Mikaela povHalos nanginginig ang buong katawan ko ng lumabas ako sa kotse. Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hininga dahil na din sa kabang nararamdaman ko.
Hindi ako kinakabahan dahil lamang sa parents ni Novem dahil naipaliwanag ko na din sa kanila kung paano ako nakaligtas sa aksindente at paano ko nalaman ang buong pagkatao ko.
Kinakabahan ako dahil alam ko sa sarili ko na ngayon lang ulit ako nakatapak sa lugar na ito- sa malaking bahay na ito. Almost 4 years na ako hindi nakakapunta dito.
"Okay ka lang?"
Napalingon ako kay Novem na nakangiti sa'kin pero alam kong may halong lungkot sa ngiting nyan iyon. Hindi agad ako umimik dahil hindi ko maiwasan mapatitig sa magaganda niyang mata. Nakita ko siyang ngumuso kaya napangiti ako sa kanya.
"Hayys. Ang cute mo talaga kapag nakangiti." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko kaya kumunot ang noo ko sakanya.
"Chelsea palaging mong tandaan na nandito lang ako kaya huwag ka na matakot na harapan ang mga magulang mo okay?"
Napabuntong hininga nalang at napapikit saglit at marahan na ngumiti sakanya at tumungo. Habang naglalakad kami papuntang gate ay nakaramdam ako ng kalungkutan sa bahay na ito kaya hindi ko maiwasan mag-alala kung ano ang mga nangyari after ng aksindente na iyon.
Si Novem na mismo ang nagpindot ng doorbell pero nakailang beses na siya nagpipindot sa doorbell wala parin lumalabas sa bahay na iyon.
Napagtanto ko na bukas ang pinto ng bahay.
"Novem tara pumasok nalang tayo."sambit ko. Tumungo siya kaya sinumulan ko na ang paglalakad.
Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko kaya naramdaman ko na naman ang pag-abnormal ng tibok ng puso ko tuwing ginagawa niya ito.
Pagpasok palang namin sa loob laking gulat ko ng walang kagamit-gamit sa loob pati sa sala wala na. Sinubukan din namin pumunta sa kitchen pero ganun din wala gamit na nakalagay.
Hindi nagtagal naramdam ako ng takot dahil wala na akong alam sa nangyari kila Daddy at Mommy.
"Chelseatignan nalang natin sa taas." Napatungo nalang ako sa sinabi ni Novem.
Bawat hakbang ko pataas siya din ang pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. Maraming pumapasok sa isip ko na pwede maging mangyari pero hindi ko maiwasan na sisihin ko ang sarili ko.
Pagtung-tong palang namin sa taas ay may isang lugar na nakakuha ng atensyon ko walang iba kundi ang kwarto ko. Naabutan kong kasi itong bukas.
Agad kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa lugar na iyon. Kahit nagdadalawang-isip ako buksan ang pintuan ng kwarto ko ay huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan na iyon.
Sa pagbukas ko na pintuan ng kwarto ko nagtaka ako kung sino ang nakaupo sa gilid ng kama ko pero ng ilang sandali na nakuha namin dalawa ni Novem ang antensyon ng taong iyon.
Napalaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking iyon halong napalitan lahat ang pangangamba ko ng makilala ko ang lalaking nakatayo sa harapan namin at tila na nakita ng multo.
Kung dati-dati nakasuit siya palagi pero ngayon nakasuot nalang siya ng ordinaryong damit. Halos hindi ako makapaniwala na sa wakas kaharap ko na ulit siya. Pagkalipas ng apat na taon eto at nagkita ulit kami.
Daddy.
"C-chelsea?"
Napangiti ako ng marinig ko ulit ang boses ni Daddy lalo na ng banggitin niya ang pangalan ko.
"D-daddy."
Pagkabanggit ko ang Daddy dali-dali lumapit sa'kin si Daddy kaya agad ako bumitaw sa pagkakahawak ko kay Novem upang salubungin ng yakap si Daddy.
Napapikit ako ng mariin ng nayakap ko na din siya. Halos nakangiti akk habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.j Ang tagal ko na din pinangarap na marayakap muli si Daddy ang tagal na din ang lumipas ng mayakap ko siya. Grabe miss na miss ko na si Daddy.
"D-daddy miss na miss ko na po kayo sobra. " Sambit ko. Hindi ko napigilan ang mapahagulgol dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Ilang minuto din kami nagyakapan ni Daddy bago kami kumalas sa pagkakayap namin.
Nakangiti ako habang pinupunasan ang mga luha ko na wala parin tigil sa pagpatak pero nakakalungkot lang isipin na pumayat si Daddy at pansin ko sa mukha niya ang sobrang stress."C-chelsea , anak? Ikaw ba talaga iyan? Hindi ba ako namamalik-mata lang?"
Umiling ako sa sinabi ni Daddy at hindi parin maalis sa mukha ko ang ngiti .. "H-hindi Daddy. Hindi ka namamalik mata ako po talaga si Chelsea." Sambit ko pero bakas sa boses ko ang pagkautal.
" P-paanong nangyaring nabuhay ka ?"
"Daddy nakaligtas po ako sa aksindente at----"
Sinabi ko kay Daddy ang lahat na nangyari sa'kin mula ng naaksindente kami ni Novem hanggang sa pagkikita namin ni Novem at nung panahon na naalala ko na kung sino talaga ako wala akong pinalampas na kahit anong bagay dahil gusto ko malaman ni Daddy kung ano nangyari sa'kin nung apat na taon na lumipas.
" Kaya Dad I'm really sorry kung ngayon lang tayo nagkita alam kong maraming taon na lumipas pero----"
"H-hindi. Huwag ka huminga ng sorry dahil hindi natin ginusto ang lahat tsaka wala na tayong magagawa dahil nangyari na. Tapos na."
Napabuntong-hininga ako." Dad ano pong nangyari sa lahat ng companies natin at bakit wala tayong gamit sa buong bahay. " tanong ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko pero kumunot ang noo ko ng makita ko lahat ng gamit kong kumpleto pa.
"Anak, Sorry pero nalugi lahat ng companies natin dahil sa paghahanap namin sa'yo ng Mommy mo. Alam namin ng Mommy mo na buhay ka pa kaya patuloy ka namin hinanap noon pero nabigo kami. Nahihiya kami sa mga kaibigan namin kaya nagawa namin peke yung burol mo dahil hindi namin tanggap na wala ka na. Habang tumatagal napabayaan namin ang lahat ng company hanggang sa umabot na punto na binenta namin lahat ang ari-arian natin.."
Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Daddy ang tangi lang pumapasok sa isip ko ay naging mahirap sila dahil sa paghahanap sa'kin pero nagtatala kung bakit wala si Mommy.
"Daddy nasaan si Mommy bakit wala siya dito at bakit hindi mo siya kasama huwag mo sabihin iniwan ka na?" Pabiro kong sinabi kay Daddy pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang naging ekpresyon niya ng tanungin ko si Mommy sakanya kaya nakaramdam ako ng takot.
"B-bakit D-dad ? Bakit ganyan kayo makatingin ?" Halos nauutal kong tanong kay Dad. Napabuntong hininga siya upang makahugot ng lakas..
"Si M-mommy m----"
Napanganga ako ng tumigil sa pagsabi ni Daddy at marahan na napakunok ng maigi. Hindi ko maiwasan kabahan at makaramdam ng takot dahil halo-halo pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...