Chapter 34
Krishia's POV
habang tinitignan ko si Faith na nag lalakad aisle, hindi ko maiwasang ma inggit. Pinipilit kong iwasan pero still ganun pa din yung na fefeel ko.
Naiinggit ako kay Faith, sobrang saya nya at masayang masaya din ako para sa bestfriend ko. "Wag ka ngang umiyak, hindi ikaw yung ikakasal." Saway naman ni Janzen sakin.
"Ee hindi ko maiwasan e." Sagot ko at napatingin naman ako kay Ranz. At nakita kong nakatingin sya sakin, kaya pinilit kong umiwas agad sa kanya.
Natapos na yung wedding at lahat, pero hindi ko padin maiwasan na mag drama dahil sa ikinasal na nga yung bestfriend ko. At lahat sila ay mga kasal na, ako nalang itong single. Haysss kawawa ako! Hahaha..
"Punasan mo nga yung luha mo, muka kang tanga." Sabi ni Ranz at napatingin naman ako sa kanya.
"Pake mo?!" Inis kong tanong at umalis na ko sa tabi nya.
Busy pa naman sila Janzen, kaya napad desisyonan ko munang mag solo. Pumunta ako sa labas ng hotel, gabi na din naman kaya di na gaano ang taong magala-gala dito.
Nakatayo lang ako sa gilid habang pinag mamasdan yung mga sasakyan na dumadaan. Parang lumutang yung isip ko, habang patuloy lang na nakatitig sa mga sasakyan na dumadaan.
"Bakit ka umalis?" Tanong nito.
"Sinusundan mo ba ko?!" Inis kong tanong sa kanya. Kanina pa kasi sya sulpot ng sulpot sa harapan ko e.
"Kung sabihin kong oo."
Seryoso?! Binibwisit nya ba talaga ako? Ano bang balak nya sakin, at palagi nalang syang ganyan?!
"Ano bang gusto mo?!"
"Bitter ka nga parin talaga." Sabi nito habang diretso ang kanyang tingin.
"Ranz, ano ba?! Tigilan mo na nga ako!" Sigaw ko at umalis na ako sa tabi nya.
Hinawakan nya yung kamay ko at siryoso syang tumingin sakin, "hanggang ngayon ba naman tatakbuhan mo padin ang lahat?"
"So ano? Gusto mong gumanti? Ranz, tapos na yon! Wala na!"
Hindi ko alam kung anong balak nya, kung ano pang balak nyang gawin para pahirapan ako. Basta ang alam ko lang ay gusto nyang gumanti.
"Bakit ka tumakbo nung panahon na yon?" Seryoso nyang tanong habang hawak-hawak nya parin yung kamay ko.
Pinilit kong umalis sa pag kakahawak nya at takbuhan ulit yung lahat. Takot akong dumating yung time na to, na tatakot akong harapin yung lahat. Nabigay ko kay Ranz ang lahat kahit na ang sarili ko, at natatakot ako na harapin pa..
"Please bitawan mo na ko." Pag mamakaawa ko kay Ranz pero parang wala padin syang imik at patuloy lang nyang hinahawakan yung kamay ko at inaantay parin nya yung isasagot ko.
Hindi na ako nakatiis at nag salita na, dahil gusto ko ng matapos to. Gusto ko ng umalis sa harapan ni Ranz ngayon at hindi na isipin pa ang nangyari 2 years ago! Pagod na kong umiyak!
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!