Chapter 4

135 3 0
                                    

Chapter 4

Krishia's POV

"Boss sige na iapprove mo na po ito." Pamimilit ko sa boss ko, habang hawak-hawak ko yung laptop ko sa harapan nya. Kailangan nya kasing pirmahan yung pinakapresentation, para tapos na yung gagawin ko.

"Krishia, kita mong asa party tayo tapos pag tatrabahuhin mo ako?!" Napabuntong hininga nalang ako, kailangan ko kasi talagang matapos na to bago ako mag leave, dahil pag nag kataon tatawagan at tatawagan lang din nila ako, wala ring silbi!

"Oh ano bang nangyayari sa inyo?!" Tanong nung isa ko pang boss sa Makati.

"E kasi po pinapaapprove ko po yung presentation." Saglit na nag usap yung dalawa kong boss, kampi na naman din sakin yung boss ko na ito, alam nya din kasi yung pinaka situition ko at hindi na nga talaga ito makatarungan!

After ng ilang minuto saglit kaming nag usap pang tatlo, at ipinakita ko naman na sa boss ko yung ginawa ko. At ayun nag isip pa sya nga mga 10 minutes bago inapprovan din.

Kaya nakahinga na din naman ako ng maluwag, 5:30PM na at paalis na din sila for sure. Haysss sa wakas makakasama din ako sa kanila sa Zambalez!

Pagka sakay ko ng kotse hindi ko maiwasang napasigaw sa sobrang saya. Dahil akala ko talaga hindi na naman maaprove yung presentation, ilang beses na din kasing nirevise yon tapos hanggang ngayon ayaw nyang iapprove.

~||

Pag dating ko sa bahay nakita ko naman agad si Ate Janet at si Ayesha na nag aaral. Saglit muna akong upo sa sofa para makapag pahinga, maya-maya pa din naman siguro dadating sila. "You look so tired, oh water." Sabi ni Ate Janet sabay abot ng tubig sakin.

"Thanks Ate."

"Tita Krish, why you look so tired?! Bwinisit ka na naman po ba ng boss mo?!" curious nyang tanong sakin, kaya medyo natawa naman kami ni Ate Janet. Ang cute nya lang kasi the way na mag salita sya at mag tanong ng tanong.

"Parang ganun na nga Aysh, pero mo nalaman na binibwisit ako ng boss ko."Natatawa kong tanong kay Ayesha.

"Narinig ko kila Ninang Xyra tska Ate Faith, sabi kasi nila binibwisit ka nung boss mo. Is he looks like a monster?!" Lalo naman kaming natawa dahil sa sinabi ni Ayesha.

Yan kasi dapat hindi pinaparinig sa mga bata yung mga ganung salita, dami tuloy na iimagine. Hahahaha...

"The way that he shouted at me, yes! He looks like a monster! A scary monster!" Sagot ko at napatingin naman si Ate Janet sakin.

"Krish, kung hindi mo na kasi kaya mag resign kana." Sabi ni kuya Nathan at napatingin naman ako sa kanya.

"E kuya ganun din naman po, part lang po talaga to ng trabaho. Mag karon ng napaka torture na boss!"

Sa trabaho naman kasi hindi talaga maiiwasan na mag karom ng ganyan na boss. At part na siguro talaga sya ng stress ko palagi. Nasanay na rin ako! Hahahaha...

"Ikaw, basta wag mong papabayaan yung sarili mo. Baka mamaya trabaho ka nga ng trabaho ng maige tapos mag kasakit ka naman. Basta ingatan mo palagi yung sarili mo specially yung health mo." Sabi ni kuya Nathan at tumango nalang ako. Para syang si Ate Janet talaga napaka maalalahanin.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon