Chapter 1

329 7 0
                                    

Chapter 1

Krishia's POV

"Janzen! Asan kana ba?!" Tanong ko, 6:30 PM na kasi and still wala pa din sya.

"I'm on my way, susunduin ko pa kasi si Xyra. You know pabebe girl si ateng! Sige na babye na. Mga 15minutes andyan na din kami." Binaba ko na yung phone at nag nilapag ko na yung mga pinamili ko sa lamesa.

Mag kikita-kita kasi kami ngayong mag kakaibigan, nag set na din kasi talaga si Janzen na araw na mag kikita kaming mga kakaibigan dahil nga halos hindi na namin nakikita ang isa't isa dahil sa sobrang busy sa mga trabaho.

"Oh Krishia, hindi kapa nakakaluto?! Anong oras na ah?!"

"Ate Janet, sorry, super hassle na nga po ako! Kakauwi ko lang din from work, di kasi ako pinayagan ng boss ko na mag out ng maaga hangga't di ko natatapos yung ginawa ko." Halos maiyak na ko sa situation ko ngayon, sobrang torture na din kasi ng boss ko sakin, kala mo di na empleyado yung turing nya sakin para na nya kong piparusahan ng todo!

"Mukang oo nga, look Krish yung eye bags mo mag kakaapo na!" Sabi ni Ate Janet at medyo natawa naman kami.

"I miss you Ate!" Then niyakap ko nalang si Ate Janet, halos hindi na kasi kami nag kakausap at nag kakitaan dahil sa sobrang busy ko, madaling araw na kasi akong nakakauwi at pag kauwi ko diretso tulog at sa umaga maliligo lang at aalis. Kaya kahit dito ako nakikitulog sa bahay ni Ate Janet, katabi ng bahay namin ay parang di ko sya nakakasama. Di ko Sila makakasama nila mommy at daddy.

"Kaya mo pa ba yang work mo, Krish?!" seryosong tanong ni Ate Janet sakin.

"Ate Janet, alam mo naman po na ito yung pinili kong situation nung tinanggap ko yung offer na maging t.l diba?!"

Ako yung pumili nito, ako yung pumili nag situation ko ngayon. Ako yung pumili ma pumasok sa magulo at nakakastress na trabaho sa corporate world. Kaya di ko na dapat pag sisihan! Disisyon ko to e!at una pa lamang alam ko na magiging ganito kalaki yung eye bags ko dahil s trabaho.

"Kasi ang sabi mo malaki ang sahod, sabi mo mabibili mo ang lahat ng kailangan na gamot ni daddy at mommy, at para sa pag papagawa mo ng magandang bahay para sa kanila." Medyo na remind naman ako sa sinabi ni Ate Janet, dahil mukang worth it lahat ng patience na binibigay ko para sa boss ko para di ko sya masapak dahil sa sobrang inis ko sa kanya.

"Yes ate, at malapit ko ng magawa yon. " napangiti nalang din si Ate Janet.

"Sorry if I cannot help you masyado na magawa yung bahay dream mo for mommy and daddy. Alam mo naman kasi kailangan din namin mag ipon ng Kuya Nate mo for Ayesha's future." paliwanag ni Ate Janet.

"Ate it's okay, and besides ikaw naman yung palaging andyan para alagan sila mommy. Kaya kahit wala si Kuya Roco ngayon dito ay kampante ako kasi I know na andyan ka para kay mommy at daddy.." Ate Janet always do everything for mommy at daddy, lahat ng utos nila sinusunod ni Ate kaya proud na proud padin ako sa kanya dahil kahit busy sya sa school at kay Ayesha ay super caring nya padin kila mommy at daddy.

"Oh basta ingatan mo yung sarili mo mamaya ma ospital ka na naman."

Tatlong beses na kasi akong na ospital dahil sa trabaho na to. So imaginin nyo nalang kung gaano ka stressful yung trabaho na to! Pero yun nga, ako yung may gusto nito! Hahaha.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon