Novem Pov..
"Ano ba nangyayari sa'yo ?" Halos nag-aligaga na ako sa loob ng kotse ngunit hindi ko alam kung ano gagawin.
Patuloy sa pagsigaw si Mikaela habang nakahawak sa ulo niya. Hindi ko maintindihan kung ano nangyayari sa kaniya ..
Kinabahan ako ng makita ko may tumulo mula sa mata niya. Ayoko sa lahat na makakakita ng babaeng umiyak ..
Agad ako bumababa sa kotse at pumunta sa pwesto ni Mikaela ..
Nag-aalinganin pa ako sa iniisip ko pero ginawa ko parin. Agad ko siya niyakap ng mahigpit at hinimas-himas ang likod niya upang mapagaan ko man'lang ang loob niya.
"Pssshh .. Tahan na .. "
Naramdaman ko naman na niyakap niya ako ng pabalik. Hindi ko maiwasan ngumiti dahil sa ginawa niya. Aaminin ko may kakaiba talaga sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.
Basta ang alam ko lang ang hirap na kalimutan siya simula ng makakilala kami dati sa forest park
Nakakainis pero nakakabakla talaga..
"I-layo mo k-ko d-dito p-please.."
Kahit hindi ko masyadong naintindihan kung ano ibig niya sabihin ay dali-dali ko siya binuhat papuntang bench at napansin ko naghahabol siya ng hininga.
"Dito ka muna ibibili lang kita ng tubig.."
Mabilis ako tumakbo sa canteen feeling ko tinalo ko na ang isang motor sa sobrang bilis ..
"Ate mineral water nga po!!"
Halos naghahabol ako ng hininga. Pagkabigay palang sa'kin ng tubig agad ko binigyan ng 100 at hindi ko na hinintay ang sukli.
Pagkarating ko sa pwesto ni Mikaela binigyan ko agad ang tubig sa kaniya.Walang alinganin na ininom niya agad ito.
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita.
"M-matanong ko lang Mikaela ano ba nangyayari sa'yo kanina?"
Napansin ko naman na pinagpapawisan siya kaya naisipan ko kunin ang panyo niya at dali-dali ko pinunasan ang noo niya. Hindi naman siya pumalag.
Lumuhod ako sa harapan niya para makita ko ang mukha niya.
"Okay ka lang?" mahinahon na tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya ako saglit at bahagya na ngumiti ng konti. Naipailing lamang ako sa ginawa niya. Ang ayoko sa lahat yung pinipilit na ngumiti sa taong kaharap nila kahit may masakit sa kanila or what.
"Huwag ka nga ngumiti kung may masakit pa sa'yo."
Inirapan niya lang ako bilang sagot sa'kin kaya hindi ko maiwasan ngumiti. Ang balak ko sana ngayon pahirapan siya dahil papalinisin ko siya ng condo pero eto naman nangyari.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya ulit pero ilang minuto ang lumipas hindi na siya nagsalita kaya wala ako nagawa kundi titigan siya.
Napailing ako ng makita kong may tumulong luha sa mga pisngi niya.
Nginitian ko siya saglit at dahan-dahan ko inangat ang kamay ko upang punasan ang mga luha niya.
"Tahan na .. Huwag ka nga umiyak ... Tara ako na maghahatid sa'yo"
Dali-dali ko kinuha ang motor ko sa condo at pumayag naman siya na maghintay . Hindi ko alam kung ano ba nagyayari sa kaniya dahil sa tuwing tatanungin ko naman siya ay hindi naman siya nagsasalita. Kaya kahit kailan ang hirap basahin ang mga babae.
Hindi nga ako makapaniwala na nagmahal ako dati. Sa pagkatao kong ito. Imposible na nagmahal ako. Baka isa lang din Chelsea sa mga babae ko hanggang kama lang din at hindi sa puso pero paano naman siya nasama ng naaksidente ako ? Nakakapagtaka lang dahil ayaw pa talaga sabihin sa'kin nila Mom and Dad about kay Chelsea. Ang weird lang. Iniisip ba talaga nila na masasaktan ako ..eh nalaman ko na nga -ni wala nga ako maramdaman na sakit dahil nga hindi ko minahal ang babaeng iyon. Imposible ..
Mabilis naman kami nakarating sa bahay nila. Hindi ko nga maiwasan mapangiti habang nag-drive ako ng motor ko dahil todo yakap siya sa'kin. Aaminin ko ang sarap lang sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit.
Inalalayan ko siya papunta sa pintuan ng bahay nila. Dahan-dahan ako kumatok sa pintuan nila. Agad din ito nagbukas.
Napangiti ako ng makita ko si Zhel ang kababatang kapatid ni Mikaela.
"Kuya Novemmm.." Agad niya sinalubong ng mahigpit na yakap sa beywang ko.
"Whoaa.easy dude.."
"Kuya buti bumisita ka .."
Tinaas baba ko lang ang dalawang kilay ko bilang sagot ko sa kaniya.
"Zhel sino iyan kausap mo?"
Naagaw pansin ang atensyon ko ng may lumabas mula sa kusina. Isang babae na hindi naman masyadong matanda.
Siguro siya na ang Mommy ni Mikaela
"Goodevening po Mrs. Valdez."magalang na bati ko sa kaniya ..
"Goodevening iho."
Bahagya siya napatingin kay Mikaela na mukhang matamlay. Agad-agad niya nilapitan ito.
"Anong nangyari sa kaniya?"
Nag-aligaga din ang Mommy ni Mikaela."Uhmm .. Pasensya na ma'am pero hindi ko po maintindihan kung ano bang talaga nangyayari sa anak niyo."
Tinignan niya saglit at binalik muli ang tingin sa anak niya.
"Zhel. Alalayan mo muna ang ate mo papunta sa kwarto niya .."
"Sige po ma. Sige kuya next time ulit?"
Tumungo lang ako at nakipag-apir sa kaniya.
"Sige iho umupo ka muna. Kukuha lang ako ng maiinom."
Wala ako nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Umupo ako sa sofa at nilibot ang paningin ngunit nakakapagtaka lang bakit wala picture frame dito . Malaki naman ang bahay kaya imposible na wala man lang display.
"Eto iho uminom ka muna ng juice.."
"Sige po. Thank you po.."
Agad ko ininom ang juice dahil nauuhaw na din naman ako.
"Anong pangalan mo iho?"
"Novem Gatchalian po." Magalang ang pagkakasabi ko syempre kahit may pagka-ano ako magalang naman ako sa nakakatanda sa'kin.
"Ikaw ba ang anak na lalaki nila Leah at Christop Gatchalian ?"
"Ganun na nga po. "
Hindi ko alam kung bakit alam niya ang pangalan ng parents ko sabagay hindi naman ako nagtataka kung bakit kilala ang mga magulang ko ..
"Sinakay mo ba si Mikaela sa kotse ?"
Nagtaka naman ako sa naging tanong niya .. Ano naman meron sa kotse ko?
"Opo .. Bakit po?"
"Kaya pala ganun na naman ang pakiramdam ni Mikaela. Sa susunod iho huwag na huwag mo siya isasakay sa kotse mo.."
"Oh, Bakit po? Ano ibig mo sabihin.."
Hindi naman agad nakasagot ang Mommy ni Mikaela. Nakakapagtaka bakit naman bawal sumakay si Mikaela sa kotse ko?
"Sa tuwing sasakay siya sa kotse natataranta siya namumutla at bigla-bigla nalang sisigaw. Hindi ko alam kung bakit panghanggang ngayon hindi maalis ang trauma niya .."
Kumunot ang noo ko. Bakit naman may trauma siya? Ang tanong saan naman siya natrauma? Sa pagsakay sa kotse o na car accident?
" Bakit naman po natrauma ? Naaaksindente po ba siya?"
Bahagya siya natigil ng sabihin ko iyon kaya lubos ako nagtaka sa naging reaction niya.
"Hindi na mahalaga iyon. Basta nagpapasalamat ako at pinagaan mo ang loob ni Mikaela."
"Walang anuman po Mrs . Valdez.." Natatawa kong sabi.
Kinabahan ako ng hindi man'lang siya ngumiti o tumawa sa'kin.
"May hihingiin sana akong utos."
Napatigil ako sa pagtawa dahil naging seryoso na siya kaya wala na ako nagawa kundi magseryoso.
"Ano po iyon ?"
"Layuan mo ang anak ko."
BINABASA MO ANG
BOOK TWO [SDTCP] Infinite Love
Storie d'amorePaano magtagpo muli ang landas ng dalawang taong nagmamahal dati pa ngunit wala sila maalala sa isa't isa dahil sa isang trahedyang nangyari sa kanilang dalawa. The big question is. Mind or Heart? Utak na nakalimot na o gagamitin nila ang puso nila...