Chapter 10

90 2 0
                                    

Chapter 10

3 effin' months later...

Nathan's POV

"Please?! Please?! Go with us to the mall. Please! I miss you daddy." Pag pupumilit ni Ayesha, at talagang nag papaawa sya. At si Janet nakatingin lang naman sakin.

Sobrang naging busy din kasi ako lately at ngayon gagawan na ng grades, kaya sobrang busy ko ako din. Si Janet naman na hahandle pa nya yung time nya dahil maaga naman syang nakakauwi.

"Aysh, busy kasi si daddy ngayon e--maybe next time."

Parang paiyak na si Ayesha, pag kasabi ko non. Gusto ko naman kasi talagang sumama sakin, kaso kasi ilang days nalang bago ang pasahan ng grades at ang dami pang teacher ang hindi nag bibigay sakin ng mga grades ng advisory class ko.

Aaminin ko, halos hindi na kami nag kakalaro ni Ayesha. Nawawalan na ko ng time sa kanya. Dahil bukod kasi sa klase ko nag susub pa ako ngayon sa mga klase ni ma'am Clare at pag katapos nag tutor pa ako after ng klase. Kaya late na akong nakakauwi at kapag weekend naman ayun nag tutor parin, napunta ako sa bahay ng mga tinuturuan ko, at kapag uwi ayun tska lang ako nakakapag pahinga tska ko lang nakakamusta si Ayesha.

"Daddy, I don't how much your salary-- but here's my piggy bank. I don't know kung enough na po ito, pero ito po. Daddy, gusto ko bilin yung time mo. daddy ang dami mong time para sa iba pero bakit samin ni mommy wala na?!" Napahinto naman ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi na yon ni Ayesha. At napalapit naman agad si Janet kay Ayesha dahil sa umiiyak na nga ito.

Agad ko namang niyakap si Ayesha, "sorry baby, sorry baby kasalanan ni daddy." Na luha nalang din si Janet, habang mag kakayakap kaming tatlo. Mag tatlong bwan na halos ng nag simula akong maging ganito, at hindi ko man lang ang naisip ang nararamdaman ni Ayesha.

Pinunasan ko yung luha ni Ayesha at pinaupo ko sya sa legs ko, habang si Janet naman nakaupo lang sa harapan namin. Manang-mana talaga si Ayesha kay Janet, parehas silang may pagka sensitive pag dating sa mga ganitong bagay.

"I love you daddy." Sabi ni Ayesha at yumakap na sakin ulit.

"I love you too, baby ko."

Tumingin naman na ako kay Janet at agad kong pinunasan ang mga mata nya, "sorry Janet." Sabi ko at hinawakan ko naman ang kamay nya.

"Sama ka na samin sa mall?" Tanong nya habang kinukusot pa ng kamay nya yung mata nya.

"Opo, sasama na si daddy."

Janzen's POV

Pag pasok ko palang ng gate, nakita ko na agad si Joshua. Hindi ko alam kung totoo sya pero para na akong baliw. Dahil sa totoo lang simula nung nawala si Joshua, lagi na syang nag papakita sakin. Lagi nya akong kinakausap.

Ilang months na ba since nung nawala si sya? Ilang months ko na ba syang hinihintay? Bakit hanggang ngayon wala parin sya?! Inaantay ko parin sya e!

Lagi nila sakin sinasabi na tanggapin ko na, na wala na si Joshua. Na hindi na sya babalik. Mahigit ilang bwan na since nung nangyari ang lahat, at ngayon ko lang tatangkain na pumunta sa bahay namin ni Joshua.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon