Chapter 25

88 2 0
                                    

Chapter 25

Ranz's POV

"Happy birthday Krish." Bulong habang hawak-hawak ko padin yung kamay nya.

Kompleto ang barka, maliban nga lang kay Steve na asa Italy pa. Nalaman na din namin na buhay si Joshua at kasama syang umuwi ni Janzen. Si Xyra, Faith at Dani naman nakatayo sa gilid ni Krish. Ganun na din ang mommy at daddy ni Krish, si Ate Janet andito din, katabinh kwarto lang naman ni Krish si Ayesha kaya okay lang na lahat kami ngayon ay nandito. Special day to ni Krish e..

Nilagyan ng decorations ng barkada yung buong kwarto ni Krish, andun na din yung mga handa, pero sya tulog pa din. Hindi padin sya gumising hanggang ngayon.

It's been a year simula nung maaksidente si Krish at Ayesha at hanggang ngayon parehas silang wala pading malay hanggang ngayon.

Nag simulang kumanta ng happy birthday ang barkada kasama na dun ang family ni Krish, at ako. Gusto naming maging masaya ang araw na to, pero hindi padin maiwasan na tumulo ang mga luha ng bawat isa samin.  Dahil lahat ng tao na kasama ni Krish dito ay sobrang laki na ng part ni Krish sa kanila.  Si Krish yung gumagawa ng paraan para laging maayos yung mga problema, hangga't kaya ni Krish gagawin nya.

Kaya nga mahal na mahal ko sya e, kahit na saktan pa nya ako paulit-ulit okay lang basta maging okay na sya. Hindi ko iiwan si Krish hangga't di sya gumigising, lagi ako nag babantay sa kanya kahit na pagod na from work sa kanya pa din ako didiretso. Gusto ko sanang mag resign para mabantayan ko pa sya pero baka pag gumising kasi sya baka magalit sya sakin, sasabhin nun umalis ako sa trabaho para lang bantayan sya. Kakaltukan talaga ako netong babae na to.

Nathan's POV 

Mula sa labas ng pintuan, tinitignan ko lamang si Janet na bantayan si Ayesha. Hindi padin kasi kami nag kakaayos, kahit na sa school kami halos hindi nya ako pinapansin. After ng klase ni Janet ay agad syang dumidiretso sa hospital para bantayan si Ayesha. Dito na din sya halos natutulog at lahat ng kailangan nyang gawin para sa school ay kadalasan ay dito na nya ginagawa.  Lagi lang ako asa tabi ni Janet kahit na hindi nya ako kailanganin. 

Alam ko naman kasi na hanggang ngayon ay may galit padin si Janet sakin, dahil sa bawat araw na lumilipas na nakikita nyang nakahiga yung anak namin at nakacomatose ako at ako ang sisihin kung bakit nangyari kay Ayesha yon. At totoo naman kasalanan ko yun e.

Alam ko na unti-unting nawawalan na ng pag asa ang iba, pero kahit ganon hindi padin kami

Faith's POV

Umuwi na sila Xyra after ng celebration sa birthday ni Krish. Almost 1 year na din kasi syang coma. Every week na punta kami para bisitahin si Krish, may kanya-kanya nga kaming time sa pag babantay sa kanya para na din hindi mapagod ng sobra sila tito at tita sa pag babantay kay Krish si ate Janet kasi lagi lang na kay Ayesha lagi din naman sya napunta kay Krish tutal mag kabilang room lang naman.

Ayoko man aminin e unti-unti na akong nawawalan ng pag asa na gumising si Krish. Alam ko naman kasi yung nangyari sa kanya, alam ko naman yung katotohanan. Pero ayoko kasi harapin na ganun nalang yung pwedeng mangyari kay Krish.  May chance pa din naman na gumising sya...

"Faith, tara na." Sabi sakin ni Dani habang asa labas na kami ng hospital.

"Wait lang, babalikan ko lang yung phone ko sa kwarto ni Krish!" Sigaw ko at patakbo na kong pumunta para kuwain yung phone ko.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon