Chapter 32

7K 217 30
                                    


Mikaela Pov..

Hindi ko alam kung ano ang isasagot  ko kung kamusta na ba ako? Well ang masasagot ko lang ay nagsisisi na ako sa lahat ng katangahan ng ginawa ko para sa'yo at sana may pagkakataon pa para magkabalikan tayo.

"A-ako.Uhmm. O-okay lang." Hindi ko maiwasan mautal sa harapan niya at ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng titigan niya ko. Ang isang taon na din ang lumilipas pero hindi parin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya.

" Mabuti naman kung ganun.. Si Nathan kamusta na kayo ?"

Natigilan ako ng tanungin  niya iyon tsaka papaano niya nalaman na Nathan ang pangalan ng ex- boyfriend ko? Hindi kaya.

"Nakaalala ka na ?" tanong ko.

Bahagya siya ngumiti at tumungo. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil naalala na niya tungkol sa alaala niya ng makilala niya ako bilang Mikaela.

"Sa ngayon gusto kong humingi ng pasensya at sorry sa mga pinagagawa kong kagaguhan  sa'yo." Aniya.

Nawala agad ang ngiti ko ng humingi siya ng sorry at pasensya. Hindi sinasadya mapatingin sa kamay niya kung saan nakalagay dati yung singsing namin dalawa.

Nakaramdam ako ng lungkot ng makita kong wala na iyon. Napahinga ako ng malalim. Siguro ito na ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang katotohanan.

"N-novem... Gusto ko sana sabihin sa'yo na-----"

"Baby! Saan ka ba galing? Alam mo bang hinahanap kita kung saan saan alam mo naman na hindi ko alam ang cheap na lugar na ito."

Nagulat ako ng may sumulpot na babae mula sa likuran ni Novem. Nakaramdam ako ng sakit ng makita ang mga ngiti ni Novem sa babaeng iyon. Natigilan ako ng  halikan siya babae si Novem mismo sa harapan ko pa.

Tumungin ako sa kabilang direksyon dahil hindi ko kaya ang nakikita ko. Sobrang sakit. Isang taon na din ang lumipas at mukhang nakamove on na siya dahil nagawa na niyang magmahal ng iba.

Nang maramdaman ko ang luhang anytime handang bumagsak ay napagdesisyon kong tumalikod na lamang upang makalayo ako sa lugar na iyon.

Nang nakalayo na ako ay hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak. Siguro sa dinami-dami na  nangyari sa amin ni Novem. Masasabi ko na ito na ang pinakamasakit sa lahat.  Ang makita ang lalaking pinakamamahal mo na may kahalikan na ibang babae dahil nakamove on na siya sa'yo.

Shuck ! Wala na talaga mas sasakit du'on lalo na kung mahal mo pa yung tao.

Napatawa ako ng mapakla  habang papuntang parking lot. Nawala  na din ang takot ko sa kotse simula ng bumalik na ang alaala ko. Dali-dali ako pumasok  sa kotse ko tsaka ko binuhos ang nga luhang gustong -gusto na makawala.  Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na humikbi.

Ngayon. Siguro, ito na ang kapalit sa lahat ng ginawa kong katangahan ng tuluyan kong kalimutan ang tunay na ako. Ano nga naman ang laban ko sa present niya.  Past niya lang ako means iba na ang mahal niya at hindi ako iyon.

Nang natapos ko na ibuhos lahat ng sakit at sama  ng loob ko. Dahan-dahan ako sumandal sa upuan at pinikit ang mga mata ko.

Sa pagpikit ko nun ay inaalala ko ang mga magagandang memories namin dalawa ni Novem na ngayon mukhang kinalimutan na niya.

"Ang saklap lang talaga ng buhay ko pero bakit ang unfair naman yata?" Tanong ko sa sarili ko.

Napamulat ako ng mata at agad na pinunasan ang mga luhang natuyo na sa pisngi ko. Hindi ko sinasadya mapatingin sa harapan.

BOOK TWO [SDTCP] Infinite LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon