park dahil ito agad naisip kong puntahan namin ni Novem.
"Oh ice cream para mabawasan yang nararamdaman mo .."
"Thank you.." Sambit ko.
Tumungo lamang siya bilang sagot sa'kin at tumabi sa'kin.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pagkatapos na nangyari kanina. Alam ko hindi lang ako nasaktan pati si Nathan.Hindi ko sinasadyang mapabuntong-hininga ang sakit isipin na nag-iba na si Nathan.
Napasulyap ako kay Novem na tila may iniisip din habang kumakain ng ice cream tulad ko.
Hindi ko mapigilan magtanong ...
"Ano iniisip mo?"
"Ako .?"sambit niya sabay turo sa sarili. Tumungo lang din ako bilang sagot.
"Iniisip ko may nanakit palang mga lalaki. Ako kahit may pagkaplayboy ako hindi ako nanakit ng mga babae dahil may respeto ako."
Umiwas ako sa mga titig na pinupukol niya sa'kin dahil hindi ko kaya ang mga titig na iyon .Alam ko naman may respeto siya pero minsan lang. Napayuko na lamang ako at naisip ulit sa nangyari kanina.
"Hindi ko maintindihan kung ano ba nangyayari sakanya dahil nitong nakaraan araw parang hindi ko na siya kilala ibang-iba na siya .."
"Sorry dahil hindi ko sinasadya mangialam sa relasyon niyo pero ng makita ko na sinampal ka. Hindi na ako makatimpi kaya nakisali na ako .."
Napatunghay ako at hindi ko maiwasan ngumiti ng makita ko siyang nakangiti sa'kin minsan napapaisip ko nakakahawa din ang mga ngiti niya.
"Pero nakakapagtaka lang bakit mo ba ako nililigtas sa mga bagay nakakasakit sa'kin. Ano ba dahilan at ginagawa mo sa'kin ito pero lubos ako nagpapasalamat sa'yo."
Hindi siya agad nakaimik ng tinanong ko sakanya iyon. Bigla lumungkot ang mga mata niya at bahagya napaubo. Kumunot noo ko pero lubos na ako nagtataka ng sunod-sunod na ito ..
"Bakit ano problema?" Takang tanong ko sakanya. Agad ko siya hinawakan sa noo .Napalaki ang mata ko ng maramdaman ko ang sobrang init nito.
"Omg nilalagnat ka .."
"Hindi okay lang ako tsaka kaya ko pa naman.."
Tumayo agad ako at hinawakan siya sa kamay ... Habang hila-hila ko siya hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko dahil sa'kin nagkasakit siya ..
"Kaya mo ba magdrive ? Tara at sasamahan kita sa bahay nyo?"
Kinabahan ako ng titigan niya ulit ako pero maya-maya lamang ay sumakay na din siya sa motor niya ..
Mabilis agad kami nakarating sa bahay niya. Hindi ko alam kung condo niya ba ito basta feeling napakapamilyar ng lugar sa'kin ..
Pagkapasok agad namin pinaupo ko agad siya sa sofa at dali-dali ako pumunta sa drawer niya at kumuha ng damit niya.
"Novem kaya mo pa ba tumayo? Kailangam mo magbihis para hindi ka masyadong ginawin?"
Halos nakapikit na siya ng pinipilit ko siya tumayo. Halata ko na din nanghihina siya. Pilit siya tumayo at tinignan ako.
"Paano ikaw baka magkasakit ka na din."
Umiling lang ako at inalalayan siya tumayo. Ramdam na ramdam ko ang init niya ng magdikit ang mga balat namin.
"Huwag ka na masyadong magalala sa'kin manghihiram nalang ako sa'yo ng damit tsaka hindi naman masyadong nabasa 'yong jeans ko .."
Hindi na siya nakaimik dahil nakapasok na siya sa banyo .. Habang hinihintay ko siya ay tinignan ko ang kitchen nila kung ano pwede lutuin buti na lamang at kumpleto ang rekado.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...