Mikaela pov.Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas na ako sa office ni Sir.
Habang naglalakad akosa corridor napansin ko walang tao dahil siguro class hour. Napasinghap ako ng may humawak sa braso ko at agad ako napatunghay.
Kinabahan ako ng makita ako si Nathan na masama ang tingin sa'kin. Habang tumatagal humihigpit na ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Mas lalong hindi ko na siya maintindihan ngayon.
"Ano ba Nathan nasasaktan ako!" Sambit ko sakanya.
Nagulat ako ng marahas niya ako higitin at dinala ako sa lugar kung saan nakita ko siya nakikipaghalikan. Nang tumigil na kami agad ko inalis ang mga hawak niya sa braso ko.
Napakagat ako ng labi ng makita kong namumula ito at takang tumingin kay Nathan
."Ano ba nangyayari sa'yo huh? "
"Ano ginagawa mo dito kanina huh?"
Napanganga ako ng magtanong siya. Sa dinami-dami na tatanungin yun pa at siya may gana para magtanong.. Dapat nga ako nagtatanong kung bakit siya nakikipaghalikan sa ibang babae.
"Ano ba pakialam mo?" Matigas na sagot ko sakanya .
"ANO PAKIALAM KO? ABA SYEMPRE BOYFRIEND MO AKO!!"
Nagulat ako ng sigawan niya ako. Kahit kailan hindi niya pa ako sinisigaw katulad ngayon.
"Oo nga boyfriend kita. Boyfriend na nakikipaghalikan sa ibang babae !!" Inis na sabi ko sakanya..Nagulat ako ng marahas niya ulit hinawakan ang braso ko.
"Bakit nagseselos ka ? Bakit naman nagseselos? Kagabi nga ayaw mo magpahalik sa'kin tapos ikaw pa may gana magalit ?"
Hindi ko maiwasan mainis sa sinabi niya . Hindi ko alam ano bang nangyayari sakanya at kung may problema ba siya? Sa pinapakita niya ngayon parang hindi na siya yung kilala kong Nathan.
"Nathan ano bang talaga nangyayari sa'yo huh? May problema ka ba? Dati naman hindi ka ganyan ah? Parang hindi na ikaw 'yong Jonathan na kilala ko parang ibang-iba ka na dahil ba ito sa mga barkada mo ?" Alam ko naman na wala siya barkada noon pero ng magkaroon na siya ng barkada nag-iba na siya.
Bigla uminit ang ulo niya dahil unti-unti niya dinidiin ang mga kuko niya sa braso ko. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang sakit.
"Huwag na huwag mo idadamay ang mga barkada ko dahil wala sila ginawa sa'yo!! BAKIT IKAW LANG NAMAN ANG PROBLEMA KO IKAW ! IKAWW!!"
"H-hindi na k-kita maintindihan. B-bakit ako? P-please Nathan nasasaktan na ako. Dati naman nirerespeto mo ako lahat ng desisyon ko at sa mga ayaw at gusto ko."
Hindi ko napigilan umiyak dahil sa sakit nararamdaman ko ibang-iba na siya hindi ko na siya kilala.
"Respeto ? Palagi naman kita nirerespeto ah ? Tsaka matagal na tayo kaya lahat gusto ko gawin mo dahil girlfriend kita at boyfriend mo ako!!"
Hindi na ako nakapagsalita ng marahas niya ako hinalikan. Halos hindi na ako makahinga dahil sa mga halik niya. Sa sobrang diin ng pagkakahalik niya sa'kin ay siyang naginb dahilan upang masaktan ako lalo.
Buong lakas ko siya tinulak at sa unang pagkakataon sinampal ko siya.
"Kung ganyan din naman ang gagawin mo sa'kin mas mabuti pang magbreak na tayo ."
Natigilan siya sa sinabi ko at agad ko pinunasan ang mga luha ko sa pisngi ko. Alam ko hindi ko dapat siya hiwalayan dahil may pangako ako sa mga magulang niya pero sa ginagawa niya ngayon nagkaroon ako ng dahilan para hiwalayan ko siya.
Nagulat ako ng hawakan niya ulit ang braso ko at mas nagulat ako ng sampalin niya rin ako. Halos manginig na ang buong katawan ko dahil .. Dahil pinagbuhatan niya ako ng kamay ..
"Ang kapal mo para makipagbreak sa'kin.."
Napapikit ako ng sasampalin niya ulit akom
Napadaing ako sa sakit.
"Ang babae minamahal hindi sinasaktan ... Get's mo bro?"
Napadilat ako ng wala sa oras ng marinig ko ang boses na iyo hindi ako nagkakamali na alam kong siya iyon.
"Novem." bulong ko sa sarili ko.
"Huwag ka nga mangialam dito tsaka isa ka pa alam ko type mo girlfriend ko kaya layuan mo siya .."
"Correction : EX GIRLFRIEND" sarkastiko sabi niya..
"Eh gag* ka pala eh "
Naghalo-halo ang naramdaman ko ng sugurin ni Nathan si Novem kaya agad niya nasuntok pero agad din naman nakabawi si Novem kaya napahiga agad si Nathan.
Habang may pagkakataon pa . Nilapitan ko si Novem alam ko mas lalaki pa ang gulo pero bago kami makaalis na lugar na iyon may sinabi siya ng isang bagay nagpagaan sa kalooban ko.
"Huwag mo ulit lalapitan si Mikaela dahil isang napamalaking bagay ang hindi mo napahalagahan ngayon .. "
Pagtapos niya sabihin iyon siya na mismo ang humila sa'min. Hindi ko mapigilan umiyak dahil naawa ako kay Nathan pero ng nasa parking lot na kami bigla bumuhos ang malakas na ulan.
Napatingala ako sa kalangitan. Hindi ko man lang napansin na madilim pala ang kalangitan. Unti-unti narin nababasa ang damit ko. Feeling ko gusto ko pumunta sa lugar na alam kong napakatahimik at peaceful.
"Eto oh suotin mo para hindi ka masyadong malamigan ."
Tinignan ko lamang 'yong leather jacket niya. Hindi ko alam kung aabutin ko ba iyon o hindi. Nang mapansin niyang hindi ko parin kinukuha iyon siya na mismo ang nagsuot sa'kin.
Hindi ko maintindihan kung bakit tumibok ng mabilis ang puso ko ng napagtanto ko na napakalapit ng distansya niya sa mukha ko.
Parang nabibingi ako sa malakas na pag-ulan at parang balewala ang lamig nararamdaman ko dahil sa nararamdaman ko.
"Tara at ihahatid na kita mauwi sa'inyo .."
"Ayoko pang-umuwi.." Mahinang sambi ko sakanya.
Napabuntong-hininga siya at pansamantalang tumingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit napakalungkot ng mga mata niya ..
"Saan mo gusto pumunta muna?"
"Gusto ko pumunta sa lugar kung saan tayo unang nagkita .."
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
RomancePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...