Chapter 12
Xyra's POV
Hating gabi na din pero eto mag kakwentuhan padin kami ni Krishi. Damayan sa mga kadramahan sa buhay, kasi naman ang tagal din naming di nag kita kaya eto. Halos mag baliwan na kami ni Krishia kahit na aalis pa sya bukas ng maaga, hanep kasi to si Krisha kinakarir talaga ang pagiging corporate management tranee! Kala ko naman dati trip lang yon, tapos ngayon eto! Hays yamanin na si bespren!
"Kaya mo pa ba yung kabaliwan mo sa pag alis ni Steven?!" tanong nya habang yakap-yakap yung unan. Nakaupo kasi ako sa harapan nya tapos sya naman nakahiga.
Huminga muna ako ng malalim, "mabubuang na ko." Maikli kong sagot at agad nya namang hinatak yung buhok ko. Hayss baliw talaga to!
"Ang sakit! Baliw ka! totoo naman kasi halos mabaliw na ko kasi wala si Steve, ni hindi ko alam yung gagawin ko kasi alam mo na igno.. Ganun. Tapos si Janzen pa, lagi ko na ngang pinupuntahan yon kahit may pasok ako." paliwanag ko at naging seryoso naman na sya this time.
"Kamusta na ba si Janzen? Last last week pa nung huli ko syang na bisita, naawa na nga ako sa kanya e."
"Medyo okay naman na sya, dumating din kasi yung mommy tska yung mga kapatid nya. Kaya kahit papano napapagaan yung loob nya, pero kahit ganon hindi pa din maiwasan na umiyak sya ng umiyak dahil kay Joshua. Naalala ko, nung nakaraan pala muntik nyang ibangga yung sasakyan na niregalo sa kanya ni Josh before syang umalis." Napabuntong hininga nalang kami ni Krish. Ang hirap din kasi para samin na makta na nag kakaganun yung bestfriend namin na halos umabot na sa gusto na nyang mag pakamatay.
"Xy, pano kaya yung igala natin si Janzen?! Ahm mag gala tayo, mag tour tayo sa ibang lugar. Yung kahit tayong apat lang nila Janzen. Ano sa tingin mo?" Halos abot tenga naman yung ngiti ko ng marinig yung suggestion na yon ni Krish. Yieeeee vacation na this!
"Libre mo plane ticket?! Sang bansa tayo?!" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Tsssh. Libre na naman?! Hays Xy!"
"Pero san nga?!"
"Ahm wag nalang muna sa ibang bansa, sa Cebu siguro." Suggest ni Krish. At ayun hindi na nga halos nawala yung ngiti kong abot tenga na!
"Yieeee sigi! Libre mo plane ticket ah?! Thank you Krishia! I love you!" Sabi ko sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit.
Alam ko naman na kapag nalaman neto nawala akong pera no choice din sya kungdi ilibre kami. Hahahaha.. Kaya mahal ko bespren ko eeee! :"""">
"Wala akong sinabi ah! Baliw ka!"
Faith's POV
Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang kaba para bukas na ng gabi, dahil gusto ni Dani na mag double date kami. At ayoko talagang iharap yung kadate ko. Kasi naman napilitan lang talaga ako dun kasi no choice na!
Pero kahit ganon ayoko padin makita kung sino yung kadate ni Dani! Ewan ko! Basta ayoko! Kasi naman pa secret-secret pa si Dani at kahit curious na curious ako kung sino yon may part pa din sakin na ayokong makita yung babae na yon... Whaaa!! Nabubuang na naman ako!
Kaya eto, halos hindi ako mag kanda ugaga sa kakaisip ng kung ano bang magandang damit na dapat kung suoting para mamaya. Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito pero bahala na. Ayoko makipag talo pa sa baliw kong pakiramdam ngayon.
Kahit bukas pa talaga ng gabi yon, e ngayon palang para na akong nasisiraan! "Ano ba kasing tong pinasok mo Faith?! Dapat kasi pumayag ka nalang sa gala nyo ni Dani. Edi sana di ka nag kakaganyan!" Sermon ko sa sarili ko. Hays oo nga! Nababaliw na ako!
Whaaaa! Kailangan ko ng matulog! Pero di padin ako makatulog e! Kinakabahan ako bweset! Kailangan na ata akog mag patingin sa psychiatrist! T_________T
Janet's POV
11:30 PM na ng gabi pero hanggang ngayon wala pa din si Nate, sabado naman bukas pero kasi anong oras na at wala man lang syang kahit text man lang. Hindi naman kasi sya ganito, lagi syang nag sasabi kapag late syang makakauwi.
Lumapit sakin si Ayesha, "mommy Janet, can we go to sleep?" Inaantok na tanong sakin ni Ayesha habang yakap-yakap na nya yung favorite nyang teddybear.
Sinamahan ko na si Ayesha papunta sa room nya at pinatulog ko na sya. Hindi ako mapalaay dahil sa wala padin si Nate, pero hinayaan ko munang mag stay ako room ni Ayesha hanggang sa makatulog sya. At dahil sa medyo inaantok din naman ako, napagdesisyonan kong umidlip saglit.
~||
Napabangon naman agad ako sa higaan ng magising ako, nakatulog pala ako sa tabi ni Ayesha. Tinignan ko naman sya at mahimbing padin syang natutulog kaya't bumangon na ko para tignan kung dumating na si Nathan. Maliwanag na din kasi, baka nakarating na din sya.
Una akong pumasok sa kwarto namin pero wala naman sya, kaya bumaba ako ng hagdan para tignan kung andun sya pero naikot ko na yung buong bahay ni hindi ko padin nakita si Nathan. So ibig sabihin wala pa din sya. Haysss asan na ba yung lalaking yon?!
7AM na at wala padin sya. Pumunta muna ako sa tapat ng pintuan para dun sya intayin. At habang titig na titig ako sa halaman na para ng tulala bigla namang may pumasok sa pintuan. Nakita ko si Nate, na gulo-gulo pa ang buhok at halatang nag mamadali.
Napatingin naman ako sa kanya, at para syang gulat na gulat ng makita ako, "anong nangyari sayo?" Tanong ko, pero atlis na sumagot ay niyakap nya lamang ako ng sobrang higpit.
"Nate san ka ba galing?" naguguluhan kong tanong sa kanya, dahil para syang hingal na hingal.
"Nag celebrate lang kami ng birthday ni sir. Valdez at nag kainuman. Sobrang dami ng nainom ko kaya ayun.." Maliwanag nya, habang yakap-yakap padin nya ako.
"Sorry Jan. Sorry... Sorry Janet.." Paulit-ulit nyang sinabi.
Niyakap ko nalang din sya, "okay lang, nag alala lang talaga ako sayo." Sabi ko pero lalo lang syang humigpit sa pag kakayakap, pero this time naramdaman ko ng may tumulong luha sa mga mata ni Nathan.
"Nate okay ka lang ba?" Tanong ko, at tumango lang naman sya. "Kung iniisip mo yung nangyari, okay na. Wag ka ng umiyak." Sabi ko at kumalas ako sa pag kakayakap nya sakin.
"Sorry Janet."
"May nangyari ba bukod dun?" Tanong ko, dahil naguguluhan din ako sa pinapakita nya ngayon. Hindi naman kasi nag kakaganito si Nate, unless may ginawa syang mali.
"W..wala..gusto ko muna mag pahinga---tara na." Pumasok na kami sa loob ng sa kwarto para samahan si Nathan na mag pahinga.
Pag pasok namin sa kwarto ay agad namang huminga si Nate at tinabihan ko naman sya. Nakatitig lamang ako sa kanya, habang payapa na syang natutulog habang nakayakap padin sakin.
Amoy pa din sa damit ni Nate na nag inom sya. Hayss ayoko naman talaga ng ganito si Nate, dahil kahit ako hindi naman nag iinom. Kapag may occasions lang talaga napapasubo si Nate sa mga ganitong inuman. Kaya kahit mabilis syang malasing ayun nag iinom padin dahil nahihiya namang tumanggi sa mga kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!