Chapter 32
Ranz's POV
Nakita ko syang papalayo sa akin, kailangan nya na daw kasi nyang umuwi. Bakit ba ganon sya?! Tsss affected pa din.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at umalis na sa office. 1 month ko lang naman kailangang mag stay dito at pwede na din akong makauwi. Syempre di ba?! Iba napag nag sikap. Tska sakto din para sa kasal nila Faith at Dani.
"Miss mo?" Tanong ni Wade, at napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi na." Sagot ko at diretso na nag lakad papuntang parking lot.
Ang saya lang pala na after all, makakayanan ko din pala yung ginawa nya sakin. Ilang beses nya na ba akong sinaktan?! Tao lang din naman ako at nag sasawa din. Pero sa lahat ng nangyari ginusto kong mas mahalin sya - nga lang sya din ang gumawa ng paraan para matigil na yon.
Hindi ko na dapat pag aksayahan ng oras ang mga babaeng ganyan. Marami pang babae dyan at na mas deserving kesa sa kanya.
***
Umalis na kami sa office at pumunta naman kami nila Martin at ni Wade sa isang restau para umattend sa isang meeting. Pero pag pasok ko naman si Krish agad yung bumungad sakin. Asa gilid sya nakaupo at nakatanaw mula sa labas, mukang malalim ang iniisip nya at hindi nya na din pinapansin yung coffee na asa harapan nya. Basta nakatitig lang sya sa labas at may kung anong iniisip.
Galit ako sa kanya, pero hindi ko padin maiwasan mag tanong sa isapan ko kung ano ba yung iniisip nya sa mga oras na yun.
"Lalapitan mo ba?" Tanong ni Martin.
"Para san pa?!" Tanong ko at nag dirediretso na ng lakad papunta sa mga kameeting namin.
Someone's POV
Dalawang linggo ang lumipas at mag kasama silang mag trabaho. Pinili ni Krishia na mas maging professional pag dating sa trabaho nya at isinantabi ang lahat ng meron sila ni Ranz. Pero si Ranz, pinilit nyang pahirapan si Krish at mas madali nya nga tong nagawa dahil sa mas mataas ang kanyang posisyon sa trabaho.
"Kailangan kong mag leave for 1 month dahil kailangan ko ngang umuwi sa Pilipinas." Inis na paliwanag ni Krish kay Ranz. Pero hindi nya ito pinakinggan at nag dirediretso lamang ito palabas ng opisina na lalo namang kinabwisit ni Krishia!
Kailangan nyang pamamayag si Ranz para sa kanyang mag punta sa Pilipinas, dahil si Ranz ang boss nito. Kaya ito halos hindi mapigilan ni Krish ang mapaluha dahil sa sobrang inis, "bwisit ka!" Bulong nito at pinunasan nya yung luha nya.
Lumabas na din ito ng opisina nila, at pero kahit ganon hindi pa din nya matago ang tunay nyang emosyon na nasasaktan na sya sa nangyayari. Ramdam nya ang pag papahirap sa kanya ni Ranz, at alam nya din na gusto nitong gumanti dahil sa ginawa nya nuon, ngunit wala namang magawa si Krish kundi ang tiisiin ito o kung hindi ay kailangan nya na lang umalis sa kanyang tinatrabahuhan.
Nakita ni Ranz si Krish na palabas ng building, nakita nito ang pag luha ni Krish dahil sa ginawa nya. Hindi maiwasan ni Ranz maguilty kahit na ganon. Hindi nya maiwasang hindi mag alala para kay Krish. Lumabas ito ng kanyang kotse at tinangkang sundan si Krishia habang patawid ito ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!