Chapter 28
Xyra's POV
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa restaurant --- sa restaurant kung nasan si Steven ngayon.
Yung paa ko parang sinimento na dahil halos hindi ako makahakbang papasok sa loob. Pero ito pinilit ko na ihakbang ang aking mga paa papasok sa loob. Para kang tanga! Bweset! Dahan-dahan akong pumasok na akala mo may mampapabigat yung paa ko tapos akala mo kung ano yung makikita ko kaya nakapikit din akong pumasok kaya ito halos karamihan ng tao sa loob ng restau ay nakatingin sakin.Inayos ko naman yung sarili ko, at mga ilang sigundo pa lamang ang nakakalipas ay agad namang nahagip ng mga mata ko si Steven.
Napatingin naman sya sakin at ako para kong ewan kaya pilit akong ngumiti. Lahat kasi ng prinaktis kong salita waley! Nakalimutan ko! Umuurong na din yung dila ko! Kaya bago pa man sya tuluyang lumapit ay patakbo na akong lumabas ng restau. Hindi ko alam kung san ako papunta dahik hinatid lang naman ako dito ni Janzen, sya yung may dala nung kotse ko. Kaya shems! Hindi ko alam kung san ako pupunta! Haysss naman na bablangko na ako. Ano na bang gagawin ko?!Tumingin ako mula sa likuran ko at nakita ko si Steve na hinahabol ako! Whaaa! Putspa! San ako mag tatago?! Di ko pa kayang makipag usap, na blangko na ako nakalimutan ko na lahat ng pinraktis ko na sasabihin ko sa kanya. "Xy wait!" Sigaw nya at saglit akong napatingin sa kanya pero tumuloy padin ako sa pag takbo.
Hanggang sa dahil sa katangahan ko nadapa ako. Sumalubsob lang naman ako tapos ayun ang sakit! May gasgas na naman yung tuhod ko! Whaaaaaaaa! Bakit ba kasi ang clumsy-clumsy ko?! T____T
Agad na lumapit si Steven sakin at tinulungan nya akong tumayo. Actually di pala tinulungan tumayo dahil binuhat na nya ako. "Ang clumsy mo padin." Bulong nya habang buhat-buhat nya ako. Amoy na amoy ko yung pinag halong pabango ni Steve at yung pawis nya. At haysss ang bango nya! Namiss ko tong amoy na to!
"Ibaba mo na ako!" Sabi ko at nag pupumilit na bumaba mula sa pagka kakarga nya sakin pero hindi nya ako pinansin at patuloy lang sa pag lalakad nya. Seryoso lang syang nag lalakad habang diretsong nakatingin.
Gusto kong yumakap sa kanya habang buhat-buhat nya ako, pero syempre dapat kong bigilan yung sarili ko. Hindi ko naman alam kung ano kami e, kung kami pa ba?! Kaya kahit ayoko aminin sa sarili ko, na sobrang miss na miss ko sya e halos yung katawan ko naman na yung ayaw mag sinungaling! Kaya ito pigil na pigil akong yakapin sya at halikan sya!
Dumating kami sa restaurant at ipinasok nya ako dun habang buhat-buhat nya padin ako. Kaya ayun tinginan na naman yung mga tao sa loob nung restau. Nag dirediretso lamang si Steve papasok ng restau hanggang sa makarating kami sa office nya at dun nya ako ibinaba. Iniupo nya ako sa isang couch at kumuha sya ng first aid pero hindi padin sya nag sasalita at siryoso lang sa ginagawa nya.
Inumpisahan nya ng lagyan ng betadine yung sugat ko sa tuhod, "ako na, kaya ko na yan." Sabi ko at kinuha ko yung bulak tska betadine pero hindi nya ako pinansin at ni hindi nya din binigay sakin yun.
"Aalis na ako. Tama na." Sabi ko at tumayo na pero pinaupo na lang ulit ako, at umupo sya sa harapan ko at tumingin sya sakin.
Sobrang cold nung mga mata nya, at halos wala akong makitang emosyon sa muka nya. "Ano bang gusto mo?"tanong ko dahil gusto ko ng umuwi dahil baka hindi ko mapigilan yung sarli ko at kung anong magawa ko dito!
"Bakit ka pumunta dito?" Tanong nya. Hays ibinalik nya lang sakin yung tanong. Pero shemay naman wala akong masagot sa kanya e!
Tumingin ako sa kanya, parehas lang kaming nakatingin sa isa't isa. Wala akong masagot sa kanya dahil bakit nga ba ako nandito?! Bakit nga ba ako nag punta sa kanya?! Para saan?! Bakit?! Hays!
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng sobrang higpit. Kanina ko pa gustong gawin to pero ngayon lang ako nag lakas loob. Yumakap din naman sya sakin at ilang minuto kaming tumagal ng halos mag kayakap lang kami. I savored the moment hugging him, at oo yung doubt ko sa pag mamahal ko sa kanya ay nawala na. Kasi dahil sa yakap nya sigurado na ako sa sarili ko na mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Steven. At hindi ko kayang mawala sya sakin. Dahil ngayon sigurado ako sa sarili ko na hindi pala kayang palitan ng kahit sino si Steve. Dahil nag iisa lamang sya.
Bumitaw si Steve sa pag kakayakap ko sa kanya, at lumapit sya sa akin. Inalis nya yung gap sa pagitan naming dalawa at naramdaman ko nalang na may mga labing nakadikit sa mga labi ko. I found myself kissing him back, yes I miss him so much. Miss na miss ko yung sya. Yung amoy na. Yung mga yakap nya. At yung mga halik nya.
Bumitaw si Steve mula sa pag kakahalik niya sakin, at muli syang tumingin sakin. "Mahal mo ba ako?" Diretsahan nyang tanong sakin. Pero hindi ako nakasagot sa halip ay ibigay ko sa kanya yung isang journal na palagi kong sinusulatan. Journal na inumpisahan kong sulat simula nung umalis sya.
Binasa yon isa isa ni Steve, ganun lang kami. Nakaupo padin sya sa harapan ko habang binasabasa nya yung mga nakalagay dun sa journal. Nakita kong tumulo yung mga luha nya bahang binabasa nya yung mga nakalgay don. Dahil lahat ng mga nakasulat don ay ang lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya na minsan hindi ko na din nasasabi sa kanya.
Hinablot ko yung journal sa kanya at niyakap ko sya, "please tama na. wag ka ng umiyak. Mahal kita, mahal na mahal kita." Bumitaw sya mula sa pag kakayakap ko sa kanya.
"Nung umalis ka marami akong naramdaman, maraming gumulo sa isip ko. Nahulog ako sa iba pero mahal kita. At ngayong nakita kita nawala lahat ng doubt, akala ko nakalimutan na kita. Akala ko hindi na kita mahal pero hindi Steve dahil mahal kita. Mahal na mahal kita Steven, at ayoko na umiiyak ka. Sorry kung sinaktan kita, sorry kung hindi ko kinayang mawala ka sakin. Pero steve mahal na mahal kita at hindi ko kayang wala ka. Takot ako pumunta dito dahil na hihiya ako, takot ako na baka ayaw mo na sakin. Na baka galit ka dahil sa nagawa ko at hindi mo na ako mahal. Pero kung gano--
Hindi ko na natapos yung sinasabi ko at agad nya akong hinalikan. Sobra ko syang na miss sobra ko syang mahal. At oo nag kasala ako sa kanya,nag sisi ako sa nagawa ko. Kaya ngayon halos wala na akong maiharap na muka sa kanya.
"Mahal kita Xy, mahal na mahal kita. Hindi kita iiwan, at kahit ano pang gawin mo hindi kita magagawang hindi mahalin, dahil mahal na mahal kita. Nasaktan ako sa nangyari pero sa nararamdaman ko sayo walang nag bago, dahil kung nagawa mo yon hihintayin kita--- hihintayin kita hanggang sa hiwalayan mo sya at babalikan kita. Dahil pinangako kong papakasalan kita pag balik ko." Naiyak nalang ako sa sinabi ni Steve. Siguro dahil nalang din sa sobrang konsensya ko sa mga nagawa ko sa kanya at ito padin ang ibinigay nya sakin. Mahal nya padin ako kahit ganon.
Hinawakan nya yung kamay ko at tinignan nya yung singsing na suot ko. Yung singsing na ibinigay nya sakin bago sya umalis. Yung singsing na patunay na papakasalan nya ako pag balik nya.
"I will marry you Xyra. Kahit ano pa mang mangyari papakasalan kita. Hindi kita iiwanan. Andito na ako bumalik na ako." Tumango nalang ako habang umiiyak. At muli nya akong hinalikan.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!