Chapter 17
Xyra's POV
"Hon I'm sorry about what happened last time. Pero please sorry na talaga." pag mamakaawa ni Steven habang nakavideo call kami.
"Okay na, di na ko galit. Sobrang miss lang kita talaga." Sabi ko at ngumiti ako sa kanya.
"I love you hon, sleep na tayo?"
"Sige na matulog kana, may gagawin pa ko. Tska papanuorin kitang matulog. Hahahaha.."
"I miss you hon."
"I miss you so much Steven."
Pumikit na ang mga mata ni Steve at pinanuod ko lang syang matulog. Miss na miss ko na talaga sya. Pero hindi na din ako muna nag sulat sa note. At lahat naman ng nakasulat don ay alam nya na din, tinatamad lang siguro ako.
Naramdaman ko na din ang antok at tska ipinikit ko na ang aking mga mata ngunit bigla namang tumunog yung phone ko dahil may nag text.
"Tara sama ka swimming, kasama mga kaofficemate natin. Biglaan e, alam ko namang bored kana kaya sumama kana. Andito na nga pala ako sa tapat ng bahay nyo. " text ni Kian kaya agad naman akong napatayo. Baliw talaga tong lalaki na to.
Sumilip ako sa bintana at agad ko namang nakita yung puting SUV at andun na din yung ibang ka officemate namin kaya wala din akong choice at agad nag ayos ng mga gamit ko.
Krishia's POV
Pag katapos naming mag gala ni Ate Janet, ay inuwi ko na sya sa bahay. Para na din makapag pahinga sya at ako naman dumiretso na ako sa bahay ni Ranz. Ilang araw na din kasi kaming hindi nag kakausap at ngayon mukang may problema pa sya.
Pag dating ko sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumababa sa saksakyan ko at pumasok sa bahay nila Ranz. Wala pa namang tao, kaya dumiretso na ako sa kwarto ni Ranz. Pero pag pasok ko naman nakita ko na sobrang gulo ng buong kwarto at sobrang dami ng bote ng alak. At ng pumasok ako nakita ko si Ranz na naka upo sa baba nung kama nya katabi yung isang babae. Parehas silang nakatitig sa isa't isa, at konti nalang mag hahalikan na sila.
"Ahm sige, uuwi nalang ako. Mukang may kausap ka na naman." Sabi ko at napatingin na sakin si Ranz. Agad itong tumayo mula sa tabi nung babae at tumakbo papalapit sakin, pero hindi ko na pinansin iyon at lumabas na ako ng bahay nila.
"Krish, mag usap tayo." Sabi ni Ranz habang hawak-hawak yung kamay.
Natawa naman ako dahil sa sinabi nya, "alam mo bang yan din yung sinabi ni Kuya Nathan kay Ate Janet, after nyang makipag one night stand dun sa babae nya?! So ikaw ano may balak ka din bang sumunod kay Kuya Nathan?!" Tanong ko at hindi naman sya sumagot.
Sasakay na sana ako ng kotse ng bigla syang mag salita, "kasalanan mo naman e! Kung hindi mo ko iniwasan ng ilang araw edi sana ikaw yung kasama! Ikaw yung katabi ko don!" Sigaw nya. Hindi ko alam kung dapat ba kong umiyak o mabwisit dahil sa sinabi nya.
"Tanga ka ba?! Papaalala ko lang sayo, girlfriend mo ko Ranz! At nag papaliwanag naman ako sayo di ba na kailangan ako ng Ate ko--
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!